Chapter 8.

8 2 0
                                    

"Ikaw kamusta ka na?"
"Ayos lang naman si yumi, ipapadala ko sayo mamaya pictures nya"
"Sya ba? Kamusta na?"

Pag uwi ko sa bahay galing sa school, naabutan ko si papa na may kausap sa telepono. Busy 'to sa kausap nya kaya hindi nya napansin ang pag dating ko.

"Gusto ko na kayo makita"

Narinig ko ang pag crack ng boses ni papa kaya doon na ako nag tanong na ikinagulat naman nya "Sino kausap mo papa?" Bigla nyang ibinaba ang telepono.

"Huh? Ah, ano a-anak. Yung tita mo sa america napatawag" Tinutukoy nya ata ang pinsan nya na naka tira sa america pero di parin ako satisfied sa sagot nya dahil hindi sya tumitingin saakin.
"Pero bakit parang naiiyak kayo dyan?"
"Wala ito anak. Don't mind me" Iwinasiwas nya pa ang kamay nya saying na wala lang yun atsaka umalis sa harap ko ng hindi tumitingin saakin.

Weird, may problema ba?

Hindi ko nalang kinulit si papa dahil halata namang umiiwas sya. Dumeretso nalang ako sa kwarto para mag bihis. After ko mag palit ng pambahay, narinig ko ang phone ko na tumunog kaya agad ko itong sinagot.

"Hello?" Bati ko sa kabilang linya, number lang kasi ito at di ko alam kung kaninong numbet 'to.

"Yumi?"
"Tita Reese?" Tawag ko sa pangalan ng mommy ni regie, tanda ko ang boses nya kaya alam kong sya 'to.
"Oo ija."
"Napatawag po kayo?"
"May favor sana ako sayo eh."
"Ano po yon tita?" Tanong ko sa mommy ni regie at nag antay sa sagot nya habang nangungulangot.

"Aalis kasi kami ni Richard eh, may importante kaming pupuntahan kaso di namin pwede isama si Regie at Reyah gawa ng studies nila so kung pwede dito ka muna sa bahay kasama nila habang wala kami?"

Napatigil naman ako sa pag bilog ng kulangot ko dahil sa sinabi ni tita sa kabilang linya.

Teka ano daw?

"H-ha?" Ni hindi magawang mag sink in sa utak ko mga sinabi ni tita sakin.
"Please?" Pamimilit nito. Iniimagine ko ang mukha ni tita habang nag p-please saakin for sure napaka ganda nya ><
"Hindi ko alam kung papayag po si papa eh" Nasabi ko nalang.
"Ah si papa mo ba? Actually sya may idea na dito ka muna daw dahil aalis din sya. Mag kausap kami kahapon"

Napanganga ako sa sinabi ni tita. Ha? Si papa? How? Sa sobrang strict non?! Pero teka, anong aalis? Wala naman syang nababanggit sakin?!

"Teka, aalis po si papa?"
"Oo, di nya pa ba nasasabi sayo?"

Kung nag tataka kayo, nagkausap na si papa at ang parents ni regie kaya mag kakilala na sila pero ang weird lang dahil nito lang naman sila nag kakilala pero sobra yung closeness nilang tatlo.

"Hindi pa po eh"
"Sige ask mo nalang si papa mo para makapag usap kayo tapos usap ulit tayo mamaya ha?"
"Sige po tita"
"Sige baby. Salamat mwa!"

And she hanged up the call.

Dahil dun, pumunta ako sa kwarto ni papa. Medyo naiinis pa ako dahil wala akong alam sa usapan nila at hindi sya nag sasabi saakin.

"Hoy SEBASTIAN mag usap nga tayo!"

Diniin ko yung pag bigkas ko sa pangalan ng tatay ko dahil sa inis ko sakanya, naabutan ko lang syang nag babasa ng libro habang nakahiga.

"Nakapag usap na kayo ni reese?" Tanong nya.
"Bakit wala ka sinasabi sakin!" Nag uusok ang ilong ko sa inis at nag dadabog na umupo sa tabi nya.
"Tinamad ako mag salita kanina anak"

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon