Balik eskwela na kami pero this time, bilang senior high school.
First day of school pero mag kakasama kami ng mga kaibigan ko ngayon dahil namiss namin ang isa't isa.
Ang tagal din kasi naming hindi nag kita kita e. Simula nung umuwi kami from palawan ay hindi na yun nasundan dahil kanya kanya na silang uwi ng probinsya nila para doon mag bakasyon.
Kung kakamustahin nyo naman ako about sa pag babakasyon ko ay daig ko pa nag bakasyon sa sementeryo sa sobrang boring at tahimik. Puro trabaho kasi si papa, hindi manlang nya naisipang iuwi ako sa mga tita ko sa laguna para doon sana mag bakasyon at isa pa si regie..
Hindi nag paramdam saakin si regie buong bakasyon. Oo, sobrang tagal nun kung tutuusin. Ni text or tawag, wala. Lagi syang active sa social media accounts nya pero hindi nya manlang magawang mag chat saakin kaya ngayon wala na akong balita sakanya. Hindi ko naman magawang dumalaw sa bahay nila kasi baka kung ano pang isipin nya na baka isipin nyo rin kaya tiniis ko nalang din na wag rin syang kausapin.
Naisip ko nga na baka ayaw nya na sa deal namin, na baka nasa matino na syang pag iisip-- kung totoo man yun, sana nga.
Pero bakit ganun? sa tuwing maiisip ko palang na ganun katagal syang walang paramdam saakin nanlalamig ako bigla? parang may namimiss ako na ewan- nakakaparanoid pero wala akong magawa.
"Ang lalim ng iniisip mo ah" Pansin saakin ni mimi.
Andito kami sa cafeteria, vacant na kasi namin. Buti nga at pare-pareho kami ng sched ng mga kaibigan ko kaya mag kakasama parin kami.
Oo nga pala, classmates ko parin si regie pero guess what? Hindi ko pa sya nakikita ngayon.
"Oo nga yumi. Tsaka bakit hindi kayo mag kasama ni regie?" Tanong pa ni julia.
"Oo nga, don't tell me break na kayo?" Gulat na tanong ni mimi habang si akira ay tahimik lang dahil nga sa alam nya na yung tungkol saaming dalawa.
"Actually kasi-" Mag sasalita palang sana ako para mag dahilan pero may nag salita bigla sa likod ko.
"Kami? Mag be-break? That will never happen"
Pag lingon ko, it's regie.
Nanibago ako bigla sakanya dahil nag pagupit ito, medyo mahaba kasi buhok nya dati pero nag pabawas sya ng onti ngayon which is mas bagay sakanya.
"Diba babe?"
Tumingin sya saakin at ngumiti- yung ngiti na parang walang nangyaring gap saaming dalawa.
Teka gap? Hahahaha halata naman kasing may gap saamin ngayon at hindi ko alam ang dahilan. Kung maka akto sya ngayon, parang walang nangyari. Parang normal lang. Sabagay, di naman nila alam na matagal hindi nag paramdam sakin ang isang 'to kaya sige, sakyan natin.
"A-ah, oo" Pilit akong ngumiti.
Ewan ko ba, bigla nalang akong nawala sa mood dahil parin sa hindi ko malaman na dahilan. Napaka daming tanong sa isip ko pero ni isa, wala parin akong makuhang sagot.
"Hi guys!"
Biglang sumulpot si Nico, kasama nya si kathleen at kurt. Mukhang close na close sila ni kathleen dahil halos lagi silang mag kasama, si regie na nga lang ang kulang e. Mataas lang talaga ang pride ng isang 'to.
"Kamusta naman first day of school?" Natatawang tanong ni kurt saamin.
"Okay lang naman" Sagot ng mga kaibigan ko.
"Siopao, di nga pala kita mahahatid mamaya ha? May gagawin pa kasi ako" Paalam naman ni nico kay akira, tumango tango lang ito.
"Ikaw yumi, pwede ka ba mamaya?" Si regie naman ang nag tanong saakin.
BINABASA MO ANG
Fake Lover (Ongoing)
RomanceKilalang bully sa school si Yumi, isa sya sa mga studyanteng kinakatakutan sa school nila. Hindi makabasag pinggan kung titignan pero kayang kaya nyang basagin ang pag mumukha mo sa isang suntok lang. Lumaki syang may attitude, masama ang ugali dahi...