Chapter 6.

5 2 0
                                    

"Ano ba yumi, papapasukin mo ba ako o hindi? Mag iisang oras na tayo dito sa labas ng bahay nyo ah." Nakasimangot na sabi ni regie.

Nag sisimula na syang mag reklamo dahil kanina pa ako pabalik balik ng lakad dito sa labas ng gate ng bahay namin. Hindi ba't ngayon ang usapan namin dalawa na haharapin nya si papa? Btw, ayoko na ituloy.

"Uwi ka nalang regie" Feel ko putla na ang labi ko sa sobrang kaba.

"What? Pinag antay mo ko ng matagal tapos pauuwiin mo lang ako? No!"

Nanlaki ang mata ko nang bigla syang pumasok sa gate at akmang bubuksan ang pintuan ng bahay namin pero mabilis ko syang niyakap sa bewang para pigilan.

"Yumiko, ikaw na ba yan?"

At pareho kaming nagulat ni regie nang saktong buksan ni papa ang pintuan na ganon ang posisyon namin so sa point of view nya, nakayakap ako sa likod ni regie. Oh no.

"Hello po." Bati ni regie kay papa. Anak ng-
"Sino ka? At teka yumiko bakit ka nakayakap sa lalaking 'to?" Gulat na tanong ni papa na unti unting nag sasalubong ang kilay. Agad naman akong lumayo kay regie.
"Ah tito, ako nga po pala ang boyfriend ni yumi" Sabi nya sabay akbay sakin.

Ayaw ko na!

T___________T

"Ikaw pala yon." Tumango tango si papa at tinignan si regie mula ulo hanggang paa. "Pumasok ka"

Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinaupo ni papa sa sofa si regie at umupo naman sya sa tapat nito.

"Pag hahanda ko po kayo meryenda hehe"

Mabilis na umalis ako sa harap nila at nag punta sa kwarto. Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba halos mapasabunot na nga ako sa sarili ko dahil hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon T_T

Nag palit ako ng damit pambahay at lumabas na sa kwarto deretso sa kusina para kumuha ng pagkain. Sa mga oras na 'to ineexpect ko ng bugbog sarado si regie. Iniimagine ko na kung paano sya gisahin ni papa sa mga matatalim nyang salita. Siguro umiiyak na ngayon si regie, or di kaya takot na takot, o baka napa ihi na yun sa salwal. AAAAA! Bakit ba ako nag aalala eh kung tutuusin sya may gusto ng lahat ng 'to? Kaya mag dusa sya!

Pag tapos ko mag prepare ng pagkain ay bumalik na ako sa pinag iwanan ko sakanila. Dahan dahan pa akong nag lakad dahil pinapakiramdaman ko ang mga nangyayari or pag uusap nila. Wala akong marinig na ingay, napaka tahimik. Wait, baka patay na si regie?! 0_0

"Hahaha! Talo nanaman ako!"
"Oo nga tito, pangalawa na 'to ah"
"Haha sige ulit ulit. Babawi ako!"

Napanganga ako nang makita ko ang dalawa na nag lalaro ng chess. Teka, anong nangyari?

"Oh anak, bakit ang tagal mo? Baka gutom na 'tong boyfriend mo"

Papa?!?

"Ayos lang po tito busog pa naman ako"
"Hindi iho. Dito ka na mag dinner"

Salungat sa mga na imagine ko kanina ang nangyayari ngayon. Nakikita ng dalawa kong mata ang dalawang tao sa harap ko na mag kasundong mag kasundo.

Anong ginawa ni regie sa tatay ko?!

"Talo nanaman. Hahahahaha" Natatawang sabi ni regie kay papa ng matalo nya nanaman ito sa laro.
"Kumain na nga muna tayo. Tsaka na ako babawi sayo" Natatawang sabi rin ni papa sakanya na may pag iling pa.

Tahimik na kumain nalang ako habang pinapanood silang dalawa na nag uusap. Mag katabi kami ni regie habang kumakain at nasa harap naman namin si papa. Ayos din naman si regie eh. Marunong din pala sya makisama pero di ko alam kung paano nya nakasundo si papa. Kakaiba.

Fake Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon