Chapter 12.

12 2 0
                                    

Author's POV

Nagising si yumi ng tumama ang sinag ng araw sa mukha nya mula sa labas ng bintana ng kwarto nya. Hindi nya magawang bumangon dahil sa pananakit ng ulo at katawan nya dala ng hangover.

Dahil first time nya mag inom, hindi nya alam na lasing na pala sya nung time na yon kaya wala na syang alam sa mga nangyari.

Kinuha nya ang cellphone nya na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama nya dahil nag ring ito.

"Hello yumi?"
"Oh julia, bakit? Kakagising ko lang."
"YUMI!!!"

Rinig ni yumi ang pag ngawa ni julia sa kabilang linya. Siguro nakokonsensya ito sa nangyaring gulo kagabi na hindi alam ni yumi.

"Bakit?? Huy!"
"WAAAH YUMI SORRY SA INYO NI REGIE!!"
"Sorry saan?" Tanong nya sa kaibigan dahil wala syang idea kung ano ang tinutukoy nito. In fact, hindi nga nya alam na nawalan sya ng malay at ngayon lang sya nagising.

"Huh? Hindi mo alam?" Nag tatakang tanong ni julia sakanya pero agad nyang naalala na nawalan nga ng malay si yumi dahil sa kalasingan "Ay, oo nga pala nawalan ka ng malay kagabi kaya hindi mo alam"
"Teka nawalan ako ng malay?" Nagulat ito sa nalaman nya.
"Oo. Lasing na lasing ka kagabi girl" Pag ke-kwento nito "Hindi mo ba alam na nag kagulo kagabi and im sorry for that. It's my fault, ako nag dala sa inyo doon pero hindi ko manlang kayo nabantayan dahil nalasing rin ako. Buti nga't nahimasmasan ako nung nag sumbong yung isang staff namin doon na may nangyari nga daw sayo"

"Anong nangyari saakin?"

"Girl, muntik ka ng ma rape."

Nanlaki ang mata nya habang nililibot ang paningin nya sa katawan nya na naka suot ng pang tulog. Doon nya lang naalala na nasa inuman sya kagabi at mas lalo pa syang nagulat dahil iba na ang suot nya ngayon.

"Pwede bang i-kwento mo ng buo?" Bakas ang pagka dismaya nya sa kaibigan dahil hindi biro ang nangyari kagabi.
"Eh kasi naman nakita ka nung staff namin na pumasok daw sa cr ng boys eh may mga lalaki dun na lasing narin kaya natripan ka. Alam nyang kaibigan kita kaya sakin sya nag sumbong so kumilos naman mga guards pero mas naunang kumilos si regie kasi galit na galit sya nung narinig nya yung pag susumbong saakin nung staff namin" Pag kekwento ng kaibigan "Napaaway pa si regie kagabi"

"Teka, totoo ba yan?"

"Oo, galit na galit sya don sa mga nambastos sayo. Tatlong lalaki yun pero nakaya nyang bugbugin. Ayaw pa nga nyang tigilan pag suntok eh"

"Teka nabibigla ako sa mga nalalaman ko, julia. Wala talaga ako matandaan"

"Oo, nawalan ka kasi ng malay. Si regie pa nga nag hatid sayo pauwi sakanila. Ayaw ka nyang pahawak samin kahit sa mga guard dahil galit na galit sya kagabi. Ang tindi din pala mag alala ng boyfriend mo no?"

"G-ginawa nya yun?"

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ni yumi dahil sa mga narinig nya. Hindi sya makapaniwala na ganoon ang ginawang pag tatanggol ni regie sakanya at kung paano mag react ito.

"Oo. Kaya nga nag so-sorry ako kasi feel ko galit din sya sakin" Narinig nya ang pag bu-buntong hininga ng kaibigan "Don't worry kasi na kasuhan na namin yung mga lalaking nambastos sayo. Kaya din natripan ka ng mga yun kasi mga dayo eh. Kung taga dito lang yun hindi ka magagalaw dahil alam nilang kasama kita." Paliwanag pa nito.

Patuloy ang pag s-sorry ni julia kay yumi at pinatawad nya naman ito dahil wala namang kasalanan 'to sa nangyari. Sinisisi nya ang sarili nya dahil hindi nya pala nakontrol ang pag iinom nya ng beer kaya nalasing sya.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon