XANDER's POV
"What!Dinala mo sa bahay nyo si Alexa?Then pinakilala mo sa mommy mo?"Tanong ni Aki sa akin na isa sa mga kaklase ko.
Mabilis ako nakahanap ng mga kaibigan sa school nato kahit baguhan ako.Madalas din akong pagkaguluhan ng mga Students na babae dito.
Andito kami ngayon sa Bilyaran na madalas naming pinagtatambayan malapit sa school.Uwian na rin naman kaya kahit dis oras pa ako umuwi ay ayos lang.Kasama ko ngayon sila Aki, Leonel, Kiros, at AJ
"Ano ba talagang Plano mo kay Alex?"tanong naman ni AJ.
"Kung ako sayo bago ka gumawa ng plano, ipaalam mo muna sakanya kung ayaw mong magkagulo"Sabat naman ni Kiros habang may hawak na Cue stick.
"Alam kong matagal pa pero Mas ayos na yung may plano ako ng mas maaga kung sakali mang ituloy ni Lolo ang Binabalak nya"Sabi ko habang hawak ang isang bote ng Mineral Water sa kamay ko.
"Wait?What?Anong plano?"curious na tanong ni Aj.
"Im already 17 years old, Pagtungtong ko ng 18 years old kukunin ako ni Lolo para dalhin sa ibang bansa.Ako ang mag aasikaso ng business namin sa US dahil ako lang ang nag iisang anak na lalaki.Walang alam ang ate ko sa business world kaya kailangan kong pag aralan yon"Paliwanag ko sakanila na Seryoso namang nakikinig.
"Anong kinalaman ni Alexa sa mga yan?"Tanong agar ni Aki.
"Bata palang ako nung nagkaroon ng problema ang Kumpanya namin.Tinulungan sila ng isa sa mga kaibigan ni Daddy at Bilang kapalit sinabi ni Lolo na ako ang magiging daan para makabawi sila sa itinulong ng kaibigan ni Daddy. Kailangan kong Pumunta ng US pagtungtong ko ng 18 years old para mamuno sa kumpanya at Makilala ang Babaeng Ipapakasal sa akin"dugtong ko
"You mean?Ipapakasal ka sa babaeng hindi mo pa nakikilala?"Tanong naman ni Leonel At tanging tango lang ang isinagot ko.
"Nakukuha kona"Seryosong singit ni Kiros kaya sabay sabay kaming napatingin sakanya.
"Kailangan nyang Ipakilala Bilang Girlfriend si Alexa para hindi matuloy ang balak ng Lolo nya na ikasal sa babaeng hindi nya gusto, Tama ba?"Paliwanag nya
Matalino si Kiros hindi katulad ng Tatlo.Agad nakukuha at naiintindihan ni Kiros lahat ng bagay kaya hanga ako sakanya.
"Ganun nga"Tipid kong sagot.
"Pano kung Tumutol ang Lolo mo sainyo?"Tanong pa ulit ni Aj
"Naikwento din ni daddy na Kung sakaling wala parin ang girlfriend pagtungtong ko ng 18 years old, Sa ayaw at sa gusto ko Kailangan kong ikasal sa anak ng kaibigan ng daddy ko"Kwento ko pa ulit.Binuksan ko ang Bote ng Mineral Water at tinungga ito.
YOU ARE READING
HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)
RandomAlexa Ylante is A girl who just want a happy life,Siya yung babaeng kontento na sa kung anong meron siya.Kuntento siya sa Kung anong kinalalagyan niya,at ng Pamilya niya.