CHAPTER FIVE

26 2 0
                                    

ALEXA's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mata ko galing sa bintana ng Kwarto ko.Tiningnan ko ang cellphone ko sa gilid ng kama at tiningnan ang oras.

Time check:6:49am

Tumayo na ako para maligo at para na din Makakain ng almusal.Inayos ko lang saglit ang mga gamit na dadalhin ko ngayon at kaagad na bumaba.

Pagbaba ko naabutan ko sila Mama at Kuya.Si Kuya Kumakain na ng agahan habang si mama nasa sala abala sa mga Bills na kailangang bayaran.

Kung pwede nga lang Hihinto muna ako sa pag aaral para makatulong dito sa bahay.Kaso alam ko naman na kahit anong sabihin ko o idahilan ko kay mama Hindi ito papayag.Kahit si Kuya Gelo alam ko din naman na nahihirapan na sa pagpapart time job niya mas pinili niyang siya ang huminto sa pag aaral kesa sakin.

"Alexa Kumain kana dito"yaya sa akin ni kuya gelo.Umupo ako sa kaharap na upuan niya.

"Si mama?tapos naba kumain?"Tanong ko kay kuya habang kumukuha ng kanin.

"Tapos na siya, maaga siyang nagluto nauna na din siyang kumain"sagot naman ni kuya Gelo.

"Si Mama, Pinoproblema na naman yung mga bayarin dito sa bahay"Sabi ni kuya habang nakatingin kay mama.

"Hindi din kase ako nakapag advance sa boss ko"dugtong pa niya.Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin kay kuya.

"Kuya?Sorry ah"Hingi kong paumanhin.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt.Feeling ko nahihirapan na talaga sila dagdag pa yung wala akong maitulong kahit konti man lang.

"ano kaba, Dalian mona dyan baka malate kapa"utos ni kuya.

Binilisan kona ang pagkain ko pagkatapos ay umalis na.

7:25am na ng makarating ako ng Campus.May limang minuto pa ako bago magsimula ang klase kaya binilisan kona ang paglalakad.Habang naglalakad hinahanap ng mata ko sila Jade at Lilian pero hindi ko sila makita.Baka nasa room na sila kaya dumeretcho na ako don, Hindi nga ako nagkamali nakaupo na silang dalawa sa pwesto nila.

"Goodmorning"bati sakin ng dalawa pag upo ko.

"Goodmorning din"Bati ko din sakanila.

Sakto namang pumasok ang First subject teacher namin kaya umayos na kami ng upo.

Tahimik lang kaming nakikinig sa teacher namin.

"That's all for today class, Have a nice day"bati ng Teacher namin bago lumabas.

"Alex, Mamaya yung Practice niyo ni Xander diba?"tanong ni Jade.

"Ahmmm oo"Sagot ko habang inaayos ang medyas ko.

"So hindi ka makakasama mamaya?"Tanong naman ni Lilian

"ha?saan?"kunot noong tanong ko sakanila.

"Ah wala magshoshopping lang kami"sagot naman ni Jade.

"Ay nako, Pass muna ako tsaka wala akong pera ngayon.Madami ding bayarin sa bahay kaya kailangan ko ding tipirin tong allowance ko nakakahiya naman kanila mama"sabi ko pa.

HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)Where stories live. Discover now