Kabanata 6

6.1K 349 41
                                    

"Young lady, are you expecting me to make a weapon for a criminal like yourself?" tanong ni Garp sa dalaga. Tinitigan lamang siya ni Zai at walang sinabi.

Tumingin naman ang matanda sa taong nasa likuran nito. "Kung kasama ka niya, you must be Trois Oxen." Trois chuckled and showed his face.

Garp sighed and scratched the side of his head, "That brat.. bringing some criminals in this house without even knowing. I'll say it again, I won't make a weapon for you--"

"Hoy Tanda! Bakit basa yung sahig--- ay p*ta, teka tatawagin ko lang yung mga kawal! Dyan ka lang tan---"

"Tanga. Kailan ka pa nakakita ng magnanakaw tumatawag ng mga kawal para arestuhin ang kapwa niya kriminal? Ipapaalala ko lang sayo, maraming nakakakilala ng mukha mo. Manatili ka lang diyan at kumalma. Nag-uusap lang kami." Ibinalik ni Garp ang kaniyang paningin sa dalaga. Marami na siyang narinig tungkol sa dalaga. Sa kaniyang pagkakaalam ay anak ito ng pinakakilalang heneral sa Centrio, si Yan Haines. Mahusay na estudyante rin ito ng paaralan dahil sa panlunas na kaniyang ginawa. Isa rin itong kapitan sa pinakasikat na paaralan sa Archodonia. Ngunit nailabas rin ang balita na ito ay inampon lamang ng heneral, iyon ang sabi ayon sa artikulo na inilabas sa publiko. Itinigil rin nito ang produksyon ng epektibong gamot at higit sa lahat ay tinuturing na itong traydor ng buong kaharian sa hindi malamang dahilan. Mukhang maayos naman tingnan ang dalaga at mukhang hindi ito isang kriminal, ang tanging misteryoso lamang sa pagkatao nito ay bakit ito binansagang traydor ng konseho.

"How did you betray your country, Zaivrin?"

Zai closed her eyes and shook her head, "I betrayed nothing."

Mukhang nagsasabi naman ng totoo ang dalaga ngunit hindi niya rin pwedeng pagkatiwalaan ang mga salita nito. Ang dalawang 'to ay naglalabas ng nakakakilabot na atmospera. Ang babae ay matalim ang mga tingin at kahit na hindi niya alamin ay pansin na niya ang galing nito sa pakikipaglaban. Ganoon rin sa binatang kasama nito. Nakakakilabot ang suot nitong ngiti at mga mata na tila naghahanap ng thrill. Mukhang sanay na sanay na ang dalawa sa pakikipaglaban.

Biglang may binato sa kanya ang dalaga na madali niya namang nasalo. Tiningnan niya ito at nagulat sa kaniyang nakita. "Where did you get this?"

"From Avis." simpleng saad ng dalaga habang umuupo sa sahig upang maipahinga ang kaniyang mga paa. Ibinalik ni Garp ang kaniyang paningin sa kwintas na ibinigay sa kanya ng dalaga. Napakahalaga ng metal nito at hindi niya inaakalang mahahawakan niya ang ganitong uri ng metal sa tanang ng kaniyang buhay.

It wouldn't be surprising if this is really from her. This kind of metal is said to be the most strongest metal of all. It almost sound like a legend because they said that it can only be found in the place where the Gods live. How come this girl met her? Why did Avis trusted her a metal of this kind? And this jewelry.. looks familiar.

"Alright. I'll make a weapon out of it."

"Pero tanda--!"

"Shane, magluto ka na ng hapunan. Ipaghanda mo ang mga bisita." akmang may sasabihin pa ang binata ngunit binigyan naman siya ng matalim na tingin ng matanda kaya wala na itong nagawa kundi ang umakyat at maghanda ng kakainin.

"It will take three days for it to finish. Three days are all I need." noong lumingon siya sa dalaga ay nakita niyang natutulog na ito habang nakaupo. He sighed, "There is a bed on the second floor. You can let her rest there."

Tumango naman si Trois at marahan na binuhat ang dalaga at tinungo ang hagdan. Nakita niyang naghahanda na si Shane at hindi sila nilingon ng binata. Nagtungo si Trois sa ikalawang palapag at inihiga ang dalaga sa kama na naroroon. Kinumutan niya ito at siya'y umupo sa sahig, nakasandal sa gilid ng kama. Ilang saglit lamang ay siya'y nakatulog na rin.

---

Shane is staring at Trois who is doing some push-ups. It wasn't just some regular push-up. Isang kamay lamang ang ginagamit nito at ang mga paa ay nasa ere.

Shane frowned and glanced at his arm before glancing at the short guy again. Trois' body is muscular but not too ripped ngunit pansin pa rin naman ang mga sanay na mga muscles nito. He's topless kaya napagmamasdan niya ang mga braso at likod nito. What creeped him out is the boy's regular expression. It's like staring at an innocent devil.

Sunod naman niyang tiningnan ay ang dalagang nakaupo sa kanilang lumang sopa at tila at-home na at-home pa ito. Her leg is on top of the other and her focus is on the book that she just picked out from the small and almost empty shelf upstairs. Ang matanda naman ay nasa basement at nagtatrabaho.

Shane made sure that he'll keep his distance from the two. He knows that they're good enough to save him from the trouble yesterday but you can't entirely trust a criminal with a large bounty on their heads. But come to think of it, if the ruler has been replaced and you can't enter the kingdom without permission, what's the point of hiding from bounty hunters or knights that doesn't even have the courage to get near the locked up kingdom? The goddess might not even be interested in the criminals like them anymore.

Bumuntong hininga siya at muling sumimsim ng tubig mula sa hawak niyang baso. Natigilan lamang siya noong sumigaw ang matanda mula sa basement, "Shane! Bumaba ka nga saglit dito!"

Nakasimangot na naglalakad si Shane sa kalye habang pinagmamasdan ang maliit na listahan na ibinigay sa kanya ng matanda kanina. Inutusan siya nitong mamili ng mga materyales. "Ang matandang 'yon talaga. May pambili ng mga materyales at alak niya pero tinatamad namang bumili. Bwisit. Alam naman niyang sobrang taas ng temperatura ng Westernia! Siya kaya ang maglakad sa ilalim ng tirik na tirik na mga araw! Bakit kasi dalawa ang araw ha? Langya."

Pumasok siya sa isang tindahan at dumiretso sa counter kung nasaan naroon ang isang matanda na tanging sa magkabilang gilid na lamang ng ulo ang may buhok. Payat rin ito at wala ng ngipin. "Oh. Pawis na pawis ka ata, bata. Inom ka muna ng tubig oh." halos nanginginig na sabi ng matanda at inilapit sa kanya ang baso na may lamang tubig.

"'Wag na. Pinaglagyan niyo ng pustiso yan eh. Nasaan na naman ang pustiso mo, Mang Raul?"

"Pustiso? Ah.. ah basta nandiyan lang yan. Kamusta na ang lolo mo?"

"Buhay pa."

"Ano?"

"Ang sabi ko ho buhay pa." ulit niya ngunit inilapit pa lalo ng matanda ang kaniyang tenga dito. Shane rolled his eyes at inilapit ang bibig sa tenga nito. "Sabi ko ho, BUHAY PA!"

Napaatras naman ang matanda sa sigaw nito at bigla siyang pinalo sa ulo gamit ang tungkod nito, "Bastos kang bata ka! Hindi ako bingi!"

"Bingi ka ho!"

"Ano? Anong sinabi mo?"

"Wala! Oh. Mga pinapabili ni Tanda." kinuha naman ng matanda ang papel na inaabot nito at isinuot ang mga bilugang salamin.

--

"Alis na 'ko, Mang Raul! Hanapin mo na yung pustiso mo! Ang panget mong tingnan." paalam ni Shane habang binubuksan ang pintuan palabas.

"Ha?! Ano 'yon?!" sigaw ng matanda at inilagay ang kamay sa likod ng kaniyang tenga. Ngunit hindi na ito pinansin ng binata at nagpatuloy na lang sa paglalakad paalis.

"Bakit ba puro gurang na lang ang nakapalibot sa akin?" Shane sighed and scratched the back of his head. Napagilid naman siya noong biglang may bumunggo sa kaniya.

"Hoy! Tingnan mo nga ang dinadaanan mo, bata!" sigaw ng lalaki na nakabunggo sa kanya. Shane frowned and didn't say anything. Napatingin naman siya sa bagay na mukhang nalaglag mula sa bagahe ng lalaki. It was the newspaper for the day.

Pinulot niya ito at halos mabuwal sa nabasa. He looked around and saw that many people are reading the same newspaper. Mostly are adventurers. Ang iba sa mga ito ay nakangisi.

"Shit."

Excelium II: Hunting SeasonWhere stories live. Discover now