Day 1.
"Dalian mo na yumi"
"Eto na, eto na"Nag aayos ako ng mga damit na dadalhin ko, inilagay ko ito sa backpack ko habang nag aantay sa labas ng kwarto ko sila mimi at julia kasama si regie. Sinundo kasi nila ako dito sa bahay para sabay sabay na kaming pumunta sa meeting pleace namin.
Bakasyon na namin at kung natatandaan nyo pa ay diba nga't sinasama ako ni regie sa bakasyon nila sa palawan kasama sila kathleen? Pumayag naman ang mommy ni kathleen na isama sila mimi dahil narin sinabi nila nico. Speaking of nico ay sila namang dalawa ni akira ang mag kasabay habang sila kathleen daw ay nasa airport na kung saan ang meeting place namin. Hinihintay na nila kami.
"Oh, aalis na kayo?" Tanong ni papa ng makita nya kaming lumabas ng kwarto ko.
Nakabalik na kasi ako sa bahay, dito na ulit ako nag s-stay- mga 1 week narin siguro simula nung bumalik ako dito kasi diba nga nakauwi na sila papa. Kung tatanungin nyo ako kung anong nangyari after nila kaming makita ni regie na nasa iisang kama last time e na explain naman namin ng ayos sakanila at syempre kami naman ang nag hinala sakanila kasi bakit sabay sila umuwing tatlo diba? I mean, ang nasa isip namin kasi specially ay ako is mag kasama silang tatlo pero ang sagot lang nila samin ay nag kasabay lang daw sila sa airport at hindi sila mag kasama. Since kami ay anak lang naman, hindi na kami nakipag talo sa mga magulang namin.
"Opo, tito. Kanina pa po sila nag aantay e" Sagot ni julia kay papa.
"Osige, kayo na bahala sa yumi ko ha? Ingat kayo"
Sabay sabay kaming lumabas ng bahay at sumakay sa van nila regie.
Inihatid kami ng driver nila sa airport.
Habang nasa byahe ay napatitig ako kay regie na naka tingin lang sa mga dinadaanan ng sasakayan.
Naka suot ito ng white t-shirt at 3/4 black short tapos white shoes. Isama mo narin yung nakasuot sya ng shades na sobrang bagay dahil sa tangos ng ilong nya.
Napansin ko lang lately, na-aappreciate ko na bigla kagwapuhan ng isang 'to. I mean, dati lang naaasar ako sa pagmumukha nya to the point na ayoko na ngang makita pero ngayon? hindi na ako nag sasawang titigan mukha nya.
"Baka matunaw" Bulong ni julia saakin na nasa kaliwa ko. Mag kakatabi kasi kaming apat sa upuan, bale nasa kanan ko si regie at tabi nya ang bintana ng sasakyan habang sa kaliwa ko naman ay si julia tapos katabi nya si mimi, gets?
Buti hindi narinig ni regie ang sinabi ni julia dahil naka headset ito. "Shh" sinenyasan ko sya na wag maingay pero tumawa lang sya.
Buti nalang at hindi ganon ka traffic kaya mabilis kaming naka rating sa airport. Naabutan namin don sila nico at akira kasama na nila sila kathleen at ang mommy at daddy nito pati na si kurt.
"Tagal nyo ha" Pag rereklamo ni akira
"As usual" Kibit balikat na sabi nila julia at sabay na tumingin saakin, umirap lang ako."Regie, ijo. Long time no see!" Binati sya ng daddy ni kathleen, ngumiti lang si regie dito.
Ipinakilala muna kami ni kathleen sa parents nya bago kami pumasok sa loob.
**
"WE'RE FINALLY HEREEEE!"
After ng ilang hours na byahe ay nakarating na kami sa palawan! Inihatid kami ng isang service sa vacation house nila kathleen at napa wow nalang kami sa laki nito at sa ganda ng view.
Paano ba naman, isang malaking mansion pala ang pag s-stay namin for 3 days tapos may malaki pang pool kasama dito tapos sa labas ng mansion ay may beach!!!
BINABASA MO ANG
Fake Lover (Ongoing)
RomanceKilalang bully sa school si Yumi, isa sya sa mga studyanteng kinakatakutan sa school nila. Hindi makabasag pinggan kung titignan pero kayang kaya nyang basagin ang pag mumukha mo sa isang suntok lang. Lumaki syang may attitude, masama ang ugali dahi...