Chapter 7

9.7K 176 11
                                    

MEGAN's POV

Lasing na dumating na bahay si Lucas. Nakahanda na ang kunting damit namin sakaling gumana ang plano ko. 

"Megan asan na ang kape ko?! Alam mong nagkakape ako pag uuwi ako ng bahay diba?!"

"Saglit lang po".. Nag timpla ako ng kape. Kinuha ko sa medicine cabinet ang gamot sa allergy na naroon. Sa pagkakaalam ko ay may epekto ito na nagpapaantok. Kumuha ako ng pito at hinalo lahat un sa kape ni Lucas.

"Ito na po ang kape nyo!"

"Masahiin mo ako!" Wala akong nagawa kundi sumunod sa utos nya. Ng maubos nito ang kape nya ay nahiga itong nakadapa sa sofa. Naghintay ako ng 15 minutes. Humihilik ito ng todo. Kinuha ko ang lubid sa bodega. Hinawakan ko ang kamay nito pero hindi man lang ito gumalaw. Tinali ko gamit ang lubid ang mga kamay at paa nito. 

Dahan dahan kong kinuha ang mga kapatid ko at si mama sa bodega at lumabas kami ng bahay. Tumatakbo na kami papunta sa kanto para makasakay sa jeep. 

"Kuya, pakibaba kami sa DSWD.."

Pagdating namin doon ay pinagkagulohan kami ng mga tao.

"Ma'am anu po pangalan nyo at anu ang nangyari sa inyo?"..

"Ako po si Marcela.. Marcela Zalueta.. Binubogbog po kami ng mga anak ko ng kinakasama ko at muntik nya din gahasain ang anak kong panganay.. Siguro naman ay sapat na pong ebidensya itong mga pasa namin.."

"Oo po ma'am Marcela, kelan pa nagsimula to at paanu kayo nakatakas?"

"Mula ng matanggal sa trabaho si Lucas mga pitong bwan na ang nakaraan, nakatakas kami dahil pinatulog sya nitong panganay ko, nakatali po sya ngayon doon sa bahay.."

"Ganun po ba, kelangan na nating gumawa ng aksyon ngayon para madakip at makulong na ang asawa nyo!"

Naging busy ang DSWD sa pakikipag ugnayan sa mga pulis. Nag plano ang mga to, at ni raid ang bahay namin. Nasa van kami nun habang pinapanuod ang paghuli kay Lucas. Sumisigaw ito.

"Mga hayop kayo!"

"Gagantihan ko kayo sa pagpapakulong nyo sakin!"

"Hahanapin ko kayo kahit saang sulok ng mundo kayo magtago!"

Nakaposas na ito at isinakay sa police car. Nagyakapan kami ng mama at mga kapatid ko.

"Malaya na tayo mama, malaya na tayo!".. Naiiyak ako sa sobrang saya.

Nag stay kami sa pangangalaga ng DSWD pansamantala. Nang macontact namin ang kapatid ni mama sa probinsya at sinundo kami ay umalis na din kami doon. Nag undergo kami ng mama at mga kapatid ko ng therapy dahil sa trauma na naranasan namin.

Nagtapos ako ng high school sa probinsya hanggang sa makapasa ako para sa scholarship sa isang kolehiyo dito sa maynila. Nagtatrabaho ako noon bilang isang part time service crew sa isang fast food. Para may pambayad ako sa renta ng kwartong tinutuluyan ko at para sa pagkain ko. Ginamit ko ang napag aralan ko para kumita ng malaki. Sa kunting naipon ko nag buy n sell ako hanggang sa nakayanan ko mag renta ng townhouse. Naghanap ako ng kasama para hindi ako mahirapan sa pag bayad ng renta. Hanggang sa makilala ko si Sofia.

...........................................................................................

Nakagaanan ko agad ng loob si Sofia. Mukhang may kaya ito sa buhay. Galing din ito sa probinsya. Gusto nito maging independent at subukan ang kapalaran sa maynila kaya napunta un dito. Isa syang photographer at may kapatid itong model na nasa ibang bansa.

Gabi gabi akong inaatake ng masamang bangongot na un kaya nag decide ako na ipagpatuloy ang therapy ko.

Ipinagpatuloy ko ang buhay ko. Pasok sa school, trabaho tapos uwi na ng bahay. Nag enroll din ako sa isang self defense training na krav maga para matuto akong protektahan ang sarili ko sa mga mapansamantalang nilalang. Pero kahit ganoon nasa akin parin ang takot. Takot sa banta ni Lucas na hahanapin nya kami at maghihiganti ito samin. Takot na din na may mga katulad din nya na pagtatangkaan din ako ng masama. Naging tahimik at loner akong tao. Wala ako masyadong mga kaibigan. Hindi na din ako nag aayos dahil ayokong mapansin ako ng tao. Naging masungit na din ako. 

My secret life... My secret identity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon