Chapter 16.

15 2 0
                                    

"Kiss her in front of us"

Pare-pareho kaming napanganga ng sabihin yan ni mimi na malapad ang ngiti.

"Teka, he won't do that. Diba, gie?" Biglang nag salita si kathleen "Mataas respeto nya sa mga babae" Dagdag pa nito na halata mong hindi sang ayon sa dare ni mimi.

"Why not? I mean, girlfriend naman ni regie si yumi diba? There's nothing wrong with that" Sabi naman ni julia

"But-" Mag sasalita pa sana si kathleen pero naputol na ito dahil sa sinabi ni regie.

"I'll do it"

Napatigil ako ng unti unting lumapit si regie sa mukha ko. T-teka, gagawin nya talaga? pero may deal kami! Bawal ang kiss!!!!

Pero bakit ganto? bakit kusang pumipikit ang mga mata ko na parang nag aantay sa pag dampi ng mga labi nya?

*smack!*

And then he kissed me..

in my right cheek.

"Hala bakit sa pisngi lang?!" Pag rereklamo ni mimi.

"Wala ka namang sinabi na sa lips diba?" Natatawang sabi ni regie at kumindat ito saakin habang ako ay nakasimangot, hawak hawak ang pisngi ko na hinalikan nya.

Well, at least hindi sa lips kasi kung hindi ay baka nasuntok ko sya sa harap nila ><

**
Nung mahina na ang apoy at ubos na ang mga light beer na iniinum namin ay nag decide na silang pumasok sa loob para mag pahinga na pero nag paiwan ako kasama si akira sa labas dahil nililinis naming dalawa ang mga kalat na naiwan namin dito. Pagod na kasi yung iba at antok na kaya kaming dalawa ni akira ang nag volunteer na mag linis.

"Yumi.."

Bigla akong tinawag ni akira habang nag liligpit kami ng mga bote "Po?"

"Alam mo ba kanina tinanong ako ni nico kung may natitipuhan na daw ba ako"

Napalingon ako sakanya dahil sa mga narinig ko. "Oh, anong sabi mo? Umamin ka na?" na excite pa ako sa tanong ko pero nawala yung excitement na naramdaman ko dahil umiling iling sya habang nakasimangot.

"Sabi ko, wala" T_____T

*wapak!*

"Aray!!!" napahawak sya sa ulo nya dahil sinapak ko ito dala ng pang gigigil ko sakanya

"BAKIT NAMAN WALA ANG SAGOT MO BWISET KA TALAGA AKIRA SINAYANG MO YUNG CHANCE!!!" parang gusto ko mag wala dahil nab-bwiset talaga ako sakanya.

Ayun na e!!!! yun na yung moment eh!!! bakit di nya pa grinab?!?

"Eh naduwag ako e!!!" T___T
"Eh kung sapakin ulit kita dyan?!"
"Yumi?!?"
"Eh kasi naman napaka arte mo parang mag co-confess lang!!"
"Wow ha! Palibhasa kasi kayo ni regie biglaan nung naging kayo! Wala nga kaming alam na niligawan ka nya eh?! Hello?!"

Napatigil ako sa sinabi nya, teka anong gusto nya iparating?

"Huh?"
"Haynako yumi, kaibigan mo kami remember?" Bigla nyang pinag krus ang mga braso nya at tinaasan ako ng kilay "Alam naming may mali sa pagitan nyo ni regie. Nakikisakay lang kami"

Shoot.

So in the first place pala talaga nag dududa na sila saamin ni regie? Well, i can't blame them kasi biglaan naman talaga na naging kami ni regie. Kung tutuusin parang nung nakaraan lang ay alam nilang galit na galit ako sa taong yun dahil sa pang aagaw nya sa album ni selena tapos isang araw magiging kami nalang bigla? Hindi manlang nila nasaksihan panliligaw ni regie. Medyo mali kami sa part na yon dahil biglaan nalang talaga yung ginawa namin ni regie. Sana pala ay nag hinay hinay kaming dalawa pero wala e, nandito na kami e.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon