ALEXA's POV
Hindi ako mapakali sa sinabi ni Ate Xeira na Ate ni Xander.Gusto kong sabihin sakanila Jade at Lilian pero hindi ko alam kung paano dahil baka madulas sila at masabi nila sa iba.Bahala na!
"Look, bagong lipstick nabili ko sa watson bago pumunta dito" ipinakita ni Jade ang Lipstick na hawak nya.
Ewan koba pero ang hilig nya sa ganyan feeling ko nga nag iipon sya ng mga lipstick collection dahil sa dami ng lipsticks nya.
"Uy wow ang ganda ng kulay" kinuha ni Lilian ang lipstick at Binuksan.Tumingin si Lilian kay Jade na tumango naman.
"yieee thankyou" pagpapasalamat ni Lilian
Tahimik lang ako nanonood sakanila, Sa tinginan palang talaga malalaman mona agad ang gusto nila kahit hindi ito sinasabi at isa yon sa mga talent namin.
Nandito kami ngayon sa sala ng bahay nandito din sila Jade at Lilian.Hindi ako makaalis dahil walang magbabantay kay mama kaya sila na ang pumunta dito para na rin daw mabisita si Mama.
Nilaro ko ang Daliri ko habang hawak ang baso ng Juice na iniinom ko.Pinag iisipan ko kung dapat ba nilang malamang ang kalokohang gagawin ko.
"Hoy Alex!bat ang tahimik mo?may sakit kaba ha?" tanong ni Lilian sa akin sinalat nya pa ang noo ko at ang leeg ko
"Aish hindi ano ba" saway ko sakanya kaya umayos naman sya ng upo
"Ano kase…..si Xander pati yung ate nya" pagsisimula ko nagsilapit naman sila at titig na titig sa akin habang hinigintay ang susunod kong sasabihin
Bumuntong hininga ako bago magsalita
"Humihingi sila ng tulong sa akin" dugtong ko
Umayos ulit sila ng upo
"Kala ko pa naman kung ano" si Lilian
"Akala ko isinumbat nila yung gastos nila sa pageant" si Jade
Hindi kame nagkita kita bago at matapos ang pageant dahil sa dami ng ginagawa namin.Busy ako sa paghahanda sa pageant isabay pa yung nagkasakit si mama, Samantalang sila Ang naatasang Mag ayos ng mga Designs sa stage.
"Hindi naman kasi yon, buti nga sana kung yun lang e pero nakakaloko talaga yung hinihingi nilang tulong" sabi ko na isinubsob pa ang ulo sa unan sa gilid ko
"Ano ba kase?" tanong naman ni Jade
"Kung kalokohan yan at makakasakit kayo ng tao nako wag na alex" tutol ni Lilian
Nagdadalawang isip talaga ako kung sasabihin ko sakanila ito.Pero siguro dapat naman nilang malaman ang nangyayari sa kaibigan nila.
"Kinausap ako ng ate ni Xander,Hindi ko alam kung kanino nya nakuha ang number ko at kung paano nya ako nakilala.Nagkita kami kanina at gusto nilang pagpanggaping ako bilang girlfriend nya para hindi matuloy ang pagpunta ni Xander sa US para ipakasal sa hindi nya kilala" kwento ko
YOU ARE READING
HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)
RandomAlexa Ylante is A girl who just want a happy life,Siya yung babaeng kontento na sa kung anong meron siya.Kuntento siya sa Kung anong kinalalagyan niya,at ng Pamilya niya.