Yun pala ang dahilan kung bakit ganoon nalang kung mag effort si regie para lang makaganti sya kay kathleen pero ang gulo ha? Gusto nya bumalik sakanya si kathleen pero gusto nya ring saktan?
Sayang sila kung tutuusin. Bagay nga sila eh kaso kahit ako yung nasa sitwasyon ni regie masasaktan talaga ako sa ginawa ni kathleen. Ikaw ang nag sabi na wag kang iwan pero ikaw ang nang iwan. Awww poor regie 🥺
Buti nalang ako, never ko pa nararanasan yan at dahil sa mga nakikita at nalalaman ko ngayon parang ayaw ko na talaga maranasan. Bwahahahahaha! >:|
"Hoy, nakikinig ka ba?" Bigla bigla akong binatukan ni regie.
"Aray naman! Kailangan mambatok? Susuntukin kita eh!" Naiiritang sabi ko sakanya.Andito kasi kami ni regie sa library habang break time. Halos kami lang ang nandito at tinuturuan nya na ako dahil malapit na ang final exams namin kasi patapos na ang SY kaya kailangan nya talaga ako i-tutor para pumasa.
1 month nalang at mag babakasyon na. Senior highschool na kami next SY!!!
"Eto kasi gayahin mo oh. Napaka bobo"
Kanina pa nag rereklamo si regie dahil pamali mali ang sagot ko dagdag mo pang nanlalaban ako sakanya dahil ayoko namang mag patalo kahit ganon.
Ang tagal na naming nag papanggap na mag ka relasyon ni regie, 4 months narin siguro pero wala paring nag bago saaming dalawa. Para parin kaming aso't pusa kung mag away pag walang nakakakita saamin.
"Hays. Sa wakas na gets din" Napailing sya at tumayo na "Naka isang milyon na ata ako sa pag ulit ng examples na binigay ko sayo bago mo magets eh" At umirap sya "Halika na nga, male-late pa tayo" bigla nya hinawakan ang kamay ko at sabay na kaming bumalik sa classroom.
Ayun, nasanay nalang ako bigla sa ginagawa saakin ni regie. Sa pag hawak nya ng kamay ko or sa pag yakap. Sinakyan ko nalang lahat ng mga yon at hindi nag rereklamo. Tiwala din naman ako sa kanya kasi kahit ganoon ay hindi sya nag te-take advantage saakin- alam nya limitations nya. Hanggang doon lang sya, dun sa mga bagay na pwede kasi pumayag ako.
Kaya kahit nbsb ako, nasasanay naman na ako sa ganito dahil araw araw ginagawa saakin 'to ni regie lalo na pag makikita namin si kathleen mas nagiging sweet sya saakin. Minsan pag nakakasalubong namin si kathleen kasama ang boyfriend nya na sikat na basketball player sa school namin ay hinihigit nya ako bigla palapit sakanya para akbayan. Mga ganong bagay ba.
"Good afternoon, class!"
Dumating na ang MAPEH Teacher namin at ini-announce na makakasama namin ngayon ang Section B sa klase nya sa may gymnasium dahil ibu-bukod ang section A at B sa basketball.
So bumaba kaming section A para pumunta sa gymnasium at naabutan doon ang students ng section B. As i expected, andon si kathleen na nakatingin ngayon kay regie habang si regie ay saakin naman nakatingin. Section B sya, remember? classmate nya si Nico at yung boyfriend nyang sikat na basketball player sa school.
So dahil basketball ang laro ngayon, lalaki ang pinag laro ni sir. Pinag bukod nya ang section A at B. Tinawag nya ang mga surnames ng mga classmates kong lalaki at kasali si Mimi at si Regie sa mga lalaro. Nag karoon ng tawanan dahil kasali si mimi sa mag lalaro at kahit ako ay sumabog kakatawa. Sa section B naman ay kasama si Nico sa lalaro ganoon din si Kurt na boyfriend ni Kathleen.
*prrt!*
Pumito na si sir, inihagis nya na ang bola at nakuha ito ng section B na si kurt (as i expected dahil magaling ito sa basketball) Nag dribble pa ulit ulit si kurt habang naka bantay sakanya si regie.
Teka, marunong ba 'tong si regie?
"Go fafa regie, ang bola!" Pag chi-cheer ni Mimi kay regie na dahilan para mag tawanan kami, nakakalimutan nya atang kasali sya sa laro.
BINABASA MO ANG
Fake Lover (Ongoing)
RomansaKilalang bully sa school si Yumi, isa sya sa mga studyanteng kinakatakutan sa school nila. Hindi makabasag pinggan kung titignan pero kayang kaya nyang basagin ang pag mumukha mo sa isang suntok lang. Lumaki syang may attitude, masama ang ugali dahi...