Chapter Three

2.2K 60 2
                                        

Thanks for Reading & Following
Dedicated to arreisgadojaja

Mukhang umaayon ang panahon sa kanya dahil wala siyang nakakasalubong sa hallway, pati na rin sa elevator. Ipinagpapasalamat niyang hindi siya sinundan ni Johnson. She doesn't want to see him anymore. Not now. Never.

Muli na naman siyang napaiyak but before the elevator opened she quickly dry those tears. Ayaw niyang pagtinginan siya ng mga tao. But she failed, dahil mga nakakasalubong niya sa lobby ay nakatingin sa kanya. She ignore it.

Mabilis niyang hinanap ang kotse niya. When she got inside ay muli siyang napahagulgol.

God it hurts! But at the same time she was thankful too. Buti na lang nalaman niya agad. No, to make it right. Nahuli niya mismo.

Why is it? Kung kelan niya ito sinagot, iyon din ang date ng paghihiwalay nila. Great! Just fucking great!

She smiled bitterly.

One year of being with him hindi niya akalaing magagawa nito iyon sa kanya. All those times na magkasama sila wala siyang maramdamang kakaiba dito.

He's always the sweet and caring boyfriend. Pinaparamdam nito sa kanya na mahal siya nito at siya lang. How could she be so stupid? O sadyang nabulag lang siya sa pinapakita nito to the point na hindi niya naramdaman na niloloko na pala siya nito.

Nanikip ang dibdib niya. Mahigpit siyang napahawak sa manibela.

Am I not enough?

Dahil ba sa hindi ko nabigay sa kanya agad ang gusto nitong mangyari? 'Yun lang ba ang basehan nito? Hindi man lang ito nakapag-antay.

Then why he always keep telling me that he can wait?! Ano 'yun? Mag-aantay ito na maging ready siya habang nagkikipag-sex ito sa iba? Like what the fuck?! Is he for real? At kung kailan ready na siya saka naman niya ito nahuli.

She should be thankful dahil nalaman niya agad. Atleast she wasn't able to give herself sa maling tao. Kundi baka habang buhay siyang magsisisi.

Nang mahimasmasan ay binuhay niya ang makina ng kotse. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon.


Three days na ang lumipas at sa loob ng tatlong araw na 'yon she made herself busy at work. Johnson's keep calling her kaya minabuti niyang i-off ang phone niya.

Hindi rin siya nag-ientertain muna ng client. Ang secretary na lang niya ang pinapaharap lagi. She owns a shop, selling cars accesorries and parts na hindi basta-basta. Her company sells high end accesories. They offer services too, for car maintenance at mas lalo pang maging maganda ang sasakyan. Sariling negosyo niya ito.

She used her trust fund na regalo ng abuela niya sa kanya. Though ayaw ng dad niya pero kalaunan ay natanggap din nito but in one condition, the company will be turn over to her when she turns thirty. That would be two years from now. Dahil nagbabalak na itong mag-retire. She agreed to it. Wala din naman siyang choice dahil siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga magulang niya.

Their family owns one of the biggest company dito sa bansa. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya doon para magtrain. Her dad wants her to be ready after two years. Kaya habang mas maaga pina-familiarized na niya ang pasikot-sikot doon.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa niyang pagkalikot ng makina ng kotse when her secretary called her name.

"Excuse me Ma'am Karrie." Nilingon niya ito.

"Yes?" Walang buhay niyang saad.

"Remind ko lang po that you have a lunch meeting tomorrow with Mr. Smith, 1:00 P.M at—" she cut her off.

The Proposal (Completed)Where stories live. Discover now