Thank You
Dedicated to Nerpio13The next morning they were all over the news. Halos alam na ng lahat ang engagement nila ni Owen. Hindi naman malabong hindi malaman ng iba dahil kilalang pareho ang pamilya nila.
Their parents want a grand weddimg for them lalo pa at pareho silang nag-iisang anak. This is once in a lifetime 'ika nga kaya gusto ng mga ito bongga. She's okay with it, wala din namang problema kay Owen.
Pero ang gusto ng mga ito na makasal sila agad para hindi daw ganoon kalaki ang tiyan niya kapag naglakad siya ng altar. Which is she agreed to it.
Sinundo siya ni Harith sa condo ni Owen, sasamahan siya nito para pag-aasikaso ng kasal nila ng nobyo. Dito na siya dumiretso mula kagabi sa Thompson hotel. Nagpaalam si Owen na susubukan nitong makasunod dahil may meeting ito. Siya naman ay tumawag lang sa shop niya at inihabilin muna sa sekretarya niya ang shop.
Pupunta rin ang parents nila dahil gusto ng mga ito tumulong sa paghahanda. They're going to meet the wedding organizer para masimulan na ang pagpaplano sa kasal nila.
As her OB's advise puwede pa naman daw siya magdrive basta extracareful lang at hindi mabilis ang pagpapatakbo. Kaya siya na ang nagdrive ng kotse niya habang nasa passenger seat naman si Harith.
"Blooming si buntis, ah!" Masayang turan ni Harith sa kanya.
Ngumiti naman siya sa tinuran nito. "I'm just happy."
"Halata nga. Inggit much ako, parang gusto ko na tuloy magkaboyfriend." Biglang sambit nito na ikinagulat niya. Kaya naman napapreno siya bigla dahilan para mapasigaw ito.
"What the hell are you doing?" Kinakabahang tanong nito. Thank God nasa safe zone sila.
"S—sorry, nabigla kasi ako." Hinging-paumanhin niya.
"Oh God! Ano ba ang ikinabibigla mo? You're pregnant, remember?" Nag-aalalang saad nito. "Are you alright?" paninigurado nito.
"Yes, I'm fine." Aniya. "Nabigla kasi ako sa sinabi mo na gusto mo ng magkaboyfriend." She grinned at her.
"What?! Dahil lang doon? Seriously? Are you out of your mind?" Pagalit na sabi nito.
"Sorry na." Nag-peace sign siya dito. "I was really shocked. Sino bang hindi? I've known you from being such a man hater since you and Laurence broke up. I'm sorry." Paliwanag niya na nag-aalalang napatingin sa matalik na kaibigan. Everytime kasi na nababanggit niya si Laurence dito ay bumabalik ang masasakit na alala nito sa dating nobyo pati ang galit nito para sa doon.
But this time was strange, ni walang kababakasang galit o lungkot sa mukha nito. She blinked twice para makasigurado pero ganoon pa rin ang mukha nito.
Tama ba ang nakikita ko?
"I guess I've moved on already." Harith shrugged her shoulders.
"For r—real?" Paninigurado niya.
"Yeah, nagising na lang ako na maganda ang pakiramdam. Ganoon pala 'yon noh? I mean ang sarap sa pakiradam. Iyong wala kang galit, walang mabigat na dinadala sa dibdib. I've been keeping this for so long pero ngayon nawala lahat ng bigat. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. And happy." Nakangiting sabi nito.
Hinawakan niya ang kamay nito. "I'm happy for you, I could see that you're really happy. Sana tuloy-tuloy na ang happiness na 'yan kasi gusto ko ang nakikita ko ngayon. Atleast kahit mag-aasawa na ako ay mapapanatag na ang loob ko na hindi ka malulungkot kapag hindi tayo magkasama." Sinserong saad niya.
YOU ARE READING
The Proposal (Completed)
General Fiction"I want you to pleasure me, be my partner in bed. Be mine tonight, be mine as long as I want." -Owen Smith-