Hindi ko kaya 'to! Mamamatay ako rito! Zai!
Bahagyang nanginginig ang buong katawan ni Shane habang siya'y sumusunod sa isang tagapagsilbi na may dala rin' tray ng pagkain katulad niya. Sila ay patungo na sa hapagkainan kung saan naghihintay sina Shaera at ang mga kasamahan nito.
Naiisip pa lamang niya na haharap siya sa babaeng iyon ay nagsisimula ng manlambot ang kaniyang mga tuhod. Kumakabog na ng malakas ang kaniyang puso sa kaisipang may sumasabog na bagay sa kaniyang mga pulso, paano pa kaya ang kaisipan na kailangan niyang humarap at umakto ng normal sa harap ng isang nakakatakot na nilalang?!
Zai! Hindi ko pa kayang maging independent! Ayaw ko pang humiga sa kabaong ko! Ni hindi niyo pa nga kinukuha ang sukat ko eh! Gusto ko puti!
"Iayos mo ang iyong tindig," he flinched when he heard the maid talked behind him. Tila ba nagsasalita ito ayon sa sariling karanasan at dahil do'n ay kaniyang inayos ang kaniyang tindig. Mas mabuti ng makinig sa kaniyang sinabi kaysa pagsisihan niya rin ito sa huli. "You have to face them properly. Kung hindi ay mapupunta sa iyo ang atensyon nila."
Nanatili siyang tahimik at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Sa kaniyang pagkakaalam ay tao rin ang kaniyang mga kasalukuyang kasama. Sapat na iyon para maibsan ang kabang kaniyang nararamdaman kahit kakaunti.
Katulad ng mga taong puwersahang pinagtrabaho sa konstruksyon, meron rin' mga pinilit na magtrabaho sa palasyo upang pagsilbihan ang diyosa at ang mga tauhan nito. Lahat ng mga ito ay mga dalaga at may mga magagandang mukha at pangangatawan. Kaya naman ay nagpanggap si Shane bilang isang babae upang makapasok sa palasyo at mabantayan ang mga galaw ng mga ito.
Hindi ko ginusto 'to!
Ilang beses niyang tinanggihan ang utos sa kaniya ng dalaga. Ilang beses niya rin' pinaulit-ulit ang dahilan na siya ang pinakamahina sa kanilang grupo. Aminado siyang siya ang may pinakamahinang kakayahan sa kapangyarihan man o sa pisikal ngunit kailanman ay hindi niya pinagtuonan ng pansin ang kahinaan niyang 'yon. Mas binigyan pansin niya ang mga bagay na kaya niyang gawin.
But Zai put too much expectations on him. Mahina siya ngunit siya ang pinili ni Zai para magmanman sa mismong loob ng palasyo. He was pressured but he was also relieved to know that the girl still sees him as someone useful. He's scared to his very core but he doesn't want to disappoint her. He has to do it properly without fail.
Pumasok na sila sa isang malaking double door. Patuloy lamang ang kanilang paglalakad at napalunok naman si Shane noong makita ang mga taong nakaupo. Naroon silang lahat at kahit sa isang tingin pa lamang ay alam na ni Shane na magagaling ang mga ito sa larangan ng pakikipaglaban.
His grip on the tray got tighter as he stare at Shaera's sharp red eyes. He pursed is lips and stared forward. Ang mga nauunang tagapagsilbi ay inilalagay ang mga dala nilang pagkain sa lamesa at yuyuko. Tatayo naman ang mga ito sa gilid, pormal at diretso lamang ang mga tingin. Shane slowly breathed out as he approach the table.
Marahan siyang naglakad sa lamesa katulad ng iba at ilalagay na sana ang dala-dala niyang inihaw na manok sa lamesa ngunit nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata noong bahagyang natapilok ang isa niyang paa. He immediately knew that all attention will direct on him and Shaera would truly be displeased with the commotion but he has no control of his body that has lost its balance. Hindi niya ito kayang pigilan.
YOU ARE READING
Excelium II: Hunting Season
Fantasy[Book 2 of Excelium] There's no such thing as pure white in someone's soul. Such purity does not exist in a world full of living beings who seeks for almost everything, even a child desires plenty. Greed would grow from within even without you notic...