Chapter 14.

10 2 0
                                    

Yumi's POV.

"Hindi mo ba sila pupuntahan?"

Napatingin ako sa likod ko ng marinig kong mag salita si akira. Akala ko nasa dinning area sya, kasama nila na kumakain na.

Andito kasi ako ngayon sa sala kung saan maganda ang view sa kabuuan ng lugar eh hindi ko naman akalain na makikita ko mula sa baba si regie na nakaupo lang kasama si kathleen.

"Para saan?" Nag tatakang tanong ko.

Bakit ko naman sisirain ang chance ni regie na makasama si kathleen eh moment nya na 'to?

"Ayoko bigyan ng meaning dahil pareho na silang taken pero hindi normal makitang mag kasama ang dalawang tao na may past sa isa't isa"

Muli akong napatingin sa kanilang dalawa na nag uusap sa baba. Alam nila akira na may past si regie at kathleen dahil na-ikwento ko ito sakanila noon pa.

"Mukha namang wala silang ginagawang masama" Bulong ko nalang.

Tsaka kahit naman may gawin sila, wala akong karapatang makielam dahil kung tutuusin nag papanggap lang naman ako na girlfriend nya.

"Sige, ikaw bahala. Tara kain na tayo" Pag give up nya sa usapan namin at inaya nalang ako kumain.

Ngumiti lang ako sakanya at sinabing susunod nalang kaya umalis na sya doon at nag punta na sa dinning area para kumain kasama sila.

Si regie naman ay nakita kong tumayo na at umalis doon sa inuupuan nya kasama si kathleen. Napatingin pa nga ito sa gawi ko nung makita nyang nakatingin ako sakanila kaya nag iwas ako ng tingin at umalis na doon sa pwesto ko para sumunod kala akira.

Wala akong gana nung kumakain na ako kasama sila. Katabi ko si regie na kumakain na rin.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, parang ang awkward bigla.

Parang ano uhm, ang bigat sa pakiramdam?

"Eto regie, favorite mo" Nilagay ni kathleen sa plato ni regie ang hipon na niluto ng parents nya.
"Salamat" at nginitian ni Regie si Kathleen.

Nung makita ko yun, nag madali akong ubusin yung pagkain ko para makaalis ako doon. Para kasing sumikip bigla ang dibdib ko, ang init, hindi ako mapakali.

Pag tapos kong kumain ay wala ng paalam na umalis ako doon at lumabas muna saglit sa mansion. Kahit gabi na ay nag decide akong pumunta sa dalampasigan dahil feel ko kailangan ko ng fresh air.

Alam nyo ba yung pakiramdam na sobrang bigat ng dibdib mo? tapos ang init init pa na parang may kung anong likido ang gustong lumabas sa mata mo and then sobrang pinag papawisan ako ng malamig pero ang init init sa pakiramdam.

Ganun.

Ganun yung mga nafeel ko nung makita ko sila kathleen at regie na nag uusap lang ng normal.

Okay na ba sila? Kung okay na sila, bakit parang hindi ako okay?

Nirub ko ang mga braso ko dahil sa lamig na nag mumula sa hampas ng mga alon sa dagat habang nakatingin lang ako sa malaking buwan. Panay ang buntong hininga ko dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang nahihirapan akong huminga.

"Bakit nag iisa ka dito?" Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni regie mula sa likod ko "Naka two piece ka pa, ang lamig lamig dito sa labas"

Pake nya ba?

"Nag papahangin lang" Sabi ko nalang sakanya ng hindi tumitingin. "Pasok ka na sa loob" Sabi ko sakanya dahil gusto ko mapag isa.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon