Chapter 11

8.3K 166 5
                                    

MEGAN's POV

I can see the sadness sa mata ni Zach ng sabihin kong pwede na friends lang kami. Knowing Zach's reputation sa school, sa pagiging womanizer nito, hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya.

Kinakabahan ako sa ginagawa nitong pagsunod sakin. Natatakot ako na baka malaman nya ang sekreto ko. Ang nakaraan ko.

Bully ang mga friends nito at for sure pag nalaman nila ang nakaraan ko pagtatawanan or pandidirihan nila ako.

Naisip ko din na kung magmamahal din ako, dapat sa lalaking tanggap ang buong pagkatao ko. Tanggap ako sa best at worst ko. Sa pangit at maganda. Sa flaws and achievements ko. Sa lalaking kaya akong ipaglaban at protektahan sa bangongot ng aking nakaraan.

"Megan!" Gulat sakin ni Zach. Nakaupo ako nun sa ugat ng malaking puno sa harap ng classroom namin habang nakikinig sa ipod ko. Ang sarap ng hangin at nakakarelax ito sa pakiramdam.

"Zach David Gallardo! Wag mong gawin yan ulit! Tinakot mo ako!"

"Bakit ka kasi nag iisa dito?"

"Mas prefer ko mag isa Zach, kaya pwede ka ng umalis. Baka makita kapa ng friends mo at pagtawanan kapa nila na kinakausap mo ang manang na tulad ko"..

"The hell I care Megan! I can talk to anyone na gusto kong kausapin"..

May lumapit samin na babae. Si shasha ang brat na anak ng isa sa mga teacher dito sa school.

"Hi Zach, samahan mo naman akong mag snack".. Matamis ang ngiti nito kay Zach habang hinihila ang braso nito.

Napatingin si Zach sakin.

"Let's go Zach! Bakit mo ba kinakausap ang pangit na manang na yan".. 

"I'm sorry Megan".. Pahabol na sabi ni Zach sakin habang hila ito ni shasha palayo sakin. Tumango lang ako.

Hindi naman ako affected dati sa mga sinasabi ng mga tao sakin. Pero tao lang ako kaya siguro nakaramdam ako ng kunting kirot sa dibdib ko sa panlalait ni shasha sakin. Ang ayoko pa ay ang awa na nakikita ko sa mata ni Zach para sakin.

Kung sana ganun kadaling kalimutan ang lahat ng masamang nangyari sakin. E di sana hindi ako natatakot at napapraning lagi. Inayos ko ang palda ko at pumasok na sa classroom.

"Hey Megan! Hindi mo dapat kinakausap si Zach! Amin lang sya! At impossible naman na magustohan ka nya! Tingnan mo nga yang itsura mo! Ang pangit mo!" Inabangan ako ng mga kaklase kong babae para lang sabihin sakin to? Wew!

"Hey ladies, maganda naman pala ang tingin nyo sa mga sarili nyo kaya bakit kayo natatakot kung kinakausap ako ni Zach? Pangit nga ako diba? Bakit pa kayo maiinsecure?!" Tinaasan ko ng mga kilay ang mga to at naupo sa silya sa likod na lagi kong inuupoan. Dumating ang prof namin at may announcement daw ito. Nakita ko ding pumasok si Zach habang naka hawak si shasha sa braso nito. Nag kunwari akong hindi ito nakita.

"Good morning class, gusto kong e announce sa inyo na magkakaroon tayo ng Mr. And Miss business administration 2012 next month. Sa mga gustong sumali pwede na kayong magpa register sa president ng business ad society"..

"Si Megan po mam bagay dun!" Sigaw ni Winston.

"Oo nga mam, isali natin si Megan!" Sigaw din ni shasha.

"Hey class, tama na yan. Wag nyo ng pagkaisahan si Megan, depende na sa kanya un kung gusto nyang sumali"..

"Hey Zach sali tayo.." Narinig kong sabi ni shasha.

"Ayoko shasha, hindi ako mahilig dyan!"..

"Megan! Megan! Megan! Megan!" Sigaw ng mga kaklase ko.

My secret life... My secret identity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon