CHAPTER TWENTY

3 1 2
                                    

XANDER's POV

"Dito ka lang" hinila nya ang kamay ko noong akmang tatayo ako.

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko pakiramdam ko tumigil ang oras sa mga oras na to.Hawak nya ang kamay ko ngunit nakapikit parin ang mata.Umupo ulit ako sa tabi nya

"Dito lang ako" wika ko habang hawak parin ang mga kamay  nya.

Bumaba ako sa gilid ng kama para doon maupo ng sa tingin ko ay mahimbing na syang natutulog habang hawak parin ang kamay nya.Bumuhos pa ang napakalakas na ulan kaya mas lalong nakadagdag sa lamig.Nagring ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko.

Aki is Calling

"oh?".sabi ko pagkasagot ko ng tawav nya.

"Kamusta si alexa?" tanong nya.Nilingon ko si Alexa na mahimbing ng natutulog.

"She's sleeping, Wala ang mama nya at Kuya nya that's why hindi na ko makakabalik sa school" Nilaro laro ko ang daliri ni Alexa habang nagsasalita.

"Don't worry nasabi na namin sa mga teachers to, Excuse kayong dalawa" Aki said

"Kamusta daw si Alexa?" rinig kong tanong ni AJ

"Natutulog daw e, Ano ba!umusog nga kayo" reklamo ni Aki na sa tingin ko magkakasama sila.

"Bat hindi mo kase i loud speaker!" rinig ko naman ang boses ni jade.

"Osige na ibababa kona nagwawala na yung mga asong ulol dito" paalam ni Aki

"Wait yung bag ko pakidala nalang" before i end call.

Inihilig ko ang ulo ko sa Kama habang nakaupo sa sahig nakaharap ang ulo kay Alexa.She's sleeping peacefully although namumutla parin sya at pinagpapawisan.Tahimik na tinitigan ko lang ang maamo nyang mukha.

Totoo namang maganda sya, maliban don may maganda din syang ugali.Kung ako ang magiging boyfriend nya hindi kona sya pakakawalan dahil napaka swerte kona sakanya.

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa tingin ko nilagnat sya dahil sa takot kagabi.Kung hindi ko sigurong piniling hindi sya gisingin malamang nakauwi kami ng maaga.

Nag alala ako kaagad noong sinabi ni Lilian na nilalagnat sya.Pagkapasok nya kanina napaka tamlay ng mukha nya  at namumutla din.Nung nasa clinic naman kami lamig na lamig sya kaya naman kinumutan ko sya ngunit nilalamig parin sya kaya naman nanghingi pako ng isa pang kumot sa nurse na binigyan naman ako kaagad.

Nanatili akong nasa ganong posisyon ng hindi ko mamalayan na nakatulog na pala ako.

"Iho"

"Xander"

Napamulat ako ng marinig ko ang tawag sa pangalan ko habang niyuyugyog ako.

"Umuwi kana ako ng bahala kay Alexa" utos ng mama nya.Napatayo naman ako kaagad

HIS FAKE GIRLFRIEND(On-Going)Where stories live. Discover now