Thanks for Reading & Following
Dedicated to JenalynRemesKararating niya lang sa condo niya when her phone rang. She took her phone out from here pocket to check who's calling her. Naalala niyang binuksan niya pala iyon kanina dahil tumawag ang dad niya sa office niya at hindi daw siya makontak.
Her dad was worried, nagdahilan na lang siya na namisplaced niya kung saan ang phone niya at kanina niya lang nakita. She didn't tell him about what happened between her and Johnson. They know about him. She don't want them to worry over her. Mas mainam kung sasabihin niya sa mga ito kapag nakauwi siya sa kanila makausap ang mga ito ng personal. It's better that way.
"Hello." She anwered lazily. Sumalampak siya ng higa sa sofa.
"Hey gorgeous!" Masiglang bati ng nasa kabilang linya. It's Harith her best friend since college 'til now. Kaso busy sila pareho kaya halos minsan lang sila magkasama.
"Napatawag ka?"
"Ay grabe! Taray lang?! Walang kamusta, ganern? Bakit bawal ka na ba tawagan? Hindi mo man lang ba ako namimiss?" May himig pagtatampong anas nito.
"Namimiss siyempre but I'm not in the mood right now." She tsked.
"May regla ang peg?" Pang-aasar nito.
"Nope. But my heart was broken." Malungkot niyang saad.
"Huh? What happened? Paano? Kelan pa? Don't tell me—"
"Johnson cheated on me." She cut her off.
"What???!!!" Bahagya niyang nailayo ang phone sa tainga niya sa lakas ng boses nito. "Are you alright? Oh God, bakit hindi mo agad sinabi?!" Worried nitong saad.
Malalim siyang napabuntong-hininga at nagsimulang magkuwento dito. Mula umpisa hanggang sa kanina. Wala siyang inilihim dito. Natapos siyang magkuwento pero himalang hindi man lamang siya umiyak. There's a 'lil pain pero hindi na kagaya noong mga nakaraang araw. She feel relieved after maikuwento nag lahat ng nangyari. Gumaan ang pakiramdam niya.
"That bastard! Ang kapal ng mukha niya! Akala ko pa naman kung sinong matino ang hayop na 'yon! Gosh, akala ko talaga kayo na magkakatuluyan. Humanda sa akin ang lalaking 'yon kapag nakita ko siya." Ramdam niya ang galit nito sa ex-boyfriend niya.
"Well, masuwerte pa rin ako dahil nalaman ko ng maaga." Aniya.
"Yeah, pagsisisihan niya ang ginawa niya sa 'yo. God! I can't imagine na mas pinili niya pa ang tanso kaysa ginto." Natawa siya sa huli nitong sinabi.
"Baliw." Napapailing siya. May pagkaloka-loka talaga ito. And for the first time ay napangiti siya.
"I'm telling the truth! Maganda ka, sexy, mabait, mapagmahal, madaming talent at higit sa lahat virgin!" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
"Hey, baka may makarinig sa sinasabi mo diyan." saway niya dito.
"Bakit? Truth naman lahat 'yon."
"Pero nagawa pa ding lokohin." Malungkot niyang wika. Saglit itong natahimik sa kabilang linya.
"Girl, hindi siya kawalan. Marami pang ibang magkakagusto sa 'yo na mas higit pa sa kanya. 'Yung hindi ka lolokohin, gets mo?"
"Sana nga..."
"At 'pag dumating ang time na 'yon ipamukha mo sa kanya kung ano ang pinakawalan at sinayang niya." Tila may humaplos sa puso niya sa tinuran nito. She's really her bestfriend, alam nito kung paano pagaanin ang loob niya. Laging nakasuporta sa kanya.
YOU ARE READING
The Proposal (Completed)
General Fiction"I want you to pleasure me, be my partner in bed. Be mine tonight, be mine as long as I want." -Owen Smith-