Chapter 24

7.5K 137 7
                                    

Saan tayo miss?"



"Sa Antipolo po"..



Iyak ako ng iyak. Nakaya ko ang panloloko ni Marcus dahil hindi ako sigurado sa feelings ko sa kanya. Pero si Zach, mahal ko sya.  Nasaktan na ako nito noon pero napatawad ko sya dahil mahal ko sya. 



Ring ng ring ang fon ko pero hindi ko to sinasagot. Ayokong kausap si Zach. Gusto ko munang mapag isa.



Nakatulog ako sa sobrang iyak. Nang magising ako hindi ko na alam kung saang lugar na ako.



"Manung nasaan na tayo? Hindi po ata to ang way papuntang Antipolo"



"Kamusta ka Megan?" Nakangisi ang manong sakin. Nagulat ako ng mamukhaan ko ito.




"Lu...Lucas?" Hininto nito ang taxi. Hinanda ko na ang sarili ko para labanan ito pag sinubukan ako nitong saktan.




Binuksan nya ang taxi. Lumabas ako at tumakbo pero naabutan ako nito. Hawak nito ang buhok ko. "Akala mo makakatakas ka Megan? Hindi na ngayon, sa pagkakataon na to hindi ko na hahayaang mangyari un.."




Humarap ako at sinipa ko sya. Pero mabilis itong nakailag. Sinuntok ko sya sa tyan. Napaurong ito. Bago ako makalapit ulit dito ay may kinuha ito sa bulsa nya sa likod. Kinabahan ako at baka baril un. Mukhang baril nga pero kakaiba ang itsura nito. Sisipain ko na sana sya ulit ng pinutok nya ang parang baril na un pero hindi ito tumunog ng malakas, napatingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng sakit sa kaliwang hita ko. Parang maliit na syringe ang nakaturok sa hita ko.




Napaluhod ako sa sakit. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng matinding antok. Naging malabo ang tingin ko sa mga bagay bagay. Hanggang sa wala na talaga akong makita.




"Akin ka na ngayon Megan.." Un ang huli kong narinig. 



...........



ZACH's POV



What?! Hindi pa pwedeng e consider na missing ang tao kung wala pang 24 hours? Anu klaseng presinto to?!




"Zach will you pls relax?.." Sigaw ni Sofia sakin. Tinawagan ko sya para itanung kung nandun si Megan. Pero wala sya sa townhouse. 




Hinanap namin sya kung saan saan. Tinawagan ko na ang lahat ng hotels at motels sa metro manila pero wala sya doon. Pati mga empleyado namin tinawagan ko din, pinuntahan ang boutique nya pero wala din sya doon. 




"Paano ako magrerelax Sofia? Hindi ko pa din mahanap si Megan. Hindi nya ako pinagbigyan para makapag paliwanag, but I'm telling you Sofia, wala kaming relasyon ng Celine na un, fubu lang kami dati at two years na kaming hindi nagkikita nun, alam mo naman na ginawa ko lahat para patunayan kay Megan na mahal ko sya diba? Hindi ko gagawin un kung hindi ko sya mahal.."

My secret life... My secret identity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon