CHAPTER TWENTY-FOUR

4 0 0
                                    

ALEXA's POV

"Wanna try it?" tanong si Xander dahil nakita nya yatang kanina pa ako sa Macha Flavor nyang cake.

nod*nod*

Kumuha sya ng cake gamit ang Kutsara nya.

"Oh nganga" utos nya habang nakatapat sa bibig ko ang kutsara na may Cake.Mabilis ko itong sinubo at ninamnam.

"Sarap?" tanong pa ulit ni Xander at mabilis naman akong tumango.Tinikman din nya ang cake gamit ang kutsara na pinangsubo nya sa akin kanina.Infairness Hindi pala sya maarte kahit anak mayaman sya

"Baby Jade subuan mo din ako" sabi ni Aki habang nakanganga sa harap ni Jade.Kumuha si Jade ng cake gamit ang kutsara nya tsaka ito itinapat sa bibig ni Aki.Akmang kakainin na ito ni Aki ng Isubo ito ni Jade sabay ngisi sinamaan naman sya ng tingin ni Aki.

Nandito kami ngayon sa loob ng Mall at kumakain sa nadaanan naming cake and Pastry.Nagkayayaan kami na mag kumain pagkalabas namin ng school kanina Libre naman daw ni Xander kaya pumayag na ako.May ilang oras pa naman bago Magtrabaho si Kuya kaya sumama nalang ako.

Hindi ko na namin gaanong nakakasama si Kiros pagkatapos ng aksidente na nangyari sa Bar nung nakaraang gabi.Maayos na ang sugat ko ngayon dahil hindi naman ito gaanong malalim.

Simula din nung araw na yon napapansin kong napaka special ng trato sa akin ni Xander.

Ilang buwan na kaming nag kukunwari pero kailan ko lang naramdaman ito.Masaya ako sa tuwing kasama ko sya, Gustong gusto ko yung pagiging sweet nya sakin, gustong gusto ko yung mga bagay na ginagawa nya sa akin.Gustong gusto ko yung Reaction nya kapag nasasaktan ako.

Muli akong sumubo ng chocolate cake na inorder ko.Kumuha si Xander ng tissue sa harap namin tsaka sya lumapit sa akin at pinunasan ang Gilid ng labi ko.

"Ayusin mo kumain, dugyot ka talaga" sabi nya.Naramdaman ko na naman ang kabog ng dibdib ko.

Posible kayang magustuhan mo din ako?Posible kayang pareho din tayo ng nararamdaman?

"Hey!" nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Xander

"May masakit ba sayo?" eto na naman ang nag aalala nyang mukha

"Wa-Wala" sagot ko at mabilis na nag iwas ng tingin.

"Totoo naba yan ha?" Kinikilig na tanong ni Ak

"Manahimik kang intchik ka" saway ni Xander.

Alam kong ginagawa mo lang to bilang parte ng pagkukunwari natin.Pero sana, Sana totoo nalang to, Sana may dahilan ka pang iba na ikakatutuwa ko

"Hoy tara May mga sticky note na nakadikit don magsulat  tayo" parang batang turo ni Lilian sa Pader na maraming sticky note.

"Ano namang isusulat natin dyan?" walang ganang tanong ni AJ

"Kung kelan ka Ulit iignore ng mga babae sa Bar" pang aasar ni Lilian

"Foul yon bro HAHAHAH" si Leonel

"Payag ka ginaganyan ka nya Jay?Kiss mo agad" sulsol ni Aki kaya sinamaan sya ng tingin ni Lilian.

HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)Where stories live. Discover now