MEGAN’s POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakaya kong hindi pansinin si Zach. Hindi din naman ito nag attempt na kausapin ako. Mas mabuti nga ang ganun.
Nahuhuli ko sya minsan na nakatitig sakin. Pero tinataasan ko lang ito ng kilay. Tuloy pa din ang panlalait at pang babadtrip ng mga kaklase ko sakin pero pinalampas ko na lang ito.
I fill up the form para sa pageant. Buo na ang loob ko. Well it's not too late din to do something different bago ako grumaduate which is 3 months from now na lang.
I'm planning to invest sa isang business habang nag wowork pa din ako bilang model. Can't wait to start the new chapter of my life.
.....
PAGEANT DAY..
Nakahanda na ang lahat ng susuotin ko sa van. Hiniram ko din ang make up artist ng company to help me. Kinakabahan ako pero kakayanin ko ito. Nandoon din si Sofia para suportahan ako.
7 boys and 7 girls ang sumali sa pageant. Kasali si Winston, Bryan, Zach at apat na galing sa ibang sections sa mga boys. Ako, si shasha at 5 pang iba na galing din sa ibang sections.
May kanya kanyang room na ginagamit ang bawat contestant. Dun kami magpapalit at mag aayos.
May mga intermission number pa bago nagsimula ang mismong contest. Hindi na ako mapakali. Nanlalamig ang mga kamay ko."Bezzy relax!.." Ngumiti lang ako kay Sofia.
Magsisimula ang pageant sa pagpapakilala sa mga contestant. Lahat kami ang naka white tshirt, shorts at high heels.
Napag planohan namin ni Sofia na hindi muna babagohin ang itsura ko. So lumabas ako sa stage na kulot pa din ang buhok ko, naka salamin at simpleng make up lang.
Shasha is so confident. Tiningnan lang din ako ni Zach at ng dalawang alipores nito na sina bryan at winston. Pinagtawanan ako ng mga tao at hindi ko na lang ito pinansin. Isa isa kaming rumampa at pumunta sa harap ng stage para ipakilala ang aming sarili. Rumampa ako as if hindi ako sanay sa ganito. Well, that was part of the plan.
"Boo!"..
"Pangit!"
Yan ang mga salitang naririnig ko sa mga tao sa audience. At masakit un para sakin. Pero andito na ako. Lalaban ako. Hindi ko na uurongan ang nasimulan ko na.
Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa mga room namin para maghanda sa talent portion.
Sinabi ko sa organizer na ihuli nya na ako sa mga babae. Si Zach naman ang mauuna sa mga lalaki.
BINABASA MO ANG
My secret life... My secret identity...
Genel KurguMegan Amber Zalueta, a graduating college student. Ms. Sungit kung sya ay tawagin. Simple, tahimik at loner. At may mga lihim na tinatago sa pagkatao nya. At isa na dun ang kanyang secret identity.. May mga rason kung bakit nya ginagawa ito. Gagaw...