ALEXA's POV
Magkakaharap kaming nakaupo ngayon dito sa living room.Katabi ko na ngayon si Xander habang sila tita arian at Ate Xei ay magkatabi parin gayundin ang Lolo at Lola ni Xander.
"Ilang buwan na kayong magkarelasyon?" tanong ng lola ni Xander.
Sa boses nya palang nakakatakot na sa tono ng pananalita nya mapag aalaman na kaaga na suplada at strikta sya.
"A-Ahmmm" Dapat pala pinaghandaan ko muna tong mga tanong nato.Bakit ba hindi ko ito kaagad na isip.
"Before I came back" singit ni Xander.
Nilingon sya saglit ng Lola nya bago ibinalik sa akin ang tingin.
"Hindi kaba nagsisisi na Naging boyfriend mo si Xander?" sarkastikong wika ng lola nya.
Inaasar nya ba si Xander?
"Syempre hindi po, Swerte ako na naging boyfriend ko sya" nakangiti kong sagot at tumingin kay Xander.
Pinag krus ng Lolo ni Xander ang mga Binti nya bago muling nagsalita.
"Bakit ngayon mo lang sya pinakilala sa amin?" tanong ng lolo nya.
"Dinala ko na sya dito, Nakilala na din sya ni mommy" mabilis na sagot ni Xander.
Nagtanong tanong pa ng kung ano ano ang Lola ni Xander katulad ng kung ilang taon na ako, kung Paano kami nagkakilala ni Xander, naitanong nya din ang tungkol sa pag aaral ko at kung ano ano pa.
Matapos ang ilang oras ng pag uusap napag pasyahan ng Umakyat na para magpahinga.
Naiwan naman kaming tatlo nila Ate Xei, Xander at ako.Mabilis na umusog ako ng upuan dahil dikit na dikit kami ni Xander kanina habang kaharap ang Lolo at lola ni Xander.
"Omaygaddd, I though hindi kana dadating" nakahawak sa dibdib na sabi ni Ate Xeira.
"Sorry ate, nalate ko" hingi kong paumanhin.
Lumapit si Ate xeira sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Dumating ka parin kaya its ok" nginitian nya ako
"Maiwan ko muna kayo, Im so tired din kase" paalam ni ate Xeira bago kami iwan.
Naiwan kaming dalawa ni Xander na Tahimik at Walang kibo.Ilang minuto pa ang lumipas bago sya magsalita.
"Hey, Akala ko ayaw mo?" tanong nya.Sinamaan ko naman sya ng tingin
"Magpasalamat ka nalang dahil dumating ako.Kung hindi malamang nag iimpake ka na ng mga gamit mo ngayon" pag susungit ko sakanya.
"Tsk Whatever" Sagot nya
Nakakainis din talaga ang ugali nya.Ni hindi man lang magpasalamat sa ginawa ko.Tiningnan ko ang Oras sa cellphone 9:46pm na kaya tumayo na ako.
"Uuwi nako" paalam ko ngunit hindi sya tinitingnan
Tumayo din sya bago magsalita
"Hatid na kita, nakakahiya naman sayo" sabi niya na nauna ng naglakad palabas ng bahay.
"Hanggang kelan to?" tanong ko sakanya habang inaayos ang seatbelt ko pagkapasok ng sasakyan.
YOU ARE READING
HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)
De TodoAlexa Ylante is A girl who just want a happy life,Siya yung babaeng kontento na sa kung anong meron siya.Kuntento siya sa Kung anong kinalalagyan niya,at ng Pamilya niya.