Chapter 1.

32 4 1
                                    

..when the devil meets her match.

"every time your lips touch another, i want you to feel me. I want you to feel me~"

nagising ako ng marinig kong mag ring ang cellphone ko na obviously, may tumatawag.

"every time you dance with somebody, i want you to feel me. I want you to feel me~"

Nag kukuskos ang matang kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng higaan ko para sagutin ang tumatawag at nang sa wakas ay masagot ko na ang call, bumungad sakin ang-

"YUMIKO ASAN KA NG BAKLA KA SABI NA NGA BA'T LATE KA NANAMAN SA USAPAN EH!"

Nagulantang ako sa sigaw ni Mimi sa kabilang linya. Sya ang isa sa mga kaibigan ko, ang baklang si Mimi. Oo, bakla sya. Isang feelingerong nilalang na nag katawang lalaki pero pusong babae.

"Good morning din ha? ANO BANG KAILANGAN MO?!" pasigaw na tanong ko sakanya at umupo sa kama ko. ke aga aga! ><

"WOW? IKAW PA GALIT? BAKA NAKAKALIMUTAN MONG MAY LAKAD TAYONG APAT SA MALL AT PARA SABIHIN KO SAYONG KANINA PA KAMI DITO!" galit na sigaw nya. Ay shoot! oo nga pala, may gala kaming mag kakaibigan ngayon. Ako pa naman ang nag aya tapos- "TIGNAN MO SA ORASAN MO KUNG ANONG ORAS NA!" utos nya na sinunod ko naman

"10 am hehe"
"OH, 10. Eh anong oras usapan natin?"
"8 am hehe"
"Oh ilang oras kaming nag intay sayo?!"
"2? hehehe"
"OH DIBA PUNYETA KA!"

Napangiwi ako sa sigaw nya. Ang ewan ko talaga minsan pero tama bang sigawan ako ha?! pero since kasalanan ko naman nag sorry ako sakanila at sinabing susunod na. Tuwing weekends kasi ay may gala kaming mag kakaibigan kasi bonding nadin namin yon kahit na araw araw naman kaming mag kakasama sa school since mag kakaklase din kami. Tsaka ko nalang din ipapakilala sa inyo kung sino pa yung iba kong mga kaibigan ha? Mag aayos lang ako kasi galit na yung baklang feeling babae.

So naligo na ako at nag bihis. As usual, t-shirt na white, long pants, rubber shoes and cap ang pormahan ko. Wala namang bago, ganto naman ako lagi. I may look boyish but idc, dito ako komportable so i won't change anything.

Anyways, Im Yumiko Gomez a junior highschool student na mabait, marangal, matalino, mabait ulit tapos mabait ulit. Maniwala kayo sakin.

Wala naman ako masyado sasabihin about sa sarili ko bukod sa mabait ako hehe.

Nag aaral ako bilang Junior Highschool student sa Bixx Academy and proud akong sabihin na nasa pangangalaga ako ng isang single dad. Yes, single dad. Wala akong clue kung nasan ba ang nanay ko dahil ayoko rin namang mag tanong or hanapin sya dahil wala naman akong pake. Sapat na sakin si papa.

"Oh, yumiko. Saan ka pupunta? May lakad ulit kayo?" tanong ng papa ko saakin ng makita ako pag labas sa kwarto. Tumango naman ako at hinalikan sya sa pisngi "Kumain ka muna" aya nito, akmang aalis na kasi ako imbis na dumeretso sa kusina para kumain.

"Doon na po ako kakain!" sabi ko sakanya at nag madaling umalis.

Ayun si papa. Isang mabait na ama. Lahat ng luho ko binibigay nya, never nya ako hinindian. Laging nasa akin mga desisyon nya. Sobrang mahal nya ako at ganon din naman ako sakanya. Na appreciate ko lahat ng hirap nya saakin.

Hindi kami mayaman, may kaya lang. Kaya din ako nakapag aral sa Bixx Academy dahil narin sa mga connections ni papa. May business din kasi sya at madiskarte sya sa buhay. Isipin mo, noon daw muntik na mawala business namin pero nagawan nya pa ng paraan. Ganon sya kadiskarte, no wonder masarap ang buhay namin ngayon kahit kaming dalawa lang.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon