Chapter 2.

19 4 1
                                    

"Ang gwapo nya talaga"
"True! Ang talino paaa!"
"Bet ko yung height, ang tangkad"
"Omg ayan na sya"
"AAAAAAAA"

Pa ulit ulit. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, simula ng pumasok sya dito yan nalang lagi kong naririnig. Kung sa classroom madaming nag kakagusto sakanya, ano pa kaya sa buong school? First day nya palang dito, putok na agad pangalan nya. Alam nyo naman ang chismis, parang virus na ang bilis kumalat.

Ilang linggo na ang lumipas pero sya parin ang usapan dito sa school. Paano ba naman, first day nya palang dito nag pakitang gilas na. Halos lahat ng exams, na perfect nya. Puring puri sya ng mga teachers kaya di na ako mag tataka kung bakit laman sya ng usapan.

Gwapo naman talaga sya pero dahil nga nakaka bwiset ang ugali nya, hindi na sya gwapo! Gets nyo ba? Gwapo sya pero sakin, hindi sya gwapo! If that's make sense. Lol

"Hoy kung makatingin ka parang pinapatay mo na sa isip mo ah" Puna saakin ni Julia.

Paano ba naman kasi andito kami sa cafeteria dahil break time namin tapos pepwesto nalang sila Regie, doon pa sa harap namin.

Oo nga pala, si Regie pala yung tinutukoy na kaibigan ni Nico na sinasabi nyang new transferee. Ninong daw ni Nico ang daddy nung lalaking yon at mag kababata sila at aware naman syang mainit dugo ko sa kaibigan nya kaya sa ibang table sila kumakain ngayon kasi usually kasabay namin si Nico kumain dahil nga sa bestfriend sya ni Akira.

"True bakla. Di ka parin ba makalimot sa pang aagaw nya dun sa album ng idol mo?" tanong ni Mimi saakin.

Oo at di ko matanggap na naagaw nya saakin yon dahil lang sa tinitigan nya ako!

"Dapat kasi sa susunod na tititigan ka, di ka mawawala sa sarili mo para di ka maisahan. Diba?"

Nagulat ako ng may mag salita ng mga yan atsaka ko lang narealize na nasa harap na namin ang demonyo kasama si Nico. Narinig nya siguro ang sinabi ni mimi kaya nakakaloko ang mga ngiti nya ngayon. Fuck, eto na nga ba sinasabi ko.

Napatingin sakin mga kaibigan ko dahil sa sinabi nya "Seriously yumi?" Di makapaniwalang sabi ni Julia.

"You know what? Shut up!" Iritableng sabi ko sakanya at nag walk out.

Napahiya ako doon. Kailangan pa talagang sabihin sa harap ng mga yon? Nakakainis talaga syang lalaki sya!

Lumabas ako sa cafeteria ng nag dadabog at wala sa sariling lumakad papuntang field. Kailangan ko ng fresh air!

Pero dahil sa sobrang inis ko sa lalaking yun kaya wala ako sa sarili eh nabunggo ako sa isang katawan ng lalaki.

"Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo ha yumiko?!" Maangas na sabi nya.

Tatlo ang mga lalaking nasa harap ko ngayon. Kilala ko silang lahat, mga shs students. Sa pag kakaalam ko eh kinakatakutan ang grupong to sa batch nila at ang nakabunggo ko ay si Ronald na leader ng grupo nila. Hindi ako ganon ka familiar sakanila pero sa mga naririnig ko ay kilabot sila sa SHS at ngayon lang nag krus ang mga landas namin.

Pero teka, kilala nya ako?

"Nakita mo na palang bubunggo ako sayo bakit hindi ikaw ang umiwas?" Maangas din na sabi ko. Hindi ako pwede mag patalo.

Nag tawanan ang mga kasama nya. "Wala ka pala ronald eh, binabara ka lang ng babae" Pang aasar ng kasama nya na hula ko ay si Dave.

"Totoo pala mga naririnig ko sayo yumiko, palaban ka" Nakangising sabi saakin ni Ronald habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa "Pero hanggang saan nga ba kaya mo?" Tanong nito na halata mong minamaliit ako.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon