Emma PovAlas otso y media ng gabi nang makarating ako sa bahay.
Nahahapo akong napaupo at sumandal sa sofa malapit sa coffee table napasabunot ako sa buhok at nagbabakasakling mawala agad ang matinding pagkirot. Saka pumikit ng mariinTila napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko sa tuwing naistress ako sa kompanyang pinapasukan ko nang iwanan at ipinamahala na sa akin nang tuluyan ng biological mother ko si Carmina Luna, ang Kompanyang pag aari nito ang Carmina Corporation.
Bigla nag flashback sa akin ang mga nakaraan pangyayari.
Ayon dito kaya lang daw nito nagawang ipakidnap at ipapatay ang pinsan ko si Kiana ay dahil sa selos, inggit at pagkamuhi nito kay Tita Alexandria. Dahil pinaboran ito ni Lola Doña Esmeralda at ito rin daw ang dahilan kung bakit ito iniwan at hindi magawang mahalin ni Tita Scarlette. At dahil doon ay nagtanim ito ng sama ng loob kay Tita Alexandria.
Habang tumatagal ay lalo nito nagawa ang mga pinagbabawal na gamot. Isang gabi nang nagpunta ito sa isang bar at lasing na lasing ito at may iniuwi itong isang pipitsugin na babae at may nangyari sa kanila. Tatlong linggo na ang nakalipas nang pumunta sa condo nito ang babae at sinabing buntis ito. At ang dinadala nitong bata ay ang Ate Francia niya. Magkaiba kami ng Ina ni Ate Francia. Isa lang din Intersex si Mama Carmi, tulad ni Tita Alexandria na isa din Intersex. Kaya nagawa nito makabuntis. Kaya lang ay hindi matanggap ni Mama Carmi. Ang batang dinadala ng babaeng nabuntis niya. At dahil dyan nalaman ito ni Doña Esme. At doon rin palihim na sinusupportahan ang bata at inako na niya ang pagpapalaki sa Ate Francia niya.
Pagkalipas ng isang taon ay nagpunta si Mama Carmi sa Talisay Batangas at doon nito nakilala ang Mommy ko. Tulad din sa nangyari sa ina ni Ate Francia ay ganon din ang naranasan ni Mommy.
Kaya palagi ko tinatanong si Mommy kung sino ang nakabuntis sa kanya at palagi ko din tinatanong kung sino ang aking Ama ay wala syang imik na lagi na lang niya iniiwasan ang topic.
Pero dumating na ako sa edad ng 8 taong gulang nang may isang magarang sasakyan ang pumarada sa harap ng bahay namin. At bumaba doon ang isang sopstikadang si Doña Esmeralda. At nagpakilala syang Lola ko.
Nagtatampo nga ako sa Mommy ko ng ora orada ako ibinigay niya kay Lola Esmeralda.
Kaya wala ako nagawa kung di sumama sa matanda at sumakay sa sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay inakbayan niya ako at sinabi wag ako matakot at malungkot dahil hindi raw sya matapobre at masamang tao. Napayuko naman ako at nahihiya ako sa matanda sa huli ay tumango na lang ako.
Sa sobrang lungkot ko at pagtatampo ko kay Mommy ay bigla na lang ako nakatulog ng may sama ng loob sa aking Ina. At naramdaman ko niyakap ako ng matanda saka naramdaman ko rin ng dinampian niya ng halik ang ulo ko.
"Sweety, wake up nadito na tayo sa mansyon." Marahang pagtapik sa balikat ko nang gisingin ako ni Doña Esmeralda.
Agad ko nabungaran ang nakangiti at masayahin na mukha ng matanda. Nang masigurong gising na ako ay nauna na sya bumaba ng sasakyan at inantay ako makababa.
Bumakas sa mukha ko ang pagkahanga nang masilayan ang kabuuan ng mansyon. Hindi pa sumasayad ang kanan paa ko sa semento nang may isang batang babae ng tumatakbo at sumisigaw palapit kay Doña Esmeralda. Habang hinabol ito ng yaya nito.
"Mamita! Mamita you're here na!" Ani ng bata babae. Sa tantiya ko ay nasa 7 taon gulang pa lamang.
"Honey, dahan dahan baka madapa ka." Ani Doña Esmeralda sa batang babae nang makalapit ang bata sa matanda ay lumuhod ito para mag pantay sila ng bata saka hinalikan nito ang noo ng bata. Napakunoot noo ako nang may mapansin ako sa katawan ng bata pati sa noo nito. May mga pasa at sugat ito. At saka nakabandage pa ito sa may noo sariwa pa ang sugat doon.
Agad siya nilingon ng matanda nang makababa siya sa sasakyan.
"Honey, I would like you to meet your cousin Ate Emma" ani Doña Esme sa bata.
"Sweety, meet you little cousin Kiana." nakangiti bumaling sa kanya ang matanda.
Pagtingin ko sa bata ay agad ako nagulat nang bumakas sa mukha ng bata ang pagkislap ng mga mata nito at agad na tumakbo palapit sa akin at niyakap. Sa sobrang gulat ko at pagkabigla ng di ko inaasahan ng susugurin niya ako ng yakap.
Unting-unting napapangiti ako at ginantihan ko din sya ng yakap.
Nasa ganon kaming tagpo nang dumating ang isang Magandang babae ng may maangas na aura. Tumingin ito sa amin ng bata. Kumunot ang noo nito nang titigan niya ako.
Bigla napakalas ako ng yakap sa bata nagyuko ako at bigla nakadama ako ng takot sa babaeng ito. Muli ko itinaas ang ulo at tiningnan sya. Hindi na sya nakatingin sa akin at sa bata na sya tumingin matalim ang binigay niyang tingin sa batang babae bago mabilis na hakbang ng umalis ito ng bahay dala ang mga maleta.
"Anak saan ka pupunta!?" Ani Doña Esmeralda sa babae dumaan kanina. Napatigil ang babae at agad ng lumingon sa matanda ng nakangisi.
"Wala ka nang pakialam Mama, kahit kailan hindi ka naging proud sa akin mas pinaboran mo pa si Alexandria. At lahat lahat na lang ng nakikita mo sa kanya ay pinupuri mo. Pati ang Imperial Montefalco Reality Development ay sa kanya mo na ipinamana!"
Isang malakas na sampal ang ipinadapo sa pisngi ni Doña Esmeralda kay Carmina.
"Sumosobra ka na Carmina! Dahil sa nakikita ko sayo ay hindi mo kaya gampanan ang tungkulin mo at paghawakan ang company ng iniwan ng mommy ninyo. Kaya mas malaki ang tiwala ko sa kapatid mo kaysa sayo. Ay kaya niyang hawakan ang ilan pang mga pag aari nating kompanya ng hindi katulad mo ng puro sugal lang ang alam mo at lagi ka gumagala kung saan saan lupalop ng mundo!" Ani Doña Esmeralda.
Sapu ang nasaktan pisngi ay matalim na tumingin ang Babae kay Doña Esmeralda saka bumaba ang tingin nito sa batang babaeng niyakap si Doña Esmeralda. Ngumisi ito ng parang hindi nasaktan sa sampal.
Saka mabilis ng tumalikod ito at umalis nang mansyon.
Nahahapo napasandal sa upuan si Doña Esmeralda at doon napapikit.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang yon. Kung sana ay nabubuhay pa si Alessandra sigurado ako mababahag ang buntot ng batang yon." Ani Doña Esmeralda ng tumingin sa akin ng nakangiti saka nilingon ang batang babae ng nakayakap parin kay Doña.
"Po" gulat na gulat ako sa narinig ang akala ko ay lalaki ang asawa ni Doña at ngtatakang tumingin sa matanda.
"Si Alessandra ang aking asawa Sweety. Maaga sya binawi sa amin mag-iina dahil inatake sya sa puso noon tatlong gulang pa lamang ang aking bunsong si Alexandria." Pagkatapos sabihin ay agad ito tumitig sa bata at niyakap.
"Kung hinahanap mo ang bunso ko anak ay wala na sya dito sa mansyon. Nasa Houston Texas na sila mag-asawa nakatira at doon niya pinapalago ang mga negosyong iniwan sa amin ng asawa ko."
Naputol ang pagbabalik- tanaw ko nang marinig ang boses ng isa katulong sa mansyon.
"Ma'am, luto na po ang hapunan ninyo." Ani Sabel.
Itinaas ko ang kanang kamay ko ng parang bang sinasabi ko sandali lang.
Nakapikit pa rin ako napasabunot sa buhok at mas lalo ko pa rin naramdaman ang pagkirot.
Agad naman nag aalala lumapit sa akin ang katulong.
"Ma'am Emma okay lang po ba kayo. Tulungan ko po kayo makatayo para makakain na po kayo.
Tumungo lang ako at itinaas ang kamay ko para kumapit sa balikat ng katulong at makatayo.
Ilang hakbang lang ay bigla na lang ako natumba at nawalaan ng malay. Narinig ko pa ang pagkataranta ng mga katulong bago ako sakupin ng kadiliman.
-------------
A/N: Hi Guys Every Monday and Sunday lang ang update!
Kung walang update means busy po ako sa ibang gawin bukod sa pagsusulat ay may iba pa po ako pinagkakaabalahan.
BINABASA MO ANG
I Still Believe (On-going)
RomanceJiana Alexandra Montefalco - Hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya ang sakit at bigat ng nararamdaman simula nang mawala sa kanya ang babaeng pinag alayan niya ng pag-ibig. Makakaya pa ba kaya niya muli magmahal? Makakaya pa ba niya muli ibaling...