Chapter 18.

7 1 0
                                    

Hindi ako masyado nakatulog because of what happened last night kaya eto ako ngayon, papasok sa school kahit na antok na antok pa.

After ko mag ayos, dumeretso na ako ng pasok sa school at sinalubong naman ako ng mga kaibigan ko.

"Zombie?"

Yan agad ang bungad saakin nila julia nang makita nila ako. Siguro dahil sa laki ng eyebags ko dahil nga di ako nakatulog ng ayos kagabi pero imbis na patulan ko sila dahil sa sinabi nila saakin eh si akira nalang ang pinansin ko.

"You okay?" i asked, nag kibit balikat sya at halata mong kinakabahan. "Alam na ba nila?" Tinutukoy ko sila mimi.
"Oo naman bakla. Mamaya na nga daw nya gagawin e, pag ka break" excited na sabi ni mimi.
"Mabuti naman" Ngumiti ako kasi na e-excite na ako sa kakalabasan ng pag co-confess nya mamaya.
"Uhm pede ba umurong?" Napakagat pa sya sa ibabang labi nya at dahil dun sabay sabay namin syang sinamaan ng tingin kaya napataas sya ng dalawa nyang kamay "Im just joking"

Since malapit na ang time namin ay dumeretso na kami sa first class namin. Bumungad saakin si regie na nasa tapat ng pintuan, sinubukan ko naman na umakto ng normal nung nasa harap ko na sya "Bakit di mo sinasagot mga tawag ko kanina? Susunduin sana kita sa inyo e kaso baka mag kasalisi tayo kaya umuna na ako" tanong nya saakin.

Totoo na tumatawag sya saakin kanina pero hindi ko sinasagot dahil wala nga ako sa mood. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin kasi yung sakit dahil sa mga narealize ko kagabi at sa mga sinabi nya. Kung pede nga lang sana ay umiwas muna ako sakanya hanggang sa maging okay ako pero baka makahalata sya.

"Busy lang" Ngumiti ako at pumasok na sa room.

Ewan ko ba kung nahalata nya ang pagiging awkward ko sakanya pero wala na akong pake dun basta ang bigat ng pakiramdam ko pag nakikita ko sya kaso wala parin akong takas kasi katabi ko sya sa upuan. Remember, mag kalapit lang surnames naming dalawa kasi letter 'G' ako tapos sya ay 'H' so nakaupo sya sa kanan ko.

Alam kong mag tatanong pa sya saakin but good thing kasi dumating na ang teacher namin at binati kami kaya hindi nya na nagawang i-appproach ako which is mas okay saakin kasi wala talaga ako sa mood.

"Good morning, class" He greeted us so we greeted back "Today, i'd like to tell you all that we have a new transfer student and he's here now!"

Hindi ko inaasahan na may bago nanamang transfer student sa school namin pero kumunot ang noo ko nung pumasok yung taong tinutukoy ni sir at makita ang lalaking blonde na yun na sure ako na sya yung naka banggaan ko kagabi. Kahit na likod nya lang ang nakita ko kahapon ay sure ako na sya yun base narin sa katawan nya at tangkad nya na gaya rin nung lalaki kahapon pero diba nandito sya kahapon? bakit ngayon ko lang sya nakita dito sa room?

"Good morning, I'm Ace Flinn. Nice to meet y'all"

Sa sobrang pag iisip ko dahil sakanya hindi ko alam na nag papakilala na pala sya. Base narin sa tono ng boses nya ay feeling ko galing america ang isang 'to dahil may accent ang pag sasalita nya at feel ko rin natural ang pag ka blonde ng buhok nya so siguro ay half half ang lalaking 'to. Infairness ha? Ang gwapo nya pero mas gwapo yung-

Napatingin ako sa katabi ko pero nagulat ako kasi nakatingin sya saakin habang nakataas ang kilay. Kanina pa ba ako tinitignan nito?! Baka kaya nya ako tinataasan ng kilay kasi titig na titig ako dito sa ace na 'to?!

"Ang gwapooo"
"I heard sa america daw galing yan"
"Ih, kaya pala mukhang may lahi"
"Ang hot tignan omg"
"Sana single huhu"

Rinig ko ang mga bulungan ng mga classmates namin kaya sinaway sila ni sir at nag sorry kay ace dahil for sure ay narinig nya ang mga sinasabi ng mga classmates namin sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon