Chapter 11.

13 2 0
                                    

"Yumi, tara na!"

Hinigit ni akira ang braso ko at hinila ako paalis habang nakasunod naman saamin si regie. Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa kaba kasi papunta kami ngayon sa bulletin board ng school kung saan nakapaskil ang mga naka pasa sa final exams at kung sinu-sino ang mga nasa top.

Pag dating namain doon ay kumpulan ang mga studyante. Naunang tumingin sila mimi sa result, nakipag sisiksikan sila doon habang ako ay nasa likuran lang dahil nga sa sobrang kaba.

Hindi ko magawang tumingin dahil natatakot ako na baka bagsak ako.

"Bakit ayaw mo pang tignan?" Tanong ni regie na nasa likod ko.
"Eee." Para akong maiiyak sa sobrang kaba.
"Wala ka bang tiwala sa tutor mo?" He asked kaya napatingin ako sakanya, he's smiling at me.

Oo nga pala, sya ang tumulong saakin. Ang top 1 sa klase namin ang tumulong saakin kaya bakit nga ba ako mag wo-worry?

"Yey! Pasado ako!"
"Omg ako rin!"
"Kyaa top 4 ako!"

Sabay sabay na nag cheer ang mga kaibigan ko matapos nila makita ang pangalan nila sa list kaya nakipag siksikan narin ako doon para tignan yung akin.

"See?" He chuckled.

Yumiko P. Gomez - PASSED (TOP 6)

Sa sobrang tuwa napatalon ako at napayakap nalang kay regie. Ang ineexpect ko lang kasi ay makakapasa ako pero di ko akalain na mapapasama pa ako sa top. Sobrang saya! Worth it lahat!

At hindi ko magagawa yon kung hindi dahil sa tulong ni regie kaya hindi ko napigilan na yakapin sya. "Congrats babe" He said and hugged me back. Sincere sya sa pag bati nya saakin.

"Congrats din" Sabi ko sakanya ng makaalis sa yakap. Sya parin kasi ang top 1 samin.
"Easy" Nag kibit balikat pa sya habang tumatawa.
"At dahil dyan, mag ce-celebrate tayo ngayon!" Tuwang tuwa na sabi ni Julia saamin.
"Ay bet ko yan!" Pag sang ayon naman ni mimi.
"Saan naman?" Tanong namin ni akira.
"Ako ang bahala!" Nakangiting sabi ni julia saamin.

"Pwede ba kami sumama dyan?" Bigla nalang sumulpot si kathleen kasama si kurt at nico.
"Oo nga sama naman kami!" Dagdag ni nico. "Nasa top 3 ako kaya karapatan kong mag celebrate din kasama si siopao" At kumindat ito kay akira. Uy-
"Sang ayon ako." Biglang sabi ni regie, nakatingin ito saakin.

Siguro dahil kasama si kathleen at nico kaya
pumayag ito. Wala naman ako nagawa dahil sumangayon na silang lahat kaya pumayag nadin ako.

After ng klase ay nag si-uwian muna kami para mag palit ng damit. Sa may 7/11 ang kitaan namin dahil malapit daw doon ang pupuntahan namin sabi ni julia. Ang weird lang dahil hindi nya sinasabi kung saan kami pupunta dahil sya na daw ang bahala.

"Tapos ka na?" Bigla biglang pumasok si regie sa kwarto ko.
"Walang katok katok?" Pag tataray ko dito. Mabuti nalang tapos na ako mag bihis nung pumasok sya.
"Ba't ganyan?" Tanong nya saakin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Sinusuri ang kasuotan ko. "Mukha ka nanamang jejemon" Sabi nito at binuksan ang cabinet ko na parang may mga kinukuha sa loob. "Eto"

Ibinigay nya saakin ang isang white sando, denim skirts at denim jacket. "White rubber shoes ang i-partner mo" Sabi nito at lumabas na sa kwarto, sinunod ko naman ang sinabi nya.

After ko suotin ito ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napa wow sa itsura ko. Mukha akong tap sa porma ko. First time ko pa naman mag suot ng ganito.

Bakit kaya magaling si regie pag dating sa ganito? Dati ba syang bakla?

Lumabas ako ng kwarto at nakita si regie sa labas na nag aantay sakin. "Tara na" Aya ko dito at akma na sanang aalis pero hinila nya ako sa braso palapit sakanya.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon