Medyo mahaba haba yung biyahe papuntang pier kung saan yung yate ni Derek nakalagay.Sobrang daldal ni Quinton sa loob ng van kung saan kami sumakay lahat patungong pier.
"I have a next question and I want my brother Cohen to answer this .. " sabi pa ni Quint kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.
"That's better be good Quint .." sabi pa ni Cohen sa kuya niya.
"Well, don't worry brother this one is so easy .." ani pa ni Quinton saka tumingin sa akin pero saglit lang
"Spill it .." ganado namang sabi ni Cohen.
"Well what if you are a King and Zoey is a commoner, will you give up your throne just to marry Zoey ? " sinamaan ko ng tingin si Quinton dahil sa tanong niya
"What kind of question is that but to answer your weird question how weird you are well Yes, If I am king I will give up my throne just to marry Zoey ." sagot pa ni Cohen sabay tingin sa akin, naghiyawan naman yung lahat kaya pilit akong ngumiti at kiligin pero deep inside nakokonsensya ako.
"Sana all may jowa !!! " narinig ko pang sigaw ni Kennedy ..
"Shut up brat , walang magkakagusto sayo dahil sa kadaldalan mo." asar pa ni Cohen kay Kennedy and just like that the world war 3 has now started.
Tumulong pa talaga si Quinton sa pang-aasar kay Kennedy.
"Boys, stop it. Pinagtutulungan niyo na naman yang pinsan niyo.." sambit naman agad ni Tita Soleil
Tumigil din naman si Cohen at Quinton sa pang-aasar, ako naman ay kain lang ako ng kain ng tsokolate saka inom ng gatas ng maramdaman ko na gusto kong umihi.
Kinalabit ko si Cohen kaya agad itong napaharap sa akin.
"I feel like I really need to pee.." sabi ko naman kay Cohen.
"Dad, can we just stop by in a public toilet. Zoey wants to pee.." sigaw pa ni Cohen sa Daddy niya na nasa front seat katabi yung driver .
"Me too.. I really need to pee. " pag sang-ayon naman ni Alexandra
"Ok, we'll stop by in the near store.." sagot naman ni Tito Kol
Ng makakita nga kami ng mini store ay tumigil nga kami kung sino yung gustong umihi ay nagsilabasan.
Sinamahan pa talaga ako ni Cohen baka daw mawala ako eh kasama ko naman yung mga girlfriend ng kapatid niya at pinsan.
Pagkatapos ay itinuloy na yung pagbiyahe namin papuntang pier at this time ay tahimik ang lahat dahil tulog yung mga madaldal .
Pati si Cohen ay tulog rin sa tabi ko kaya pinikit ko nalang din yung mata ko hanggang sa nakatulog ako.
Nagising ako ng kinalabit ako ni Cohen
"We're here.." sabi pa nito kaya inahos ko na yung sarili ko saka tumayo na inayos ko yung suot ko na summer dress at lumabas na ng van.
Napaawang ang labi ko ng makita ko yung Yate ni Derek akala ko ay maliit lang pero sobrang laki pala..

"Wow.. It's a luxury yacht ." natinig ko namang bulong ni Zarri ng makalabas ito sa van."Pumasok na kayo.." sigaw naman ni Derek nauna na kaming mga babae na pumasok dahil kinuha pa ng mga lalaki yung gamit namin.
"Welcome Aboard Ladies .." nakangiting sabi pa ng staff sa yate ni Derek
"I feel like I want to live here .." sabi ko naman ng makita ko yung sa loob ng yate.
"You can Zoey but you are a princess and you should live in a castle.." mahina pang sabi ni Quinton sa akin ng mapadaan ito sa harap ko, sinamaan ko ito ng tingin kanina pa ito nang aasar sa akin.
Tumawa lang ito ng mahina saka tumuloy na sa paglalakad dala dala yung mga gamit nila ni Sofia.
Inilibot ko yung paningin ko sa paligid, everything inside this yacht screams expensive.
Ang swerte ni Alexandra kay Derek.
Sumabay na ako kay Cohen ng dumaan ito sa harapan ko para naman alam ko kung saan yung kwarto namin.
Pagpasok ko ay sobrang namangha din ako sa laki at ganda ng desinyo.
"Your brother is hell a rich man .." sabi ko kay Cohen ng mailapag na nito yung mga gamit namin.
"Masipag yun magtrabaho at wise din pagdating sa pera. Itong yate niya pinaparentahan niya ito sa mga mayayaman niyang kakilala kaya ayon lahat ng naipundar niya sa yate na ito ay naibalik sa kanya ganoon siya ka wise.." kwento pa ni Cohen saka umupo ito sa kama, binuksan ko muna yung kurtina bago ako lumapit kay Cohen at umupo sa lap nito.
"It's my first time in a yacht ." sabi ko kay Cohen, ipinupulot niya yung mga kamay niya sa beywang ko.
"Really ? " sabi pa nito at parang hindi makapaniwala, tumango naman ako.
"Well, don't worry pagkatapos kong mag-aral ay magsisipag ako sa trabaho, bibili ako ng ganito kalaking yate at maglalayag tayo kung kailan mo gusto kasama yung anak natin at magiging mga anak pa natin." seryosong sabi ni Cohen
"I like it I mean love it Cohen.." sabi ko naman, kaya lang alam ko namang impossible.
Cohen kissed me in my forehead kaya napapikit ako.
"Come on love birds, mamaya na yan. The dinner is ready ." sabay kaming napatingin ni Cohen sa may pintuan, it was Derek.
"Susunod lang kami.." sabi naman ni Cohen
"Derek, ang ganda ng yate mo, thanks for inviting me. It's an honored to be here." sabi ko naman kay Derek saka tumayo ako sa pagkakaupo sa lap ni Cohen.
"Thanks Zoey, Enjoy .." sabi naman ni Derek saka umalis na ito, agad naman akong hinila ni Cohen papalapit sa kanya saka hinalikan niya yung maumbok ko na tiyan bigla namang gumalaw ang bata sa loob ko.
"Oh my god .." napangiti ako kasi sunod sunod itong gumalaw.
"Hey baby, it's me your daddy .." bulong naman ni Cohen sa tiyan ko saka agad namang sumipa yung anak ko.
"We can't wait to meet you .." sabi pa ni Cohen sabay halik sa tuktok ng tiyan ko.
Sobrang sarap din ng mga ipinahanda ni Derek na mga pagkain sa staff niya at naparami yung kinain ko kaya sobrang busog na busog ako.
"You want more desserts ? " aya pa sa akin ni Anna, napailing ako.
"Thank you but I'm too full .." tanggi ko naman hindi ko na talaga kaya na kumain pa dahil sa kabusugan ko.
Nauna na akong tumayo sa kanila saka naglakad lakad ako sa may living room ng yate.
Every corner ay may mga staff na nakatayo siguro ang swerte nila sa mga trabaho nila dito sa yate at paniguradong malaki din ang sinasahod ni Derek sa kanila. Knowing Derek hindi naman kuripot at madamot yun.
Umakyat ako sa may deck at napangiti ako ng sumalubong sa akin ang sarap ng simoy ng hangin.
Pinikit ko pa talaga yung mata ko para damdamin yung pakiramdam na ganito, payapa lang walang iniisip na problema.
Napadilat ako ng may biglang naglagay ng coat sa likod ko pagtingin ko it is Cohen.
"Its too cold in here sabi pa naman ni Mommy bawal sayo ang ganitong lamig at mahangin na lugar dahil baka mahirapan kang manganak ." sabi pa ni Cohen saka tinulungan niya akong pinasuot ng makapal na coat.
"Saglit na lang, ang sarap sa pakiramdam ng ganito.." sabi ko kay Cohen agad namang akong niyakap ni Cohen sa likuran ko kaya mas lalong sumarap yung pakiramdam ko, I feel safe when I'm with him..

BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...