Chapter 5.

17 2 0
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana. "Uffa~!" Pag hikab ko.

Nag madali na akong mag ayos para pumasok sa school. Kagabi lang nangyari yung pagpapakilala ni Regie sakin sa magulang nya at nag eexpect na ako ng kung anong pwede mangyari lalo ngayon lalo na't naka in-relationship kami ni regie sa social media. Masyado naman kasi nyang ginagalingan ultimo pamilya namin nadadamay na .-.

Pag baba ko mula sa kwarto ay nakita kong kumakain na ng breakfast si papa. Pinapakiramdaman ko pa sya nung lumapit ako sakanya, nakita na kaya nya? Pero mukhang hindi dahil masaya nya akong binati ng good morning. Sinabayan ko naman sya kumain at nang matapos ay nag paalam na ako sakanya.

"Hatid na kita anak? Wala naman ako pasok ngayon" He insisted.
"Sige papa!" Pag payag ko.
"Okay, wait a second. Kunin ko lang susi ng sasakyan" Sabi nya at tumaas sa kwarto nya. Ako naman ay binuksan na ang pinto ng bahay para lumabas pero-
"Ang tagal mo naman"

Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ko si Regie sa labas ng gate namin.

Anong ginagawa nya dito?!??

"Tara na anak!" Bigla bigla ay nakababa na si papa pero bago pa man nya makita si regie ay sinara ko muna ang pinto.
"Ay papa hehe ako nalang pala sige na mag pahinga ka nalang muna dyan hehe"

Yung puso ko gusto na kumawala sa katawan ko dahil sa sobrang kaba.

"Ha? Sure ka? Bakit?" Nag tatakang tanong nya habang nakatingin pa sakin na puno ng pag dudududa.
"Basta po pa. Sige na. Bye!"

Hindi ko na inintay ang susunod nyang sasabihin at mabilis kong binuksan ang pinto ng bahay at lumabas at sinara ko ulit ng mabilis. Bago pa man mag react si regie ay hinigit ko na sya sa braso papasok sa sasakyan nila.

"Teka ano bang problema!"
"Baka makita ka ni papa!" Itinapat ko pa ang hintuturo ko sa bibig ko. "Manong drive na po kayo" Pag mamadali ko sa driver niya.
"Eh ano naman?" Tinaasan pa ako nito ng kilay.
"Alam mo regie kung gusto mo pang mabuhay, sumunod ka nalang"
"Ayaw mo ba akong makilala ng papa mo?"

Oo! Kasi pareho tayong lagot!

"Hindi naman sa ganon pero kasi sa totoo lang ayaw nya pa ako pumasok sa mga ganitong bagay. Bata pa ako kung tutuusin eh" Paliwanag ko sakanya.
"Naiintindihan ko" Tumango tango sya.
"Bakit pala andito ka?" Tanong ko naman
"Trip ko lang siguro?" Pamimilosopo nya "Girlfriend na kita kaya kailangan sabay na tayo papasok sa school."
"So susunduin mo ko lagi?"
"Oo"
"Haynako regie, kailangan pa ba yan?" Naiiritang tanong ko.
"Alam mo yumiko wala kang alam sa girlfriend-boyfriend things kaya wag ka na mag reklamo at sumunod ka nalang" At wala na nga ako nagawa kundi sumunod sakanya. =.=

**

"Grabe di ko inexpect na sila na talaga"
"Sabay pa pumasok oh"
"Ang alam ko di mag kasundo yang dalawa na yan eh"
"Oo nga pero look sila na oh"
"Last time mag kasama daw yang dalawa sa roof top ng building nila eh"
"Omg baka sila na non"
"Hay wala na talaga ako pag asa kay regie"
"Akala ko pa naman tomboy yang si yumi"

Sa bawat estudyanteng nadadaanan namin ni regie, halos lahat sila pinag uusapan kami. Pinag uusapan kami na parang wala kami doon. Bawat galaw namin nakatingin sila. Kung nakakatunaw nga lang ang tingin ay baka tunaw na kaming dalawa lalo na ako kasi may mga babaeng masama ang tingin sakin. Dyusko girls, kung alam nyo lang. Pwede nyo naman ako paltan. Bibigay ko sa inyo si regie =_=

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon