"Class, have a seat. I'll announce your scores"Kanya kanyang nag si balikan sa mga pwesto nila ang mga classmates ko na parang mga nakawala sa kural dahil wala kaming teacher kanina na panggap namang sumunod sa teacher namin na kadadating lang at dahil mainit na ako sa matandang ito, sumunod na din ako hehe .-.
"Gomez?" as i expected, ako ang unang tatawagin nya dahil as i said, namumuro na ako sa matandang 'to. "You've got 90 scores, congrats" he said, sarcastically.
Di ko alam kung matutuwa ako dahil eto ang ka una unahan na nakakuha ako ng 90 sa subject nyang math dahil hindi ko nasasabi pa sa inyo eh bulok ako sa math. hindi ako proud dahil since then, eto na ang problema ko. Parang mag sulat palang sa board teacher ko ng 1+1 nalulugaw na agad utak ko.
i hate numbers!
"And the rest of your classmates got 91 scores above" he added.
Sabi ko na eh, alam kong ako nanaman ang pinaka lowest sa score dito .-. di ko rin alam kung bakit napunta ako sa high section kahit bulok ako sa math pero sa ibang subject naman kaya ko makipag sabayan duhhhh
Rinig ko ang mga hagikgikan ng mga classmates ko dahil sa sinabi ni sir kaya agad kong ikinuyom ang kamao ko para makita nilang naiirita na ako and ayun, they stopped.
"Hernandez, congratulations na perfect mo ang exam." Masayang sabi ni sir sa seatmate kong demonyo.
Nag palakpakan naman ang mga classmates kong epal specially mga malalanding babae na may gusto sa lalaking yon. Ano bang meron don hindi naman sya gwapo? matalino sya pero di sya gwapo ha? maniwala kayo sakin.
Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko na nakikipalakpak rin yun bang "akala ko ba mga kaibigan ko kayo bakit pinapakakpakan nyo yan?" look.
Agad naman sila tumigil at isa isang nag peace sign saakin.
"Miss, Gomez come to my office after my class. I'll talk to you" seryosong sabi ni sir saakin. Grr, pinag iinitan nya talaga ako!
**
*sigh*
"hoy bakla, tigil mo nga yang pag buntong hininga mo kanina ka pa!" saway saakin ni Mimi.
Hindi ko sya pinansin bagkus nag pangalumbaba pa ako.
"Naku yumi, smile na!" dagdag pa ni Akira na halata mong nag wo-worry saakin.
"Bakit kasi napaka bobo mo sa math eh, ayan tuloy" seryoso pang sabi saakin ni Julia na akala mo'y di nakaka offend sinabi nya.
Hinampas naman sya ni Akira sa balikat "Preno mo nga bibig mo Julia, you're not helping!" saway sakanya nito.
"It's okay, bobo naman talaga ako sa math eh." pag amin ko.
Hindi ko naman itatanggi. di ko din naman talaga alam bakit nabablanko ako bigla pag usapang math. siguro pag usapan na natin kung paano ang revolution ng ipis kesa pag usapan ang math. ganon, ganun ko ka hate ang subject na yon.
"Alam nyo sa totoo lang- wtf?"
Mag kekwento palang ako sa mga kaibigan ko ng bigla akong hatakin ng isang demonyo sa braso palabas sa cafeteria ng school. hindi na agad ako nakapalag dahil sa bilis at lakas ng pag hatak nya at naiwan doon sa loob ang mga kaibigan ko na nagulat din sa nangyari.
"Hoy saan mo ko dadalhin?!" pasigaw na tanong ko sakanya habang hinahampas hampas ang kamay nya na mahigpit na nakahawak sa braso ko "Hoy ano ba masakit!" reklamo ko dito.
BINABASA MO ANG
Fake Lover (Ongoing)
RomanceKilalang bully sa school si Yumi, isa sya sa mga studyanteng kinakatakutan sa school nila. Hindi makabasag pinggan kung titignan pero kayang kaya nyang basagin ang pag mumukha mo sa isang suntok lang. Lumaki syang may attitude, masama ang ugali dahi...