Chapter 15.

9 2 0
                                    

Author's POV

Sinusundan ng tingin ni regie si yumi habang papunta ito sa dagat. Nag tataka kasi sya sa mga inaasta neto, para bang these past few days ay pa iba iba ang mood at hindi nya malaman kung ano ba ang dahilan.

"Lalaro ka pa, gie?" Tanong ni kathleen ng mapansin nya si regie na nakatingin lang kay yumi.

"Kayo nalang muna" Sabi nito at umupo nalang muna sa buhanginan habang tinitignan nya si yumi na dere-deretso lang sa pag lalakad.

Ano bang problema ng isang 'to? Naisip nya nalang dahil ramdam nya ang pag iwas nito sakanya.

Inilubog ni yumi ang sarili nya sa tubig, pinapanood lang sya ni regie pero ilang minuto din ay umahon si yumi pero nasa malayong parte na sya ng dagat. Napatayo si regie nung makita nya si yumi na halata mong nahihirapan i-angat ang ulo para huminga.

Wala ng hesitation ay lumusong na sya sa dagat at lumangoy para tulungan si yumi. Nakita naman sya ng mga kasama nila na papunta sa nalulunod na si yumi kaya nag panic ang mga ito.

Dinadala ng alon si yumi sa malayong parte ng dagat kaya mas binilisan ni regie ang pag langoy lalo na nung hindi nya na makita si yumi. Sinubukan nitong sumisid sa ilalim at nakita nya si yumi na pinapangapusan na ng hininga dahil nalulunod na.

Sumisid pa sya ng sumisid hanggang sa maabot nya ang kamay ni yumi, hinawakan nya ito at hinigit nya si yumi palapit sakanya. Nakapikit na si yumi nang magawang i-angat ni regie ang ulo nya. Wala syang idea kung humihinga pa ba ito o ano dahil ang nasa isip nya lang ng mga oras na yon ay mai-alis doon si yumi.

Sumisid din sa dagat si nico at kurt para tulungan si regie sa pag higit kay yumi habang ang iba pa nilang mga kasama ay todo ang sigaw dahil sa pag aalala kay yumi.

Nung magawa nilang mai-ahon si yumi sa tubig ay mabilis nila itong nilapag sa buhanginan.

"Y-yumi!!" Nag aalalang tawag ng mga kaibigan nya sakanya habang ang mga magulang ni kathleen naman ay nag t-try tumawag ng ambulansya.

Hindi humihinga si yumi, wala itong malay. Hindi nila alam kung buhay pa ba ito o ano dahil kahit anong tawag nila kay yumi ay hindi ito nagigising kaya nag simula ng mag iyakan sila julia sa sobrang pag aalala sa kaibigan.

Si regie naman ay natutuliro dahil hindi nya kayang makita si yumi na ganoon sa harap nya pero agad nitong hinawakan ang braso ni yumi at chineck kung may pulso pa. Nung maramdaman nya ang pulso ni yumi ay hindi na sya nag dalwang isip pa na i-cpr ito.

"Y-yumi gising!" Nag aalalang tawag sakanya ni regie habang pina-pump nya ang dibdib nito. Wala paring response kaya muli nyang inilagay ang bibig nya sa bibig nito para bigyan ng hangin at pinump ulit ang dibdib.

Pa-ulit ulit nyang ginagawa yun kahit naririndi na sya sa iyakan ng mga kasama nya pati sa pag papanic ng magulang ni kathleen.

"YUMI!!"

Sabay sabay silang nabuhayan ng maigalaw nito ang braso nya at nag simulang umubo which is sign na buhay sya.

Nag dilat ito ng mata habang patuloy parin sa pag ubo at pag labas ng mga tubig sa bibig nya. Inalalayan naman ni regie itong umupo at ipatong ang ulo ni yumi sa dibdib nya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni regie sakanya. Kitang kita mo ang matinding pag aalala nito at pang hihina dahil sa nangyari sakanya.
"R-regie"

**

After ng aksidente na yun ay nag decide silang lahat na wag na munang mag swimming dahil sa pag aalala kay yumi. Pinag pahinga nila si yumi sa kwarto dahil sa sobrang pagod nito at pang hihina sa nangyari sakanya.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon