Kabanata 78

5K 324 45
                                    

The night is already deep and the wind is beginning to turn colder and colder every passing minute. Ngunit ang plaza ay puno pa rin ng mga tao. The huge statues that are surrounding the whole plaza are being illuminated by the huge bonfire in the middle of it. Napupuno rin ng iyakan ang buong lugar at minsan ay nakakarinig sila ng ilang mga pagsigaw. The night was very very cold for the citizens of Centrio.

"Please.. please help us," said one old lady as she kneel in front of the statue of the goddess, Odeana. "May your blessings shine upon us." patuloy itong nagdarasal at inalay pa nito ang kakaunting pagkain na meron siya. Hindi lamang siya ang natatanging tao ang gumagawa no'n.

"Pakiusap," saad ng isang lalaki habang inilalagay ang kakapiranggot na tinapay sa harap ng estatwa ni Aethona. He also kneeled and looked at the statue's face, "Kami'y nagmamakaawa."

"Nawa'y kami'y inyong marinig." umiiyak na sabi ng isang babae at tuluyan ng lumuhod sa harap ng estatwa ni Shoru. Ang noo nito ay nakadikit na sa maruming kongkreto. Ang anak nitong batang babae ay umiiyak na dahil sa gutom. Dahil maski ang kakapiranggot na pagkain na kinikita ng mga ito sa pagtatrabaho sa construction site ay kanilang inaalay sa mga Diyos at Diyosa.

"Nagmamakaawa kami. Pakiusap! Pakinggan niyo kami!" desperadong sigaw ng isang matandang lalaki habang siya'y nakatingala sa estatwa ni Feiro at ang mga kamay ay kaniyang itinataas rin. Ang mga luha nito ay lumalandas sa kaniyang kulubot na mga pisngi at ang mga payat nitong kamay ay pilit na inaangat sa madilim na langit.

Nagmamakaawa ang mga ito ng buong puso para sa tulong. Tinatawanan lamang ang mga ito ng mga tauhan ni Shaera. Looking at them like dogs who's trying their best to beg for the crumbs of their master. Ang ibang mga tauhan ay kinakain pa ang mga inihahandog ng mga ito at sila'y tatawanan. Pinupunas rin nila ang kanilang mga sapatos sa mga maruruming damit ng mga ito.

Zai just stared down at all the pleading people with her usual sharp and cold eyes from the window. Her arms are crossed on her chest as she lean on the wall beside the windowsill. The light coming from the bonfire in the middle of the plaza is the only thing that's illuminating the room they're in.

Sinbad put his sword down on the table, beside all their other weapons. He gave Zai a sideways glance. Walang emosyon itong nakatingin sa mga nakakaawang residente. Hindi na bago iyon.

Sinbad walked to the window where they can see the whole plaza. Malalim na ang gabi ngunit marami-rami pa rin ang naririto para magdasal imbis na sila'y umuwi na at ipahinga ang kanilang pagod na katawan. Maaga ang gising ng mga ito upang makapagtrabaho kaya ang pagpapahinga ay lubos na kailangan. Hindi naman sila pupuwedeng magtago upang sila'y hindi magtrabaho sa ilalim ng mainit na panahon. Ngunit kailangan nilang magtrabaho dahil sa takot na maaaring sumabog ang mga bagay na nasa kanilang mga pulso at hindi rin sila makakakain kung hindi sila magtatrabaho.

Kung gaano karami ang nahahakot o nagagawa mo sa pagtatrabaho, gano'n din karami ang pagkain na ibibigay sayo. Ang pagkain na kanilang ibibigay ay iyon na ang pagkain mo para sa buong araw. Marami na ang natumba at namatay dahil sa sobrang pagod at gutom.

Hindi mahalaga kung anong angkan ang pinagmulan mo. Hindi mahalaga ang estado ng iyong pamumuhay. Lahat ay magtatrabaho upang paglingkuran ang mga nilalang na kumuha sa kanilang kalayaan.

Inilipat ni Sinbad ang kaniyang paningin sa isang kampo ng konstruksyon sa di kalayuan. Maraming mga konstruksyon ang nagaganap sa kapitolyo kaya lahat ng tao ay pinagtatrabaho. Malaki ang proyekto na kanilang ginagawa at hindi niya matukoy kung ano ang magiging itsura nito. Sa hindi malamang dahilan ay si Ero ang pinagkatiwalaan ni Zai para makuha ang blueprint ng naturang proyekto. Mas epektibong magnanakaw si Shane ngunit ang doktor ang pinapunta nito. Hindi naman sinabi ng dalaga ang dahilan nito.

Excelium II: Hunting SeasonWhere stories live. Discover now