Today it's Cohen's graduation day at lahat kami ng pamilya niya ay dadalo, yung van yung sinakyan namin papunta sa University na pinasukan ni Cohen.
Katabi ko si Kennedy ngayon, kahapon lang ito nakauwi galing LA , dito kasi siya magbabakasyon sa Pilipinas.
Si Noah naman ay na kay Derek at Alexandra, pinapatawa nila ito dahil aliw na aliw sila. Apat na buwan palang si Noah at sobrang cute na cute kapag tumatawa.
Si Zarri at Sofia ay hindi nakapunta kasi nga may mga trabaho ito pero pupunta daw sila sa celebration mamayang gabi sa Mansion.
Hindi naman malayo ang University at nakarating din kami.
Iniaalayan ako ni Quinton na makababa sa van kasi nga mataas na heels yung suot ko.
Ibinigay na ni Alexandra sa akin si Noah ng makapasok na kami sa Auditorium. Si Quinton naman yung nagboluntaryo na dalhin ang gamit ni Noah.
Agad ko namang napansin si Cohen na nakangiting papalapit sa amin.
"Daddy's coming Noah.." nakangiting sabi ko kay Noah, ngumiti naman ito.
Lumapit muna si Cohen sa Daddy at Mommy niya na dala dala yung toga niya. At kay Mamita na tuwang tuwa saka niya kami nilapitan.
Kinuha niya si Noah sa akin saka hinalikan niya ito sa noo. Agad namang tumingin si Cohen saka ako niya niyakap patagilid saka siniil ng halik sa labi pero saglit lang kasi nga nakatingin sa amin ang pamilya niya.
Sabay kaming naglakad ni Cohen patungo sa upuan na nakahanda para sa amin habang karga karga niya yung baby namin. Nakasunod naman sa amin yung pamilya niya.
Hindi pa nagsimula yung program kaya isinama kaming dalawa ni Noah para ipakilala sa mga kaibigan niya.
"Your baby is so cute Cohen and the mother is so pretty too.. " sabi pa ng babae, isa sa mga ka blockmate ni Cohen.
"Salamat at congrats sa inyong lahat" nakangiti ko namang sabi sa kanila, madami pa silang mga compliment na sinasabi at sanay na sanay na ako pagdating diyan.
"Huwag niyong kalimutan ha, pool party tonight at my house .." sabi pa ni Cohen bago kami umalis.
Ng mag anunsyo na na magsisimula na yung party ay hinatid na kami ni Cohen sa upuan ko kung saan yung mga pamilya niya.
Agad namang kinuha ni Tito Kol si Noah sa kanya saka ako umupo sa gitna ni Quinton at Alexandra.
Matagal din bago natapos yung programa at gutom na gutom kaming lahat buti nalang talaga at nakapagreserved si Derek sa isang Restaurant as graduation gift niya kay Cohen at doon nga kami kumain.
Maraming inorder si Derek kaya mukhang maparami yung kakainin namin.
French foods such as steak frites, chicken confit, salmon en papillote, croque monsieur, cassoulet, hazelnut dacquoise, paris-brest, coq au vin, chicken cordon bleu quesadillas, salad nicoise and grilled steak with garlic chive butter and french style potato salad.Busog na busog kaming lahat, worth it na worth it yung malaking halaga na binayad ni Derek sa mga kinain namin.
Bago kami umalis ay nag-order ako ng tatlong dosenang paris-brest saka dalawang hazelnut dacquoise, matagal na rin kasi ng hindi ko nagagamit yung pera ko.
Since may magaganap na party si Cohen mamaya syempre gusto ko ring mag ambag...
Yung isang dosena ng paris-brest ay binigay ko sa mga kasambahay namin para naman makakakain sila ng kinain din namin kanina.
Nag thank you naman sila sa akin magaan sa loob ko na nakapagbigay ako.
Pumasok muna ako sa kwarto para makapagbihis ng pormal kasi nga ay naisipan ko na mag grocery para sa party mamaya dadating din kasi yung mga kaibigan ko, Cohen invited them.
Ng mahubad ko na yung dress ko ay sakto naman na pumasok si Cohen.
"Samahan mo ako mag grocery ." malambing nasabi ko kay Cohen saka ko hinalikan ito, humalik naman ito pabalik sa akin.
"Huwag mong sayangin ang pera mo sa akin.." sabi pa ni Cohen saka ako niyakap palapit sa kanya
"Just this once please.. As for my graduation gift to you.. Please. " malambing na sabi ko kay Cohen, hinalikan nito yung tuktok ng ilong ko.
"Just this once, ok ? " sabi naman ni Cohen, tumango lang ako saka ngumiti.
"Mamayang gabi may special gift din ako sayo, maghanda ka.." nakangiting sabi ko kay Cohen
"Aasahan ko yan.." sabi naman nito saka ayun sabay na kaming nagbihis.
Hindi na namin dinala si Noah kasi nga ay mahimbing itong natutulog, gusto sanang sumama ni Kennedy kaya lang ay hindi pumayag si Cohen dahil mag da-date daw kami kaya wala namang nagawa si Kennedy.
Sa grocery store kami pumunta ni Cohen bumili kami ng limang dosenang big cans of beers at mga cups kasi naisipan namin na maglaro ng beerpong mamaya. Nag order lang kami sa isang restaurant ng iba't ibang klase na finger foods.
Hindi naman kami nagtagal ni Cohen at nagbiyahe na rin kami pauwi.
"Pwede ba ako uminom mamaya ? " tanong ko kay Cohen habang nasa biyahe kami
"Ano bang sabi ng Doctor ? Paano si Noah, di ba nagbre-breastfeed ka sa kanya .." sabi naman nito
"Sabi ng doctor ok lang daw kasi tapos na ako sa mga meds ko basta light drink at tsaka pwede naman na mag infant milk muna si Noah di ba ? " sagot ko naman kay Cohen
"Ok, just for now .." sabi naman ni Cohen kaya tumango ako at ngumiti.
Sumapit ang gabi ng magsidatingan yung mga kaibigan ko pati na din yung mga ka block mates ni Cohen.
Si Noah naman ay nasa kwarto muna nila Tita Soleil , Tito Kol insisted din kasi para daw makapag enjoy daw kami. Ok lang daw na malakas yung music since soundproof naman lahat ng kwarto sa Mansion maliban nalang sa mga maid quarters.
"This is awesome ..." sabi pa ni Kennedy ng makita niya kung gaano na kadaming tao ang dumating.
Since wala namang malapit na bahay dito sa Mansion ay pinayagan kami ni Tito na magsaya hanggang 4am ng madaling araw.
"Kukulangin yung beer dahil sa dami ng studyante na dumating pero wag kayong mag alala, nag order na ako ng another 5 big cans of beer.." narinig kong sabi ni Lee kay Cohen.
Napatingin ako sa paligid.. May mga studyante na naliligo sa pool with their trunks and bikinis. Mga mga nagtatawanan at nag-iinuman na sa gilid.
I miss this, I miss this kind of party ..."Who wants to play a beerpong ? " malakas na sigaw ni Lee kaya nakuha niya lahat ng attention ng mga tao.
" I know you guys know how to play this game and also the rules. We have a guest from another University which is my friend Miguel's clan they are gonna be the first team and the second team which is us, so each team needs an 8 members. " paliwanag pa ni Lee.
"Bro, baka nakalimutan mo anim lang kami.." sambit naman ni Miguel , oo nga anim lang sila, napangiti ako ng makaisip ako ng Idea.
"I'll play with them, I mean kami ni Kennedy para maging 8 lahat." sabi ko naman saka hinila ko si Kennedy sa tabi ko at mukhang game na game naman.
Napansin ko nakangiting nakatingin si Cohen sa amin at mukhang hindi makapaniwala na sumali ako.
"What about you Cohen ? " tanong ko naman kay Cohen na nasa tabi ni Lee
"Well, you play then I'll play on the other team .." sagot naman nito kaya nag appear kami ni Kennedy.
BINABASA MO ANG
Hale Series #4 FOR YOU
RomancePrincess ZoeyElle Duchanes future Queen of Scotland wants a freedom before getting married to his Fiance future King of England Prince Edward. Hinangad niya sa mahal na Reyna at sa Prinsipe na kanyang mapapangasawa na mabigyan siya ng apat na taon n...