CHAPTER FIFTEEN

9 1 2
                                    

XANDER's POV

Pagkauwi ko sa bahay galing sa bahay nila Alexa dahil hinatid ko sya naabutan ko si ate xei na nasa Kusina habang nagkakape.Nilapitan ko sya tsaka umupo sa katabing upuan nya.

"Do you want coffee?" tanong nya pag kaupo ko pero tinanggihan ko lang ito dahil baka mahirapan akong makatulog.

"Thankyou" nakangiti kong wika habang nakaharap sakanya.Humarap din sya sa akin at ngumiti.

"Wala yon, You're my Baby brother so i need to do something na ikatutuwa mo" si Ate

Minsan hindi kami nagkakasundo ni ate but Im so thankful that I have a Older sister like her.Kahit nag kakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan she's still doing her role as my Ate

"I need to sleep na may lakad pako bukas" tinapik nya ako sa balikad bago ako iwan.

Ilang minuto muna akong nanatili sa kusina bago napag pasyahang  umakyat na din sa kwarto ko at  magpahinga.

Kinabukasan

Sunday at 6:30pm

Simula kaninang 8am nakatambay na kami dito sa bahay nila Kiros.Nagkayayaan na tumambay dito sa bahay nila gusto sana nila sa bahay namin kaso nandon pa sila Lolo at Lola kaya napagpasyahan naming dito nalang sa bahay nila kiros.

Wala ang mga magulang nya, nasa business trip daw ang mga ito sa new york at tanging ang mga kasambahay lang nila ang naiwan kaya malaya naming magagawa ang gusto namin.

"So anong nangyari?" tanong ni Aj bago sumubo ng Kinakain nyang Piattos

"Success.Lolo and Lola will go back to US today" sagot ko

"Naks naman, congrats!" sabi ni Aki na itinaas pa ang Hawak na baso ng juice.

"Yeah cheers for Xander's success!" si Leonel na itinaas din ang baso nya

Gaya ng ginawa nila tinaas din namin ni Aj ang hawak naming baso samantalang si Kiros ay nanatiling nakasandal sa couch habang naka krus ang mga binti.

"Anong balak mo kiros?" taas kilay na tanong ni Aj kay Kiros

"Uupo" pilosopong sagot ni Kiros akmang susugurin na ni Aj si kiros ng hilain sya pabalik ni Aki

"Ano kaba wag ka ngang pumatol sa kulang sa aruga" awat ni Aki "Kalma lang babe" hinawakan pa ni Aki sa Dibdib si Aj kaya tinulak ni Aj si aki na natumba naman sa Couch na nasa likod nito.

"Nababakla ka na namang hayop ka!" sigaw ni  Aj kay aki na ngayon ay tawang tawa na nakaupo sa sofa

Wala pang isang buwan simula ng lumipat ako sa school nila pero heto kami ngayon parang ilang taon ng magkakaibigan.

Si Aki at Aj ang pinakamakulit sa aming lima, habang si Leonel naman ang taga suporta sa kagaguhan ng dalawa habang si Kiros masyadong seryoso, may pagka KJ din sya kaya siguro hanggang ngayon ay wala pang nagiging girlfriend.

"Tara Bar, magcelebrate tayo" yaya ni Aki

"Tara" si Leonel

"G!" si Aj

Tumayo ako kaagad at inayos ang damit ko "Tara game" yaya ko

"Tanginang yan Kiros uupo kalang ba talaga dyan?" asik ni Aj kay kiros

HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)Where stories live. Discover now