Chapter 16- Doom

24 4 2
                                    

(A:N/ Dedicated to @vimireille)

Chapter 16- Doom

Coraline POV







Hindi ko na alam ang gagawin, tanging pag-iwas sa isang Ackerman ang tanging nasa utak ko, my brain is not functioning, ewan mas lalo akong nagulohan, ano ba talaga ang nangyayare, ginugulo ni Eight ang nasa utak ko, kulang nalang e umpog ko sa semento, kanina pa ako tulala, nag umaga nalang, nag teleport ako papunta dito sa kwarto pagkatapos nya akong halikan sa kabilugan ng berding buwan.

Nalason na yata ang utak ko bat di gumagana ng matiwasay, di ko manlang pinigilan ang kanyang ginawang pag halik sa akin, isa iyong kapangahasan, mortal sya at ako ay imortal, kinamumuhian ko ang lahi nila pero bat nag babago ang isip ko, bakit ganito ang nararamdaman ko, bat ako nag dadalawang isip na patayin si Eight Ackerman, isa syang Ackerman, at dapat lahat ng Ackerman ay mawala na.

Ipinangako ko sa puntod nila, na papatayin ko bawat isa sa angkan ng mga Ackerman, kahit si Don Eduardo at Heneral De Carpio, sila lang naman ang pumaslang sa mga magulang ko, pero sa sobrang galit ay may madadamay akong inosente, iyon ay si Eight Ackerman, ang lalaking nag nakaw ng halik sa ikalawang beses.

Naiinis ako sa sarili ko, bat di ko sya naitulak o kahit pumalag ay di ko magawa, mukha akong ewan na nag padala sa kanyang mga halik, napa-iling ako ng ilang beses, hindi maari, the sinner must suffer.

Dapat sa oras na ito ay pinapahirapan kona sya at pinepiraso-piraso na ang katawan nya, pero kahit ne tumayo ay di ko magawa, kinatok ako kagabi ni Eight at nanghihinge ng kapatawaran dahil sa ako'y kanyang binigla, ngunit di daw sya nagsisi na ako'y kanyang hinalikan, hangal na hayop pa, double dead siguro labas nito pag sinagad ang pasensya ko, bat ko nga ba sya di pa ginagawang manika.

Hindi sa nakokonsensya, sila nga ng pamilua nya walang awang pinatay ang pamilya ko, ano pa kaya kung gawin ko syang manika, magiging imortal din sya, pero di na sya masisikatan ng araw na di pa manika, masama na kung masama pero mas masama ang pamilya nila, kahapon ko padin di alam kung asan ang matabang pusang iyon, si Vyks na lagalag, na laging nag lalakwatsa, tsk pero siguro napakain na yun ni Eight.

I heard soft footsteps, and speaking of that evil cat, andito na nga at nag pakita, di ko ito nilingon at pinabayaan lang, naka tingin lang ako sa ceiling habang nakahiga, wala pa akong kain, at malapit na mag alas-dyes pero wala padin akong paki, bat nga ba nag tatago ako dito? Sa pag kakatanda ko di naman ako ang may kasalanan at isa pa di ako ang nag nanakaw ng halik, kundi ang pangahas na lalaking iyon.

May lumundag sa kama at ramdam kung sumampa ito sa aking tyan, nahiga doon si Vyks habang ako ito, problemado padin kung ano ang gagawin, mukha nakong timang kakatingin sa kisame.

Hinaplos ko ng marahan si Vyks, komportable syang nakahiga sa aking tyan, at patingin-tingin sa akin, alam kung alam nya ang nangyare, alam kung alam nya rin ang nasa isip ko, mahiwaga ang pusang mayroon ako kaya kahit isara ko ang isip ko ay mapapasok nya padin ito, master nya ako, ako na ang amo nya kaya alam kung namomoblema din ito.

Napa-isip ako kung bakit di nanlaban sila mama at papa nung patayin silang dalawa nila Don Eduardo at Heneral De Carpio, bat di sila gumamit ng mahika, bat nila hinayaang mawalay sila sa akin, bat nila ako iniwan mag isa, madaming tanong na hanggang ngayon di ma sagot-sagoy kahit ne isa, malakas at makapangyarihan ang mga magulang ko kaya imposible na di sila makalaban, ne kahit protektahan nila ang kanilang sarili ay wala silang ginawa.

Sumagi nadin sa utak ko, pano kung gusto na nilang mamayapa? Di naman kasi pwedeng mamatay lang ng ganun-ganun ang isang Entenebrecido user, na isang putok ng baril ay mamatay agad sila, di pwedeng di plinano ang pagkamatay, di pwedeng simpling bala ang gamit, ewan pero pano kung di talaga ginusto ng mga Ackerman ang nangyare.

Umiling ako, ilang ulit na pag iling na napunta sa pag sabunot sa aking buhok, damn this situation, mas lalo lang akong nagugulohan, ang alam ko ay walang awa na pinatay ng Ackerman ang pamilya ko, sila ang walang awang pumaslang dito, mas masahol pa sila sa demonyo.

Mas masahol pa sila sa pinagagawa ko, The demon is Don Eduardo, The satan is Heneral De Carpio, and lastly The sinner Eight.

Bat ba ang bigat ng pakiramdam ko pag binabangit na ang pangalan nya na sabay sa mga makasalanan, what if Mother Nelly was right?, But I must continue what I started, I must finish them all, isang bagay na gusto kung mangyare ngunit kahit anong hiling ay di talaga matutupad.

Eight will always be an Ackerman, kahit balik-baliktarin ang mundo, Ackerman padin sya.

"Master I can kill Eight if that what's you want, para maalis ang mga iniisip mo at mabawasan ang iyong problema." The cat stood up and face me.

Nginitian ko sya, naupo sya sa aking tyan but his still looking at me like I'm the most important person in his life, mabuti pa ang pusa nag-aalala hmp.

"No, hayaan mo nalang ako mag isip ng problema ko Vyks, you should rest." Kalmado kung ani habang hinahaplos uli ang kanyang ulo pababang buntot.

Sobrang lambot ng balahibo ni Vyks at parang normal lang na pusa kung tingnan, but his Stirling gray eyes gives the dark aura around him, na sinasabi ng mga kulay ng mata nya na di sya pangkaraniwang pusa lang, I know that Vyks can transfrom into a human or a witch basta pag inutos ko, ganun kalakas ang Entenebrecido Cat, kakaiba ang kulay ng kanyang mga mata, mapapasabi ng 'Sana all'.

Kung di lang to pusa pinakasalan kona at ginawang asawa, pinag iiwanan na din ako ng kalindaryo.

"I won't marry you master, never." Umiling-iling pa nitong sabi.

Napatawa nalang ako at umiling-iling nalang din, I know, forbidden yun tyaka di ko din kayang asawahin ang pusa ko, masyado na syang matanda, Vyks glare at me, alam kung nababasa nya lahat ng nasa isip ko.

Kumalam na ang sikmura ko at gutom na gutom na talaga ako, pero binabaliwala ko lang, ayaw ko talaga makita ang pag mumukha ng lalaking iyon, nabubusit ako na ewan.

"Master don't starve yourself, nasa labas si Eight nag papahangin, pwede kang kumain na dahil di mo naman sya makikita." He said with full of assurance.

Napatango nalang ako at dahan-dahang tumayo, medyo pa ako nahilo, siguro sa matagal na pag kakahiga, kaya ipinikit ko muna ang aking mga mata hababg humihinga ng malalim, ayaw kung makasalubong si Eight ne kahit makita kahit hibla ng buhok nya ay ayaw kong makita.

Hinakbang ko ang aking mga paa, marahan para di maka likha ng kahit ne anong ingay, pinihit ko ang saradula ng aking kwarto, at katahimikan ang namayani sa loob ng bahay, wala ang nakaka-iritang boses nya na nag e-echo pag kumakanta sya.

Maganda ang boses ni Eight, pero ngayon kailangan ko syang mas kamuhian, he is an Ackerman, why do he need to be an Ackerman?, Huh? Wait nagugulohan nanaman ako arghh kaninis.

Bumaba ako ng marahan pababang hagdan, palinga-linga samantalang itong si Vyks ay chill lang at parang walang paki kung makita ako ni Eight, na unang bumaba sa akin si Vyks, I followed him, nasa kusina na sya, at doon din ako pupunta siguro nasa labas nga si Eight, like what Vyks said.

Nasa kusina na ako at nakita kung may naka-iwan ngang pagkain sa mesa, kinuha ko na ang plato at kutsara, I started eating and Vyks is sitting in my lap, nakahiga ito sa pagitan ng aking hita, di ko alam kung saan ito nag susuot kahapon mukhang pagod at may ginawang importante.

Napatigil ako sa pagkain ng kay tumikhim sa aking likod, I immediately look at my lap and glared at the big fat black cat, he immediately disappear, nung kukurutin ko na sana.

I can hear his foot steps, papalapit sa akin ng papalapit, naiilang nanaman ako, malaman lang na malapit sya sa akin ay nagiging aligaga na ako, pinag papawisan na ako ng malamig and I can hear my heart beating so fast, damn this Ackerman, nararamdaman ko ding galit sya.

"Coraline.." The coldness in his tone gives shiver in my spine.

Damn I'm doom, galit nga sya, and when Eight is angry, his angry, He face me and with his enthral green eyes, now I'm being hypnotize.










Coraline Demon Doll Where stories live. Discover now