Napupuno ng ingay ang buong silid. Words covering other words. Some are even laughing with someone's joke. Maraming mga tao ang dumalo sa pagpupulong na inanunsyo ng kanilang hepe kaninang tanghali lamang. Hindi lahat ng tao ay naroon ngunit marami ang kanilang bilang.
Tumahimik lamang ang mga ito noong marinig nilang bumukas ang pinto. Pinanood nilang maglakad ang kanilang pinuno patungo sa silya nito na nasa medyo nakaangat na sahig na makikita sa dulo ng silid. Kasunod naman nito ay ang mga bisita na umupo lamang sa mga maliliit na kutsyon na ihinanda ng tagapagsilbi nito sa harap ng may kataasang sahig.
Kaswal na umupo si Frēo sa kaniyang silya at walang nagbadyang magsalita dahil sa kaniyang seryosong ekspresyon. Ang kaniyang mga advisors ay nakatayo lamang sa kaniyang gilid. Ero and the others stared at Zai's back. Nasa likod lamang sila ng dalaga. Ito ang nag-iisang nakaupo sa pinakaharap nila. Hindi katulad ni Frēo, pormal ang kanilang pagkakaupo. Sila ay nakaluhod at ang kanilang pang-upo ay nagpapahinga sa kanilang mga binti. Ang kanilang mga likod ay nakatuwid na nagpapakita ng kanilang magandang tindig. Ang kanilang mga kamay ay nagpapahinga sa kanilang mga hita at diretso ang kanilang tingin.
"We don't do formality here so I'll get to the point," Frēo begun to talk. His citizens just stared intently at him. Madalang magpapulong ang kanilang hepe kaya kung tatawag man ito ng pagpupulong ay siguradong importante. Frēo's serious eyes looked around the room, "This girl right here want to borrow the book."
Lahat ay tumingin kay Zai at ramdam naman nina Shane ang tensyon. They're not glaring but they're judging. Nagsimulang magbulungan ang mga tao. Ang iba ay nagdududa at naghihinala at ang iba naman ay hindi rin sigurado.
One advisor stepped forward, "I apologize for interrupting but chief, we must not let this girl touch moreover borrow the book. No human can touch the book but it seems that she's confident that she can use it and that is what makes her suspicious. We all know how powerful the book is but we don't know its contents. Our lack of knowledge might put us in a disadvantage situation."
Tumango naman ang isa pang tagapayo, "Our kingdom just experienced a heavy blow from the Hevrions that attacked three weeks ago. We can't afford another loss, Shaera will soon begin a war to conquer all other nations and we must be ready to face that huge conflict our country will face."
Masama namang tumingin ang isa pang tagapayo sa dalaga, "And who is this woman anyway? Isn't she just a trespasser? She should be behind bars."
Frēo just stared at the girl. Just like the others, he's waiting for her to speak. Zai's gaze remained forward, "Zaivrin Hevrion. That is my name."
Lahat ay nagulat sa kaniyang sinabi. Ang mga tagapayo ay lubos na nagulat sa kaniyang binanggit na pangalan. Mabilis na idinuro ng isa ang babae, "Seize her!" ang mga nanonood ay nagsimula na ring kabahan ngunit walang umalis sa kanilang pwesto.
May nagsilapitan naman ritong mga lalaki na may dala-dalang mga sibat at espada ngunit mabilis itong hinarangan nina Sinbad at ng iba pa. Shane gulped when he felt the tension surrounding them. Nakatayo sina Ero at masamang nakatingin sa mga kawal na inutusan ng tagapayo habang sina Shane, Zai at ang dalawang bata ay kanilang pinalilibutan.
Zai smirked, "Does my name trigger you that much?"
Masama namang tumingin dito ang matandang tagapayo, "You don't know how much this country suffered because of your kind! How dare you step in our land in the first place?!"
Bumalik naman ang madalas na ekspresyon ng dalaga, "Don't worry. I'm not here to cause trouble. I won't steal the book nor harm your people."
"We cannot trust the words of a stranger." saad ng isang tagapayo.
YOU ARE READING
Excelium II: Hunting Season
Fantasy[Book 2 of Excelium] There's no such thing as pure white in someone's soul. Such purity does not exist in a world full of living beings who seeks for almost everything, even a child desires plenty. Greed would grow from within even without you notic...