Chapter 2

3 0 0
                                    

Pagod na pagod kaming lahat ng makarating kami sa Florida, mahaba din ang byinahe namin patungo sa Daytona Beach kung saan yung rooms na pina reserve ng kaibigan ni Miguel.

Ginising lang kami ni Miguel na nasa Daytona na kami.

"Finally, we're here.." ani pa ni Bea sabay inat ng katawan niya, nag stretch din ako kasi parang pagod na pagod yung katawan ko.

"I wanna sleep.." sabi pa ni Dexie na mukhang antok na antok nga..

"Me too.." nag second de motion rin si Kenna.

May napansin akong isang grupo ng mga lalaki na patungo sa gawi namin.

But someone, caught my attention...
He look so cute and charming..

"Buti naman at nakarating kayo.." biglang sabi ng lalaki na mataas yung buhok hanggang balikat

"Yes, safe and sound.." ani naman ni Miguel at nakipag fist bump siya sa mga lalaki.

"These are my friends Antonn, Enzo, Bea, Dixie, Kenna and Zoey.." pakilala ni Miguel sa amin sa mga lalaki napatingin ako kina Dixie, Bea at Kenna na pangiti ngiting nakatingin sa mga lalaki , akala ko ba ay antok na antok na sila eh mukha namang energetic kaya napatawa ako ng mahina kaya sila napatingin lahat sa akin.

Agad ko namang itinikom yung bibig ko kaya lang hindi ko talaga mapigilan ang kakatawa kaya inilabas ko nalang.

"Zoey... " tawag pa ni Enzo sa akin

"Sorry, sorry.. I'm just happy .." rason ko nalang sa kanila saka ayun tumulong na sila sa mga gamit na dalhin patungo sa room namin.

Si Kenna yung napili ko na kasama sa isang room na may dalawang kama. Si Dixie naman at si Bea, Antonn and Enzo at si Miguel ay kasama yung kaibigan niya.

Akala ko talaga ay matutulog na kami pero hindi pala kaya heto kami ngayon sabay kami ni Kenna na mag shower. Wala namang malisya kasi babae naman kami.

Pagkatapos ay inilabas na namin ang mga sexy na damit namin. Napili kong suotin yung maong shorts ko at tsaka sweater kasi malamig na sa labas, bukas pa kasi magsisimula yung totoong kasiyahan.

Naghanda kasi ng bonfire na malapit sa dagat ang mga kaibigan ni Miguel at inimbita kami.

Nag iinuman na yung mga lalaki ng dumating kami, umupo ako sa bakanteng pwesto na katabi ng cute na lalaki na napansin ko kanina.

Ngumiti naman ito ng tumabi ako sa kanya saka inalok ako ng beer. Tinanggap ko ito.

"thanks.." sabi ko lang at nakipag cheers siya sa akin saka kami sabay uminom.

"Ano nga pala ang pangalan mo ?" tanong ko sa kanya

"It's Cohen.." tipid naman nitong sagot

Tumango lang ako at hindi na sumagot pa.. Sumali nalang kami sa kwentuhan ng mga kaibigan namin kaya lang ng makaubos ako ng dalawang bote ay nakaramdam ako ng gutom.

"May alam ka bang bukas na kainan dito ? " mahinang tanong ko kay Cohen , napatingin ito sa akin.

"You're hungry ? " tanong pa nito

"Yeah, hindi kasi ako nakakain kanina doon sa huling restaurant na pinuntahan namin." sagot ko naman sa kanya

"May napansin akong 24 hrs. na kainan sa may kabilang Apartment, pwede kitang samahan." nakangiti niyang sabi

"Hindi na, nakakahiya naman.." sabi ko lang saka ay tumayo na ako , tumayo rin ito.

"I insist ." sabi pa nito kaya wala na akong nagawa pa kundi ang tumango

Hale Series #4 FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon