"Hi babe, are you ok?".. Marcus asked me. Nasa kotse nya kami. Sinundo nya ako at papunta na kami ngayon sa isang tv station, kung saan gagawin ang kanyang interview. I decided to go with him. Kelangan kong e focus ang atensyon ko sa kanya. at sa kanya lang. Ayokong e entertain ang anu mang confusion na binibigay ni Zach sakin.
"Yes honey, I'm just tired.. Jetlag lang siguro.."
"Hindi ka na dapat sumama pa sakin.."
"Its ok honey, I want to spend time with you.." Ngumiti ako sa kanya.
"Thanks babe.." Hinila ako nito at siniksik sa dibdib nya sabay halik ako sa noo ko.
I was left alone backstage. Kahit tinuloy ko ang pagmomodel sa Paris. I keep my life private. Makikita ako sa mga print ads at fashion show. Pero not on tv. At naiintindihan un ni Marcus.
Nababanggit nya ako sa mga interviews nya pero hindi nya ako pinilit na lumabas sa tv kasama nya. He knows what happened to me. Alam nya ang fears ko.
Nang matapos ang interview, dinala ako ni Marcus sa isang resto sa Makati. Kumain kami doon, pagkatapos nun ay pumasok kami sa loob ng isang mall. Magkahawak kamay kaming nag ikot ikot doon hanggang sa makakita ito ng isang jewelry store.
"May nagustohan ka babe? Pumili at magsukat ka na ng gusto mong magiging wedding ring natin"..
Kung nung nag propose ito sakin ay sigurado ako, ngayon ay parang nagdadalawang isip na ako. At un ay dahil kay Zach.
"Ahm honey, wala akong nagustohan e, pwede sa iba or next time na lang? What if we watch movie na lang, matagal na tayong hindi nanunuod e....!"..
"Sure babe, kahit anung gusto mong gawin ngayon, sayong sayo ako ngayong araw dahil wala na akong appointment".. Matamis itong ngumiti sakin sabay akbay sakin.
Nasa bookstore kami ng may marinig akong tumatawag kay Marcus.
"Marcus?" Napalingon kami pareho sa boses na tumawag sa kanya.
"Jessica?" Sagot ni Marcus. Humalik ang babae sa pisnge ni Marcus. At nagtaka ako kung bakit biglang namutla at parang naging awkward si Marcus.
"Ahm, Jessica this is my fiancee Megan, babe this is Jessica Dy, my friend from college"..
Maganda si Jessica, matangkad din ito at sexy. Halatang mayaman dahil sa alahas at branded na damit nito.
"Nice to meet you Megan".. Ngumiti ito sakin at humalik din sa pisnge ko.
"Nice to meet you too Jessica".. Ngumiti na lang din ako sa kanya.
Nagkatinginan sila ni Marcus bago ito nagpaalam at naglakad palayo samin.
"Is there something wrong honey?" Tanung ko kay Marcus.
"Wala babe, nagulat lang akong makita si Jessica, matagal na din akong walang balita sa kanya e, I thought nasa abroad ito.."
"Hmmmmm, ok.. Let's go? Uwi na tayo, I'm tired na e.."
Hinatid ako ni Marcus sa bahay ni Sofia. I'm curious kung sinu ang Jessica na un at parang uncomfortable si Marcus sa kanya. Kinuha ko ang ipad ko at tiningnan sa google.
Jessica Dy.. May mga litrato ito na kasama ang mga sikat na businessman, meron din kasama ang mga sikat na artista, singers at politicians. Meron itong limang picture na kasama si Marcus, nasa isang fashion show ito. Nakahawak sa bewang nya si Marcus sa isa sa mga picture, meron din na tumatawang nag uusap mga to. At ang tatlo ay kuha sa isang dinner, kung saan ay lagi silang magkatabi ni Marcus. May past ba ang mga to? They seem so close and comfortable with each other.
BINABASA MO ANG
My secret life... My secret identity...
General FictionMegan Amber Zalueta, a graduating college student. Ms. Sungit kung sya ay tawagin. Simple, tahimik at loner. At may mga lihim na tinatago sa pagkatao nya. At isa na dun ang kanyang secret identity.. May mga rason kung bakit nya ginagawa ito. Gagaw...