Chapter Twenty Two

1.6K 57 3
                                    

Thank You
Dedicated to akirallabres

It's been three days pero tila parang nakalutang pa rin si Karrie sa alapaap. Ninanamnam pa rin niya ang sarap ng pakiramdaman na malaman na mahal siya ni Owen. She doesn't know exactly what to feel that time ng umamin ito.

She was overwhelmed, overjoyed, but most of all happy. Sobrang happy na walang pagsidlan. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakarecover sa happiness na nararamdaman.

Owen's parents were already back in U.S. Inihatid nila ito ni Owen sa airport kasama ang parents niya na balak sumunod doon para magbakasyon sa parents ni Owen.

Nasa isang coffee shop siya ngayon inaantay niya si Harith dahil magkikita sila today. Nagtatampo na siya dito wala itong paramdam sa kanya ilang linggo na. Kung hindi pa siya tumawag at sinabing nagtatampo siya ay hindi pa sila magkikita.

Napangiti siya ng makita si Harith na papasok ng coffee shop. Kinawayan niya ito para makita agad siya.

Agad itong yumakap at nagbeso sa kanya. "I missed you beshy." Anito.

Umupo ito sa bakanteng upuang naroon at tinawag ang waiter para umorder mg paborito nilang coffee at cake. "So what happpened to you? Bakit wala kang paramdam?" nakasimangot na saad niya.

"Huwag ka na magtampo, naging busy lang ako." Bumuntong-hininga ito, at sa tuwing ganoon ito ay may dinadala itong problema either family or work.

"Care to share?" Nawala naman agad ang tampo niya dito.

"Ikaw 'tong may problema tapos ako ang magsi-share? Kamusta ka na ba? At ano 'yong nasa news? Totoo ba 'yon?" Harith asked worriedly.

"Yeah." Maikling tugon niya na ikinatili nito. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ito gamit ang kamay niya.

"Ssshhh, shut up. Ang ingay mo naman." Reklamo niya. Nang gabing mangyari ang insidenteng iyon ay nasa news na agad kinabukasan.

"Gosh, So it's true about Owen Smith? I mean that handsome and hottie guy?! For real?!" Kinikilig na anas nito. Pinandilatan niya ito ng mata dahil parang maiihi ito sa kilig.

She nodded and tried to hushed her.

Buti na lang dumating inorder nila kaya tumahimik bigla ang kaibigan niya.

"So, kayo na talaga?" Parang ayaw pa ring maniwala nito.

"Yes, that's what you get dahil hindi ka nagpaparamdam. Na-missed mo mga nangyayari lately sa buhay ko." Inirapan niya ito at humigop ng sa frapped na inorder ni Harith para sa kanya.

"Sorry na, na-busy lang ako. Medyo stress." malungkot na saad nito.

"Saan ka naman ma-iistress aber?" Nakataas ang kilay na wika niya.

"Sa bahay, sa parents ko." Nakapangalumbaba nitong tugon.

"Weeh? 'Di nga?" Hindi kumbinsidong wika niya.

"Tsk, oo nga."

"Why? Anong dahilan?"

"Well, naiinis ako kay dad. May gusto siyang ipagawa sa 'kin bago niya daw ilipat sa pangalan ko ang kompanya." Himutok nito. Halos magsalubong ang kilay.

"Oh, 'yon naman pala eh. Why don't you do it then the company is yours." Aniya. Harith's family owned some resorts bukod doon may sariling spa ang kaibigan niya.

"I don't like dad's idea." Nakabusangot pa rin ito.

"Ano ba kasi 'yon at ayaw mong gawin." Curious niyang saad. Nagsliced siya ng cake at kumain.

The Proposal (Completed)Where stories live. Discover now