Thank You
Dedicated to JhadeMoral5Maraming Salamat sa inyo mga mahal kong readers. Salamat sa pagsama sa akin mula umpisa hanggang katapusan ng kuwento nila Owen at Karrie. Lubos akong nagpapasalamat sa inyo. Sana subaybayan niyo ang susunod na story ni Owen at Karrie. Xoxo ❤❤❤
Cheska and Harith survived though nalagay ang buhay ng mga ito sa panganib during their operation. Thank God they were safe.
Kasalukuyan ang mga itong nagpapagaling sa Dela Rama Hospital. Dinadalaw nila ito pero naka-schedule na ding ma-discharge nextweek. She even thank Cheska for saving her life. Lagi niyang ipinagpapasalamat iyon dito pero laging tugon nito na kulang pa daw iyon sa lahat ng naging atraso nito sa kanila. Lalo na sa ginawa ng mga magulang daw nito. Nahihiya pa nga ito sa kanya. Pero pinaintindi niya dito na tapos na 'yon. Mahalaga napatawad na niya ito.
Nagpapasalamat din siya at naging kaibigan niya ito. Masaya siya para dito dahil natagpuan na nito ang tunay na kaligayahan sa katauhan ni Simon. Ito ang nagtiyang nagbantay at nag-alaga kay Cheska noong nakaratay pa ito sa ospital. She's happy for them. They even invited them to attend to their wedding na pinaunlakan naman ng mga ito. They'll make sure naman na magaling na ang mga ito at si Harith para makadalo sa kasal nila.
Ang mga labi ng magulang nito ay naipa-cremate na rin.
She's thankful na safe din pati ang bestfriend niya. Panay hingi ang sorry niya dito noong magkamalay na ito. Panay naman ang saway nito na wala siyang kasalanan sa nangyari. Pinagdidiinan nito na huwag niyang sisihin ang sarili.
Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyari ditong masama. Baka habang buhay niyang papasanin sa konsensiya niya kung nagkataon. She's happy for Harith lalo pa at mukhang inlove ito sa kaibigan ni Owen na si Clint. Ito rin halos nag-alaga sa kaibigan niya.
Owen and her were busy for their upcoming wedding. Hands on silang magkasintahan sa pag-aasikaso niyon. Nakaalalay naman ang kasintahan niya sa kanya lalo na at buntis siya. Hindi siya nito hinahayaang mapagod. Sinasamahan naman sila paminsan-minsan ng parents nila pero mas gusto pa rin nilang sila mismo mag-asikaso. Ganoon sila ka-excited!
"Are you sure about Owen, Rie?" Biglang tanong ni Franco sa kanya. Tinitigan niya ito. Kita niya ang naglalarong ngiti sa sulok ng labi nito. Napangiti siya.
Kasalukuyan nilang inaantay si Owen dahil nagpasukat ang mga ito ng susuotin sa kasal nila kasama ang nga kaibigan nito.
"Oo naman, sure na sure." Nakangiting sagot niya.
"Make my friend happy, I mean the happiest one. I know he'd been a bastard before. Pero nagbago siya dahil sa 'yo. Mabuting kaibigan din naman siya sa amin, and we want just the best for him. At alam namin na ikaw na 'yon. I know you, isa kang mabuting tao at alam naming hindi mo siya pababayaan, right?" Seryosong saad ni Franco.
"Of course, I love Owen, very much." She assured them.
"I really can't imagined na magbabago ang pananaw niya sa mga babae. Don't get me wrong okay, dati kasi he don't believe in commitment. Kaya wala siyang seryosong relasyon. I mean before ha." Natatawang anas ni Thamuz.
"Yeah, Thamuz right, he became territorial when it comes to you. Then I saw myself on him, ganyang-ganyan din ako noon sa asawa ko. I became possessive when it comes to her. Oh, damn, namiss ko tuloy bigla ang asawa ko." Nangingiting anas ni Ethan. Binato ito ni Clint ng hawak na magazine.
![](https://img.wattpad.com/cover/209564675-288-k972853.jpg)
YOU ARE READING
The Proposal (Completed)
Ficción General"I want you to pleasure me, be my partner in bed. Be mine tonight, be mine as long as I want." -Owen Smith-