Chapter 10.

5 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa malakas na pag tunog ng alarm clock.

Mabilis akong naligo at nag palit ng uniform.

Bago lumabas ng kwarto chineck ko muna ang cellphone ko dahil naka received ako ng text mula kay papa.

From: Papa Sebastian
how r u my yumi? imissyou! ingat ka sa school.

Lalo ko syang namiss dahil sa message nya, 3 days ko na rin syang di nakakasama. Hindi pa ba sya uuwi?

To: Papa Sebastian
Okay lang po, ikaw? Imissyou too! Ingat ka po dyan.

Yun lang at lumabas na ako sa kwarto ko na sakto namang lumabas din ng kwarto nya si regie na naka ayos narin. Gusto ko syang iwasan dahil nakaramdam ako bigla ng pagkailang sakanya dahil kahapon pero hindi ko yun nagawa dahil mabilis syang lumapit saakin at inayos ang uniform ko. "Hindi ba't sabi ko sayo na i-tuck in mo yang blouse mo?" He said sabay tuck-in sa blouse ko. Malaki kasi masyado sakin ang blouse na suot ko which is style ko talaga pero since gf na ako ni regie eh binago ko style ng pag susuot ng uniform ko. Strict talaga sya sakin pag dating sa magiging ayos ko, nung nakaraan nga noon dumalaw pa sya samin at binili ako ng napaka raming damit na puro dress or skirts dahil ayun na daw dapat mga pinoporma ko. Nagawa nya yun dahil mayaman nga sya, sobrang effort mapagtagumpayan lang namin ang pag papanggap namin.

"Nakalimutan ko lang." Sagot ko nalang at umiwas ng tingin sakanya. Kung maaari lang ay wag ko na sana makita ang titig nyang yon.

"May problema ba?" Nag tatakang tanong nya. Umiling naman ako.

"Tara na kuya, baka malate na tayo!" Aya ni reyah saamin na bigla nalang sumulpot, kasabay namin kasi sya pumasok since mas malapit ang school nya.

Hindi na kami kumain ng breakfast dahil nag mamadali si reyah. Sa school nalang siguro.

**

< Regie's POV. >

"Ayan kasi sundan mo" Tinuro ko sakanya ang tinutukoy ko "Tapos i-plus mo dito and then divide" Dagdag ko pa.
"Ah sige" Tumango tango sya at sinunod ang sinabi ko. "Ganyan ba?" Tanong nya ng masagutan nya na yung ginawa kong tanong.
"Very good"

Napangiti ako bigla dahil kahit papaano nakikita ko ang improvements kay yumi.

Hindi na sya mahirap turuan hindi gaya nung una.

Nandito kaming dalawa sa rooftop dahil breaktime namin ngayon, dito narin kami kumakain lagi.

Pinapakita ko sa lahat kung paano ko solohin si yumi para naman maniwala silang totoo talaga na kami.

Nirereview ko ulit sya ngayon dahil 1 week nalang at malapit na ang exams. Malapit narin matapos ang school year.

"Yun na yon? Sus. Chicken lang pala" Pagyayabang nya ng matapos sya sa sino-solve nya.

"Tsaka ka na mag ganyan pag exam na ha" Tinaasan ko sya ng kilay kaya sumimangot sya. "Tara na sa classroom"Aya ko sakanya at tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Di pa naman time eh!" Reklamo nito.
"Baka malate nanaman tayo" Sabi ko nalang dahil kapag nag kakasabay kami mag breaktime at sa roof top kami kumakain ay nalelate kami dahil napapasarap kami ni yumi sa kwentuhan.

Nakasimangot naman na tumayo rin sya at sumunod nalang sakin. Umalis na kami sa rooftop at bumaba para bumalik sa classroom namin, mag kahawak ang kamay naming dalawa habang nag lalakad kaya nakatingin ang mga studyante saamin.

Napatigil ako ng may familiar na mukha kaming nakasalubong na kasama ni kathleen.

"Regie, ijo?" Pinagmasdan nya pa ang mukha ko. "Si regie ba 'to?" Tanong nya kay kathleen.
"Yes mom. Si regie nga" Sabi naman ni kathleen.
"Tita kaycee" Nginitian ko ang mommy ni kathleen. Bakit kaya sya nandito?
"Buti natatandaan mo pa ako. It's been a long time!" Natatawang sabi nito at hinimas himas pa ang pisngi ko. "Ang gwapo parin ng batang 'to ay!"
"Mom?!" Nahihiyang saway ni kathleen sa mommy nya.
"Haha sorry. Anyways, who is she?" Tanong ni tita at tumingin kay yumi na nanonoo lang saamin. Bago pa man ako sumagot ay sinagot na ni kathleen ang tanong ng mommy nya.
"She's yumi, mom. Regie's girlfriend" Pagpapakilala ni kathleen ng nakangiti pa.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon