Chapter 4.

7 2 0
                                    

< Regie's POV >

Kinabukasan nag kita kami ulit ni Yumi dito sa coffee shop tulad ng napag usapan namin kahapon. As usual, pang jejemon nanaman ang suot nya na sobrang masakit sa mata.

"Ano ba yan mukha ka nanamang suman sa suot mo" Tukoy ko sa t-shirt nyang malaki sakanya.
"Baket ba nakikielam ka dyan ha?" Pag tataray nya.
"So haharap ka sa parents ko ng ganyan?"
"Maganda naman ah!" Sabi nya habang nakatingin pa sa suot nya.
"Ulol. Jejemon" Iritableng sabi ko. "Sakay na" Aya ko sakanya at pinag buksan sya ng pinto ng sasakyan.

Pinaandar na ng driver namin ang kotse at dinala kami sa beauty salon ng ninang ko.

"Ano gagawin natin dito?" Tanong ni yumi saakin. Hindi ko sya pinansin at dumeretso sa isang staff ng ninang ko.
"Asan si ninang?" I asked.
"Ay nasa loob po sir. Sige po tawagin ko lang" Tumango ako sa sinabi nya at maya maya'y lumabas na si ninang.
"Oh regie, darling! What brought you here ijo?" She asked.
"Uhm, ninang i badly need your help" I said habang nakangiwi na nakatingin kay yumi na tinitignan ang buong paligid ng salon. Napatingin din ang ninang ko kay yumi at tumango sya, saying na nagets nya ang sinabi ko.
"Carlos, ericka. Ilabas ang lahat ng gamit may matindi tayong trabaho na gagawin ngayon" Utos nya sa mga staff nya at pumunta sa gawi ni Yumi "Halika ija" Nakangiting aya nya kay yumi at pinaupo ito sa isang upuan harap sa malaking salamin.

Umupo naman ako sa upuan dito para mag hintay sa magiging resulta at nanood sa ginagawa sakanya.

Tatlong tao ang nag aayos sa magaganit nyang buhok na parang once a year nya lang kung suklayin at dalawang tao naman sa kuko nya sa paa at kamay habang ang ninang ko naman ay sa mukha nya.

Grabe yumiko, ilang tao din pala ang kailangan maayusan ka lang.

Napailing ako sa naisip ko. Kung tutuusin naman ay maganda si yumi, maliit ang mukha, mapungay ang mga mata, mahaba ang buhok at tama lang ang height nya pero hindi nya kaya mag ayos sa sarili nya. Kung saan sya konportable, doon sya. Hindi nya iniisip tingin sakanya ng mga tao which is okay naman sana pero kung para rin naman sayo bakit di mo i-try mag bago? I mean for some improvements lang.

3 hours later;

"Regie!" Nagising ako sa tawag ng ninang ko.

Oo. Di ko namalayan nakatulog na pala ako sa kakahintay kay yumi, sa sobrang tagal ay gabi na nga.

Pag mulat ko ng mata ay si ninang ang bumungad sakin habang nakangiti. Bigla sya gumilid para makita ko ang nasa likod nya and guess what? Biglang tumigil ang mundo ko.

Pinigilan kong hindi matulala sa nakita ko, tumango lang ako at nag pasalamat kay ninang dahil sa ginawa nya at sumakay na ulit kami sa kotse para umalis.

Buong byahe ay tahimik lang ako. Hindi ko magawang umimik at mukhang ganon din sya.

Pasimple akong tumingin sakanya na nakatingin ngayon sa labas ng bintana ng sasakyan.

I didn't expect this. Ganito pala sya kaganda pag naayusan.

Wearing a floral dress, doll shoes tapos nakalugay ang buhok nya habang curl ang dulo? Malayong malayo sa dati nyang itsura. Ang ganda.. sobrang ganda. Hindi nakakasawang tignan kaya hangga't hindi sya napapalingon sa gawi ko dahil nakatingin lang sya sa labas ng bintana ay nilubos ko na yun para matitigan sya pero di ko rin natiis at kinuha ko ang cellphone ko para picturan sya pero-

< Yumi's POV >

Sobrang sama ng loob ko. Wala na tuloy ako sa mood! 3 hours akong nag pa murder sa ninang nya tapos wala manlang syang reaction sa itsura ko ngayon?! Labag nga sa loob ko 'to e. Yung pag suotin ako ng nakakadiring dress na 'to tapos doll shoes? YAAAAAK!!! Tapos alam nyo yung masakit?! Tinapon lang sa basurahan ng ninang nya yung mga suot ko kanina dahil simula daw ngayon ay hindi na daw dapat ako mag suot ng mga ganon.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon