Chapter 9.

9 2 0
                                    

"Seryoso? Kala regie ka ngayon nag i-stay?" Di makapaniwalang tanong ni Akira habang kumakain ng waffle. Napabuntong hininga naman ako at tumango "Oh bakit parang di ka masaya?" Tanong pa nya.
"Oo nga, para kang nalugi dyan" Dagdag pa ni Julia.
"Buti ka nga may kasamang gwapo sa iisang bahay tapos boyfriend mo pa!" Nag niningning ang mata ni mimi habang sinasabi yon.

Umayos naman ako para di nila mahalata ang pagka dismaya ko, kailangan mag mukhang okay ako dun sa fact na nasa iisang bahay kami ngayon ni regie. "Hindi ah. In fact, ang saya saya nga e. Medyo lugi lang kasi nasa ibang kwarto ako" Medyo napapikit pa ako dahil sa sinabi ko. Medyo sablay ako doon nag mumukha akong may pag nanasa kay regie pero kailangan ko silang ma convince.

"Ay, ang wild naman pala ng ate" Natatawang sabi ni Mimi at pinandilatan pa ako ng mata habang ang dalawa ay natatawa nalang.

Andito kami ngayon sa mall, inaya ko sila makipag kita dahil naboboring ako sa bahay nila regie. Tsaka lagi kaming nag tatalo pag kaming dalawa lang kaya kesa maubos pasensya ko ay lumabas muna ako para mabawasbawasan ang inis.

"Eh ikaw ba akira, kamusta naman kayo ni nico?" Seryoso namang tanong ko dito. Napatigil sya sa pagkain dahil lahat kami nakatingin sakanya, hindi sya sumagot bagkus ay nag kibit balikat lang sya.
"Anona te? Galaw galaw" Naiiritang sabi sakanya ni Mimi.
"Natatakot ka parin ba?" Tanong ni Julia sakanya, tumango naman ito. "Hays, normal lang matakot akira. Mag confess ka na hangga't pwede pa."
"Oo nga naman bakla. Baka maunahan ka pa ng iba! Posible yon dahil napaka gwapo ni fafa nico, sikat pa sa school" Dagdag pa ni Mimi.

Nalilito ba kayo sa pinag uusapan namin? Ang totoo kasi nyan, umamin samin si Akira na gusto nya na daw si Nico na bestfriend nya pero di nya magawang mag confess dito dahil baka 'daw' hindi sila pareho ng nararamdaman at ayaw nyang masira ang pag kakaibigan nila.

"Im afraid of rejections" Sagot nalang ni akira pero bigla syang binatukan ni Julia.
"Rejections? How could you say that? You're not even trying. Paano mo malalaman, kung hindi mo susubukan?" Naiiritang sabi nito kay akira.
"Wow, kung makapag salita ka naman bakla akala mo naman may jowa ka" Nakairap na sabi nito at humagalpak kami ng tawa pero agad syang binatukan ni Julia.
"Manahimik ka jan!" Saway nya at muling tumingin kay akira "Ikaw, tawa ka ng tawa ayaw mo intindihin sinasabi sayo. Ang akin lang kasi, mag confess ka para malaman mo din kung ano nararamdaman sayo ni Nico"
"Ayoko naman kasing masira friendship namin" Bigla nalang nag pout ang gaga, aish! Ang cute naman ng haponesa na 'to. (half japanese po sya hehe)
"Ganon ba kababaw tingin mo sa bestfriend mo?" Tanong ko naman dito at natahimik sya.

"I can taste her lipstick and see her laying across your chest.

I can feel the distance every time you remember her fingertips.

Maybe I should be more like her
Maybe I should be more like her

I can taste her lipstick, it's like I'm kissing her, too.

And she's perfect
And she's perfect~"

Natigil lang ang pag uusap namin nang mag ring ang phone ko. Si regie ang tumatawag.

"Asan ka?" Tanong nito sakin, hindi manlang nausuhan sakanya ang hi/hello.
"Nasa mall, bakit?"
"Sino kasama mo?"
"Sila mimi"
"Ah sige"

Bigla nya ng pinatay ang tawag, bastos! ><

"Sinetch?" Tanong ni mimi.
"Si regie" Sagot ko nalang at bigla silang ngumiti ng nakakaloko "Tinatanong lang kung asan ako duh" Nakairap na sabi ko.
"Hinahanap naman na pala ng boyfriend" Pang aasar ni Julia saakin.
"SANA ALL!!!" Sabay na sabi naman nung dalawa, inirapan ko lang sila.
"Osya wag nyong ibahin ang usapan, anona te?" Ibinalik naman ni Mimi ang topic kay Akira.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon