Chapter 20

3 0 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na lalaki yung anak namin Cohen.
Pitong araw ko na dito sa hospital.

January 15 ng lumabas yung baby ko at 4:25 am through Cesarean section.

We named him Noah Bohen Hale. Si Knoxx yung naka assigned na bantayan kami ng baby ko may pasok kasi si Cohen ngayon at hindi siya pinayagan ng Daddy niya na lumiban sa klase.

Si Quinton naman ay sinundo si Mamita sa Airport kasama si Tita Soleil. Nasa kompanya naman si Tito Kol at Derek.

"Nagtext si Mommy, may gusto ka ba daw na kainin ? " sabi ni Knoxx na may hawak na phone sa kamay niya habang karga na karga nito si Noah.

"Namiss kong kumain ng tacos .." sabi ko naman kay Knoxx.

"Anong flavor ang gusto mo ? " tanong pa nito

"Assorted nalang ..." sagot ko naman, tumango lang si Knoxx saka nag type sa phone niya.

Umiyak si Noah kaya ibinigay ito ni Knoxx sa akin ..

"Labas lang muna ako.." sabi pa ni Knoxx, tumango lng ako saka nagpasalamat.

Brineast feed ko si Noah , nahihiya kasi ako kapag may nakatingin sa akin kaya lumalabas nalang yung nagbabantay sa amin.

"My little sweet pea, I am your mommy .." mahinang sabi ko sa baby ko saka hinahaplos haplos ko ang mukha nito saka hinalikan ko ito sa noo.

Napaungol ng maramdaman ko yung sakit sa sa may nipple ko sabi naman ng doctor ay normal lang daw kasi first time ko magpadede ng sanggol pero masasanay din naman daw ako.

Ng matapos ko ng padedehin yung baby ko ay tinawag ko si Knoxx agad naman itong pumasok.

"Pakilagay naman si Noah sa higaan niya, nahihirapan pa kasi akong bumangon sumasakit yung tahi ko." sabi ko kay Knoxx

"Sure Zoey, huwag mo munang pilitin ang sarili mo.." sabi naman ni Knoxx saka kinuha niya si Noah sa akin at ipinahiga niya ito sa infant bed.

Mayamaya lang ay dumating si Mamita, Quinton at Tita Soleil na may dalang tacos. Nagpaalam muna si Knoxx na pupuntahan niya si Zarri na nasa nurse station dito kasi na hospital nagtatrabaho si Zarriyah.

"Oh god ! Ang gwapo gwapo ng apo ko sa tuhod.." masiglang sabi ni Mamita saka kinarga si Noah kahit tulog ito.

Lumapit naman si Tita Soleil sa akin saka hinanda yung mga tacos na binili niya sa may mesa malapit sa akin.

"Soft tacos lang muna yung binili namin Zoey kasi bawal pa sayo yung matitigas .." sabi naman ni Tita Soleil

"Mommy's right Zoey, bawal pa sayo yung mga matitigas and that includes Cohen.." bigla namang sambit ni Quinton agad namang lumapit si Mamita sa kanya at sinabunutan ang buhok ni Quinton kaya napatawa ako ng mahina.

"Ang bastos mo talagang bata ka, hindi ka pa rin nagbabago, ano bang pinakain mo kay Sofia at nagkagusto sayo.." sabi pa ni Mamita, tumawa lang si Quinton.

"Kumain ka na habang mainit init pa Zoey ." sabi naman ni Tita Soleil saka sinalinan din ako ng fresh milk.

"Maraming salamat po Tita.." sabi ko naman tumango lang si Tita saka lumapiy kay Mamita na karga karga si Noah.

Agad namang lumapit si Quinton sa akin saka sinabayan akong kumain ng tacos.

"Paano ba yan ? You already gave birth to Noah. Kailan ka aalis ? " mahinang tanong sa akin ni Quinton

"Matagal pa siguro, naghintay lang muna ako ng tawag sa Mommy ko kung kailan ligtas na akong bumalik sa Scotland.." mahina ko namang sagot

"Sana matagal pa para mas maalagaan at makasama mo si Noah.." sabi naman nito

"Sana nga Quint, sana nga.." sabi ko naman saka ako uminom ng gatas.

Nakauwi na kami ni Noah sa Mansion at may hinanda pa talaga sila na maliit na party para sa amin ni Noah at kabilang na doon ang mga kaibigan ko saka mga kaibigan din ni Cohen.

"Congratulations ! " sabi pa ni Kenna saka lumapit sa akin at niyakap ako pero saglit lng kasi sumunod din yung iba ko pa na mga kaibigan.

Sabay sabay kaming kumain sa mga hinanda nila, masaya ako kasi nandito yung mga kaibigan ko at kapag babalik na ako Scotland mamimiss ko sila, silang lahat lalong lalo na yung mag-ama ko.

Masaya akong makita si Cohen na karga karga yung baby namin saka sinasayaw niya ito.

"Ok ka lang ba Iha ? " tanong ni Mamita sa akin ng tumabi ito sa akin ng upo.

"Opo Mamita, ok lang po ako.." sagot ko naman , inilagay ni Tita yung hawak niya na baso saka hinawakan niya yung kamay ko.

"Maraming salamat sayo Iha, simula ng makilala ka ni Cohen agad ka niyang ikwenento sa akin kung gaano siya ka saya na makilala ang isang kagaya mo. Sabi pa nga niya sa akin ikaw na yung gusto niyang makasama niya sa pagtanda niya. Alam kong mga bata pa kayo pero believe me Iha minsan lang magmahal ang mga Hale at ikaw yung napili nga apo ko, sana bigyan mo siya ng pagkakataon na maiparamdam sayo kung gaano ka niya ka mahal. " seryosong sabi ni Mamita sa akin.

"Mamita, sana po maintindihan niyo na hindi ko po kayang suklian ang pagmamahal ng apo niyo. Oo inaamin ko sa mga araw na kasama ko siya nahuhulog ako kay Cohen pero pinipigilan ko ang sarili ko na lumalim yung nararamdaman ko sa kanya kasi hindi tama at hindi dapat. Ngayon pa lang po humihingi na ako ng kapatawaran sa inyo .." seryoso ko ring sabi kay Mamita hindi kumibo si Mamita alam kong naguguluhan siya.

"Mamita .." sabi ko naman, pilit na ngumiti sa akin si Mamita

"Naiintindihan ko pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa inyong dalawa ng apo ko Zoey. " sabi naman ni Mamita saka niyakap niya ako.

Masasabi kong magiging mabuting ama si Cohen kay Noah.
Pag-uwi niya galing sa klase ay inaalagaan niya yung anak namin hanggang sa makatulog ito.

Kapag madaling araw naman ay si Cohen yung nagpapatulog kay Noah kapag nagigising ito.

Sobrang alaga din ni Cohen sa akin at araw araw niyang pinaparamdam sa akin kung gaano niya kami kamahal ni Noah.

Minsan naiisip ko na parang wala na akong lakas na iwanan sila. Gusto kong kalimutan nalang yung tungkulin ko pero hindi eh sa tuwing pinipikit ko yung mata ko nakikita ko si Daddy at kung paano niya ipaalala s akin ang mga tungkulin ko, Scotland needs me. My people needs me to be their leader ..

"Zoey, ok ka lang ba ? Masakit pa rin ba ? " nag-aalalang tanong ni Cohen sa akin sabay upo sa tabi ko

"Ok lang ako, si Noah ? " tanong ko naman kay Cohen

"He is with Dad, pinapatulog niya." sagot naman nito, hinawakan ko ang mukha nito.

"Tomorrow is your graduation day at cumlaude ka pa sobrang proud ako sayo hindi mo pinabayaan ang pag-aaral mo kahit dumating pa kami ni Noah sa buhay mo. " nakangiti kong sabi ni Cohen saka hinaplos ko ang mukha nito.

Agad namang hinawakan ni Cohen yung kamay ko saka hinalikan niya ito

"Kayong dalawa ni Noah ang inspirasyon ko, pangako magsisipag ako para makapagpatayo na tayo ng sarili nating bahay. " sabi pa nito at mukhang excited.

"Kahit saan Cohen basta magkasama lang tayong tatlong tatlo .." sabi ko naman, gusto kong maging selfish this time.

Hindi ko muna iisipin yung tungkol sa tungkulin, kung ano ang gusto ng puso ko ay iyon ang susundin ko.

"I love you Zoey .." seryoso pang sabi ni Cohen, araw araw niyang sinasabi sa akin ang salitang yan pero kinikilig pa rin ako kaya siniil ko ito ng halik humalik naman pabalik si Cohen sa akin kaya lang ay agad kaming tumigil dahil may kumatok. Nagsitawanan nalang kaming dalawa.

Hale Series #4 FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon