ALEXA's POV
Nakakahilo ang Ilaw at Amoy dito sa loob ng bar pag pasok namin.Ito ang unang beses kong pumasok sa isang bar dahil hindi naman ako mahilig sa ganito.Naiilang pa ako sa naisuot kong damit dahil parang masyadong maiksi.Nagsearch ako sa google ng sinusuot sa mga bar party pero parang hindi ko matiis na ganong ang isuot.May mga tops na halos makita na ang kaluluwa maging shorts okaya palda.Kaya fitted dress nalang ang sinuot ko na nakalkal ko sa closet ko.
"Sit beside me!" sigaw ni Xander para marinig ko.Masyadong malakas ang tugtog kaya hindi kami magkarinigan.
Masakit sa mata ang iba't ibang kulang ng ilaw dito sa loob.Siksikan din dahil sa dami ng customer ngayon dahil nga weekend.
Umupo ako sa tabi ni Xander.Paikot ang upuan na nakita namin sa bandang gilid dito nila napiling umupo dahil daw hindi gaanong matao sa lugar na ito.
Umalis si Aj at pagbalik nito may dala na syang bucket ng Pale pilsen.
Lumapit ako kay Jade na katabi kong nakaupo"Iinom tayo?" tanong ko tumango naman sya
"Hindi ako iinom" sabi ko naman kay Xander
Pero parang hindi nya narinig ang sinabi ko.Kanya kanya na silang nagsikuha ng bote ng pilsen Iniabot sa akin ni Kiros ang Isang bote na tinanggap ko dahil ayoko namang maging KJ.
Nakita ko kung paano tunggain ni Lilian ang bote ng pilsen na kinuha nya,Hindi ko alam na umiinom pala sya ng alak.Inamoy ko ang Hawak kong pilsen bago ito tunggain.
Mas masarap ang lasa ng Pilsen kesa sa Redhorse na natikman kona noong unang pinatikim sa akin ni kuya dati.
Ilang oras ang lumipas at hindi ko namalayan na Nakakarami na sila ng inom.Ibang alak na din ang nakalapag sa lamesa namin si Lilian palagay ko ay may tama na ng alak dahil nakikipag sayawan na sya sa gitna ng dancefloor kasama si AJ at leonel samantalang sila Aki at Jade ay nasa kabilang upuan habang nagtatawanan.Kaming dalawa lang ni Xander ang magkatabing nakaupo ngayon dito sa pwesto namin.
Paunti unti lang ang iniinom ko dahil baka kung mapaano ang dalawang babaeng kasama namin.
Tuloy tuloy parin sa pag inom si Xander na nakasandal sa Sandalan ng upuan namin habang nakapatong dito ang kamay
"Xander tama " saway ko tiningnan nya lang ako bago ulit uminom.
Mapungay na ang mata nya senyales na tinatamaan na din sya.Pinabayaan ko nalang sila dahil mukhang hindi din sila magpapa awat.
Kakaupo lang ni Kiros galing sa hindi ko alam kung anong lugar ang pinasukan nya.Nginitian nya ako bago kunin ang baso nya at tunggain ito.
"Alexa Can we talk?" tanong nya sa akin
"Tungkol saan ba?" tanong ko din sakanya
"Outside sana" nakatungong sagot nya
Naagaw naman ang atensyon namin ng magsalita si xander "Bat hindi nalang dito?bat sa labas pa?" sarcastic na tanong nya.
"Ok" kibit balikat na sagot ni Kiros bago muling humarap sa akin.
"I want to tell you something alexa" seryosong pag uumpisa nya.
Tahimik akong nag hihintay ng susunod nyang sasabihin.
"Kiros likes you alexa" sabat ni Xander kaya hinampas ko ito sa tuhod.
"Why?Im just saying the truth, right kiros?" tumingin si Xander ng deretcho kay Kiros na nakipagsalubungan din ng tingin kay Xander.
YOU ARE READING
HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)
SonstigesAlexa Ylante is A girl who just want a happy life,Siya yung babaeng kontento na sa kung anong meron siya.Kuntento siya sa Kung anong kinalalagyan niya,at ng Pamilya niya.