ALEXA's POV
Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad papunta sa canteen.Simula nung Pinagsigawan nya na girlfriend nya ko Palagi na kaming magka dikit.
Araw araw din kami naghaharutan sa Room man yan or sa Canteen.Ang daming nagsasabi na naiinggit sila sa amin pero ang hindi nila alam, palabas lang lahat to.
Ilang buwan na kaming ganto, Ilang buwan na din ang pagpapanggap namin, hindi ko alam kung hanggang kelan ito.
"What do you want?" tanong ni xander habang nakatingin kami sa menu ng Canteen
"Bakit libre mo ba?" tanong ko sakanya.
"Choose everything you want" nagliwanag ang mata ko sa sinabi nya.
Patay ka saken uubusin ko laman ng wallet mo Hahahahaha.
"Mauubos mo lahat yan?" manghang tanong ni Aki habang tinitingnan ang sobrang daming inorder namin.
"Ang dami" kumuha ng Shanghai si Aj
Nilantakan namin ang inorder namin na binayaran ni Xander.Tahimik nya kaming pinagmamasdan habang sumisimsim ng coke na hawak nya.
"Yung cake" turo ko sa cake na nasa gilid nya na kaagad nyang inabot sa akin
Kumuha ako ng tinidor gayundin sila Aki, leonel at Aj.Parang patay gutom kaming apat dahil sa dami na ng nakain namin.
Umayos ng upo si Xander tsaka kumuha ng tissue na nasa harap namin hindi ko naman sya pinansin.Nagulat ako ng iharap nya ako sakanya at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Napatitig ako sa mata nya habang pinupunasan nya ang gilid ng labi ko.Isang dangkal ang lapit nya sa akin nakatagilid ang ulo nya ng pinupunasan ako.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko feeling ko sasabog ito anumang oras.Pakiramdam ko may kuryenteng dumadaloy sa Katawan ko, Pakiramdam ko kinikilabutan ako.
"Napaka dugyot" wika nya matapos ako punasan
"Ang sweet" napaayos ako ng upo ng magsalita si AJ
Masama syang tiningnan ni Xander bago ako bitawan.
"Ng cake, diba Aki?" dugtong nya
Kinuha ko ang Baso ng tubig sa harap ko tsaka ininom "Tara na, malapit na next subject" yaya ko sakanila agad naman silang nagsitayo.
Pagka akyat namin sa hagdan Biglang humangin ng malakas
"Aayyy!" sigaw ko dahil kamuntikan ng tumaas ang palda ko ngunit Mabilis itong nahawakan ni Xander.
"Tsskk" tanging sambit nya bago muling naglakad.
Sa loob ng ilang buwan na pagpapanggap namin nakakaramdam na din ako ng iba't ibang pakiramdam mayroon pa nga kung minsan feeling ko may mga paru-paro sa tyan ko pero binabalewala ko lang to.
Pagpasok namin sa room nagkukwentuhan ang mga kaklase namin.Tumingin ako sa harap ng Classroom pero walang teacher.Lumapit ako agad kela Lilian at Jade kung saan kami nakaupo.
"Walang teacher?" tanong ko sabay naman sila na tumango.
Umayos ako ng upo, katabi kona ngayon si Xander na prenteng nakaupo sa tabi ko habang naka dekwarto.Sila Aki, Leonel at Aj naman ay naglalaro ng ML sa cellphone nila samantalang si Kiros Nakapikit habang may nakasalpak na Headphone sa ulo.
Si Lilian abala sa panonood ng Make up vlogs Samantalang si Jade naglalagay ng make up habang nakatingin sa maliit nyang salamin.
Nakaramdam ako ng Hilo at Pakiramdam ko ang init ng Katawan ko kaya naisip kong matulog nalang baka antok lang ito.
YOU ARE READING
HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)
RandomAlexa Ylante is A girl who just want a happy life,Siya yung babaeng kontento na sa kung anong meron siya.Kuntento siya sa Kung anong kinalalagyan niya,at ng Pamilya niya.