Ngayon ang dating ni Mamita kaya medyo kinakabahan ako. Nakauwi na rin nung isang araw si Quinton pero wala siya dito ngayon sa bahay dahil susunduin niya si Sofia, si Knoxx din ay sinundo si Zarri sa Hospital na tinatrabahuan nito.
Si Tito Kol at Cohen ang sumundo kay Mamita sa airport kaya kami ni Tita Soleil, Noah at mga kasambahay ang nandirito sa bahay.
Tinutulungan ko si Tita Soleil na magluto kasi nga dito kami mag di-dinner lahat mamaya.
I already done making a chicken cordon bleu at si Cynthia na yung mag fra-fry.
Ngayon I'm making a vegetable salad habang si Tita Soleil naman ay nagluluto pa ng iba't ibang klase na putahi.
Ng matapos na ako ay naghanda ako ng merienda para kay Noah.
A chocolate milk drink and a truffles saka ay pinuntahan ko ito sa kwarto nito.
Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.
Nadatnan ko si Noah na naglalaro na naman sa phone nito. Tumingin lang ito sa akin saglit saka ibinalik yung atensyon sa paglalaro.
"Mag merienda ka muna anak.." nakangiting sabi ko saka inilagay ko sa bedside table nito yung dinala ko pero para namang walang narinig si Noah kaya hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa tumabi akong umupo sa kanya sa kama nito kaya lang ay agad itong umatras ng kaunti kaya hindi nalang ako lumapit pa.
"Noah, hanggang kailan mo ba ako iiwasan ? " mahinahon ko ns tanong sa anak ko pero hindi pa rin ito kumibo
"Sorry kasi iniwan kita nung 2 years old ka pa pero Noah gusto ko maintindihan mo na kailangan ko talagang gawin yun kasi siguro na ikwento ni Abuela sayo kung sino at ano ako. Simula nung isilang ako sa mundong ito may malaking responsibilidad na akong haharapin at gagampanan. I came from a Royal Family and believe me lahat ng nagagawa mo ngayon ay hindi ko nagawa noong bata pa ako. I always want to feel what its like to be a commoner kaya nagbakasyon ako dito sa Pilipinas, my mom which is your Abuela too apat na taon lang yung binigay niya sa akin na bakasyon at sa apat na taon na yun ay hindi ko inexpect na dumating ka sa buhay ko pero believe me Noah kahit alam ko na hindi dapat pero mahal kita kasi anak kita at kahit anong mangyayari bubuhayin kita pero dumating sa punto na kailangan ko ng bumalik sa lugar kung saan ako isinilang para gampanan ang tungkulin at kabilang na doon ang pagpapakasal ko sa isang hari yung Tito Edward mo. I admit at first itinago kita sa pamilya ko kasi nga magiging delikado sayo at sa akin kapag nalaman nila na anak kita pero sana malaman mo na ginawa ko lang yun just to make you safe kahit sabi pa ni Tito Edward mo na ipakilala kita publicly at saka kukunin ka namin para doon tumira sa palasyo kasama kami pero I know your Dad won't let us kaya twice a year kaming nagbabakasyon dito ng Tito Edward mo at tinitignan ka namin sa from a far kahit gusto ko na lapitan ka at yakapin ng mahigpit. Mahal na mahal kita Noah at sana mabigyan mo ako ng isang pagkakataon na makasama ka, mayakap ka, mahalikan ka at maparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal...." naiiyak na kwento ko kay Noah kahit patuloy pa rin itong naglalaro.
"Alam ko na nakukulitan ka na sa akin pero Noah hindi pa rin ako titigil hanggang sa mapatawad mo ako kaya kahit matagal pa bago mo ako mapatawad ay ok lang maghihintay ako basta lang kasama at nakikita lang kita araw araw ay sapat na sa akin. Mahal kita anak ..." dagdag ko pang sabi saka pinunasan ko yung luha ko.
"Lalabas na ako para makapag merienda ka na, mayamaya lang ay dadating na yung Daddy mo . " sabi ko nalang saka bumaba na ako sa kama at naglakad patungo sa pinto bago ako lumabas ay tumitig muna ako kay Noah saglit saka ay lumabas na ako.
5pm ng dumating si Quinton at Sofia, napayakap pa si Sofia sa akin ng makita niya ako.
"Akala ko talaga na hindi totoo nung ikwenento sa akin ni Quinton nandito ka pero totoo pala.." masiglang sabi ni Sofia sa akin.
"Masaya akong makita ka ulit ..." sabi ko naman
"Ako rin Zoey, sobrang worried ko ng mabalitaan ko ang insidente na nangyari last year sa Great Britain buti nalang talaga at safe ka pero Zoey sorry sa nangyari sa asawa mo. " ani pa ni Sofia hinawakan ko ang kamay nito
"Ok lang naka move on na ako at salamat din sa pag-alala.. " sabi ko naman saka niyakap ako ulit ni Sofia mayamaya lang din ay dumating si Knoxx at Zarri katulad din kay Sofia ay hindi siya makapaniwala na nandito nga talaga ako.
"You're a Queen pala hindi mo man lang sinabi sa amin, we treated you like us patuloy.." ani pa ni Zarri
"That's the point kaya ako nagsinungaling kasi nga ayoko na umiba yung pakikitungo niyo sa akin syempre gusto ko fair lang dapat. " sabi ko naman sa kanila
"Your really good at acting talaga hindi halata na ng galing ka sa Royal Family kaya pala alam na alam mo yung etiquette. " sabi pa ni Sofia, naalala ko pa noon na siya yung nakapansin sa akin sa party the same night Kenna called me about the Spaniards noon pa talaga may banta na yung buhay ko buti nalang talaga at nahuli na namin yung mga salarin at nabigyan ko na rin ng hustisya ang pagkamatay ng asawa ko.
Natigil lang kami sa kaka kwentuhan ng dumating na sila...
"Oh my god ! Oh my god ! It's really you .." nabigla pa ako ng makita ko si Kennedy na masayang papalapit sa akin...
"I guess Hi ..." sabi ko nalang
"Nakakainis ka nagsinungaling ka sa akin at hindi mo pa ako inimbitahan nung araw ng coronation mo, gusto ko pa naman na ma experience tumira sa palasyo at makapag asawa ng Hari o di kaya'y Dukes , Counts , Lords.. My god Zoey sana inimbita mo ako noon edi sana nakahanap na ako ng asawa ko " ani pa ni Kennedy napataws nalang kami ni Zarri at Sofia hindi pa rin talaga nagbabago si Kennedy at madaldal pa rin.
Hindi na ako nakasagot kay Kennedy ng makita kong pumasok si Mamita na naka wheelchair at si Tito Kol ang tumutulak sa kanya si Cohen naman ang may dala ng mga gamit ni Mamita at Kennedy..
Ng mag tama yung mata namin ni Mamita ay nahiya ako kay yumuko ako nag angat naman ako ng tingin kay Kennedy ng hawakan niya yung kamay ko.
"Mamita's not mad at you. She understand your situation sa totoo nga sobrang saya niya ng mabalitaan niya kay Tito Kol na bumalik ka. " mahinang sabi ni Kennedy sa akin kaya napayakap ako sa kanya pero bumitaw rin ako agad kasi ay naglakad na ako patungo kay Mamita agad namang lumayo si Tito Kol ng nasa harap na ako kay Mamita syempre nagmano agad ako.
"Mano po Mamita..." sabi ko saka nagmano ako ilalayo ko na sana ang kamay ko ng hawakan ito ni Mamita kaya hindi ko maiwasan na lumuhod at napaiyak ..
"Sorry Mamita kung nagsinungaling ako sa inyo. " buong puso akong humingi ng tawad sa matanda.
Hinawakan ni Mamita yung mga kamay ko saka ay niyakap ako.
"I understand you don't need to say sorry ang importante nandito ka na.." bulong ni Mamita sa akin habang nagyakapan pa rin kami matagal din akong binitawan ni Mamita.
Itinulak ko yung wheelchair nito papunta sa may sofa kasi gusto niya umupo sa malambot na upuan tinulungan naman ako ni Zarri na patayuin si Mamita at paupuin sa sofa.
"I still can walk pa naman pero madali na akong mapagod kaya nag request ako ng wheel chair .." kwento pa sa amin ni Mamita napatingin ako sa may hagdan ng makita ko si Cohen na pababa at akay na akay si Noah.
BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...