Chapter 15

8.8K 184 6
                                    

MEGAN's POV



    3 days akong hindi pumasok sa school. At dahil 3 days lang naman talaga ang pasok ko, parang isang linggo din akong wala sa school. Pumunta ako sa clinic para sa isang session ng counselling kay Dra. Manuel. Naikwento ko ang nangyari sa pageant. Maganda daw at naisipan kong sumali doon. Dahil hindi ko na kailangang mag pretend. Wala na akong tinatago. Ipagpatuloy ko lang daw ang buhay ko free from fear and act as what normal woman should do. Normal na sakin ang manamit ng simple. Pero inaamin ko na ang magmukhang manang ay sinasadya ko talagang gawin para mag mukha akong pangit at hindi kapansin pansin. 



"Adrian? Andito ka din pala, may appointment ka din?".. Bati ko dito ng makita ko sya sa labas ng clinic at may kasama itong lalaki.


"Uy Megan, oo ngayon din ang check up ko kay Dra. Manuel, btw, megan si hector, hector si Megan".. Nakipag kamay ako sa kasama nito. Hinila ako ni Adrian palayo kay Hector at may binulong ito sakin.



"He's my boyfriend Megan.."




"What?! Are you...."




"Yes Megan, I'm gay.."




"Wooooooo, hindi ko nahalata Adrian, but I'm happy for you".. Niyakap ko sya ng mahigpit.



"Thank you Megan.." Nagulat ako sa nalaman ko pero masaya ako para sa kaibigan kong si Adrian. Buti pa sya masaya.




  Nagtext sakin si Zach na mag usap kami pero hindi ako nag reply. Wala akong makitang rason para mag usap pa kami. Para saan pa. Naging fair lang naman ako sa laro na sinimulan nya. Kahit na sabihin nyang nag sinungaling ako sa kanya, hindi ko naman ginustong lukohin sya. Tinatago ko na ang identity ko bilang model kahit nung hindi pa kami nagkakilala. 



Pumasok ako sa school. Naisipan ko na tama si Dra. Hindi ko na kailangan pang mag pretend. Kelangan ko nag mag move on. Suot ang simpleng skinny jeans at red blouse ko. Hindi na din ako nagsuot ng salamin at nag contact lens na lang. Nakakailang ang mga tingin, bulongan at pagpansin ng mga istudyante sakin. 




"Megan!" Narinig kong tawag sakin ni Zach ng pumasok na ako ng school. Napakunot noo ako. 




Lumingon ako tiningnan ko ito ng masama.



"Anung kelangan mo Zach?!..




"Bakit Megan?! Bakit?!"..




"Bakit anu Zach?"..




"Bakit mo ginawa un, bakit hindi mo sinabi sakin, bakit ka nag sinungaling?"




"Bakit Zach? Hindi ba mas malala ang ginawa mo sakin?, sinasabi mong gusto mo ako bilang Cindy, pero sinasabi mo ding gusto mo din ako bilang Megan? Pinaglalaruan mo ako! Kung paghihiganti ang intensyon mo, inuulit ko sayo, kayo ang unang nang bastos sakin!"

My secret life... My secret identity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon