Chapter 3.

13 2 0
                                    

< Yumi's POV. >

12:00 am

12 am na pero hindi parin ako natutulog. Heto ako at nag re-review dahil exams namin bukas.

Kahit naman kilala akong bully sa school, iniingatan ko parin grades ko, yun lang naman maipag mamalaki ko sa papa ko for now. Siguro sa attitude bagsak na bagsak ako pero sa klase? NOOOO!

Pero may isang subject na hirap ako at ayun ang math, doon ako bugok eh. Sobrang nalulugaw ako agad kapag number ang pinag uusapan tapos iso-solve.. grr!

Kaya ayun ang todo nire-review ko ngayon. Doon muna ako sa basic para di ako mahirapan pero wala talaga pumapasok sa isip ko •o•

So kinabukasan nag start na kami mag exam, madali lahat sakin except talaga sa math. Lugaw na lugaw utak ko, gusto ko na nga kainin ng lupa pero i still tried.

Buong araw kami nag exam kaya lugaw na lugaw abg utak ko. Naubos ang lakas ko sa math na yan! Chicken lang sakin ang ibang subjects pero sa math-

*sigh*

Kinabukasan after ng exams, maaga ako pumasok dahil ngayon ang announcement ng mga nakuha naming scores.

"Class, have a seat. I'll announce your scores"

Kanya kanyang nag si balikan sa mga pwesto nila ang mga classmates ko na parang mga nakawala sa kural dahil wala kaming teacher kanina na panggap namang sumunod sa teacher namin na kadadating lang at dahil mainit na ako sa matandang ito, sumunod na din ako hehe .-.

"Gomez?" as i expected, ako ang unang tatawagin nya dahil as i said, namumuro na ako sa matandang 'to. "You've got 90 scores, congrats" he said, sarcastically.

Di ko alam kung matutuwa ako dahil eto ang ka una unahan na nakakuha ako ng 90 sa subject nyang math.

"And the rest of your classmates got 91 scores above" he added.

Sabi ko na eh, alam kong ako nanaman ang pinaka lowest sa score dito. Well at least i tried. God knows kung gaano ako nag puyat makapag review lang!

Rinig ko ang mga hagikgikan ng mga classmates ko dahil sa sinabi ni sir kaya agad kong ikinuyom ang kamao ko to make them notice na naiirita na ako and ayun, they stopped.

"Hernandez, congratulations na perfect mo ang exam." Masayang sabi ni sir sa seatmate kong demonyo.

Nag palakpakan naman ang mga classmates kong epal specially mga malalanding babae na may gusto sa lalaking yon.

Ano bang meron sakanya eh hindi naman sya gwapo?! matalino sya pero di sya gwapo ha? hindi talaga! maniwala kayo sakin.

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko na nakikipalakpak rin yun bang "akala ko ba mga kaibigan ko kayo bakit pinapakakpakan nyo yan?" look.

Agad naman sila tumigil at isa isang nag peace sign saakin.

"Miss, Gomez come to my office after my class. I'll talk to you" seryosong sabi ni sir saakin na sinunod ko naman.

After ng klase nya ay dumeretso ako sa office nya para makapag usap kami.

"You know what, yumiko? I can't see any improvements from you. Ikaw nalang lagi ang pinaka mababa sa klase ko. Hanggang kelan ka ba ganito? I can't tolerate this kind of behavior anymore!" Galit na sigaw nya "Pinapalampas ko pagiging bastos mo sa klase ko pero hindi ang tulad nito. Nasa pinaka mataas na section ka pa naman pero walang mapala sayo pag dating sa subject ko!" He added.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon